Ashina's P.O.V
May sasabihin pa sana ako pero marahas akong napalingon sa kaliwang direksiyon ng mayr'on akong naririnig na siyang mas ikinatindi ng aking galit.
Kaagad na humakbang ang aking mga paa.
"Ashina, sandali!" Rinig kong wika ni Zeeb.
Mabibilis ang aking naging paghakbang nang marating ko kaagad ang lugar at sa aking pagdating. Isang bagay pa ang aking nasaksihan dahilan para lalo akong madismaya sa lugar na ito.
Marahas kong inilayo ang walang sibling wolf na siyang naglalatigo sa mag-ina. Agad akong lumapit sa mag-ina.
"The hell!" galit kong anas.
Sa aking paglingon sa likuran nila. Mga nakaipong omega ang nakita ko at lahat sila ay nakaranas ng paglatigo. Mukhang tinuturuan sila ng leksyon.
"What the hell is this, Anis?" malakas na tanong ni Zeeb.
"A-Alpha," takot na tumayo ang binalibag kong lobo.
Muling bumaling ang tingin ko sa mag-ina. Nanginginig ang katawan ng ina ng bata hindi dahil sa takot kun'di dahil sa mga malalim na sugat na kaniyang natamo. Mahigpit na yakap nito ang kaniyang anak upang hindi matamaan ng latigo.
Nang tingnan ko ang bata ay wala siyang nakuhang sugat. Ang lahat ay sinalo ng kaniyang ina.
"B-Binibigyan ko lamang po s-sila ng l-leksiyon ng m-magtanda po s----" Marahas na bumaling ako sa kausap ni Zeeb.
Tumayo ako at galit na humarap sa kaniya.
"You are what? Giving them a lesson? By hurting them? Really?" malamig kong tanong.
"Ashina, calm down." pagpapakalma sa akin ni Zeeb na hindi ko pinansin.
"Then accept my lecture too." saad ko,
"Burn," malamig kong saad.
"Until his body became an ash." tuloy ko.
Mabilis na nagliyab ang kaniyang katawan. Ang lahat ay nagulat sa aking ginawa. Nasunog ang kaniyang katawan hanggang sa maging abo ito at mawala sa paningin namin ang kaniyang abo.
"I am taking them with me." malamig kong sambit kay Alpha Zeeb.
"With or without your permission." dugtong ko,
Humarap ako sa mga omega.
"Sasama kayo sa akin. Kung mayr'on kayong importanteng bagay ay puwede ni'yong kunin at dalhin. Kunin ni'yo na." wika ko sa kanila.
"Ashina, let's talk about this." mahinahong ani sa akin ni Zeeb.
Hindi kumikilos ang mga gusto kong isama. Marahil ay naghihintay sila sa utos ng kanilang pack.
Marahas na hinawi ko ang kamay ni Zeeb.
"We have nothing to talk about. Tell them," malamig akong tumingin sa kaniya.
"Tell them that you are allowing them to leave with me." malamig kong utos sa kaniya.
Huminga siya nang malalim saka tumingin sa kaniyang pack members.
"You can all go with her." sambit ni Zeeb.
Mukhang nag-aalinlangan pa sila pero kumilos na rin sila. Papunta na rin rito si Melania.
Dumako ang tingin ko sa pinarusahan ng sobra. Lumapit ako sa kanila.
"Mama, M-mama." paggising ng batang babaeng sa kaniyang ina.
Nawalan ito ng malay dahil sa kaniyang mga natamo.
"Shhhh, it's okay. You're mom is fine. She just fainted." mahinahon at pagpapatahan ko sa bata.
"Mayr'on ka bang gustong dalhin?" tanong ko sa kaniya habang lihim na ginagamot ang sugat ng kaniyang ina.
"Aalis tayo rito. Pupunta tayo sa lugar kung saan walang mananakit sa iyo at sa iyong ina." saad ko sa bata.
Tumigil siya sa kaniyang pag-iyak at inosenteng tumingin sa akin.
"Talaga p-po? Hindi na po sasaktan si m-mama?" tanong niya habang tinuyo ang kaniyang mga luha.
"Oo naman," nakangiting sagot ko.
Nakita ko ang ngiting sumilay sa kaniyang labi habang tumingin siya sa kaniyang inang natutulog. Napansin kong maayos na ang paghinga ng kaniyang ina.
"Ashina," Rinig kong tawag sa akin ni Melania.
Tumingin ako sa kaniya at sinenyasan siya.
Agad siyang lumapit sa amin at binuhat niya ang ina ng bata.
"She's too light." komento ni Melania na kumunot pa ang noo.
Sinabi ko sa bata na sumama siya kay Melania na agad naman niyang ginawa. Umalis na rin ako at sumunod sa akin ang mga kasama kong ilang omega.
Pagkalabas namin ay nakita ko pa ang tatlo. Nakalimutan ko sila. Inalis ko na sa pagkakalutang ang dalawa maging ang ina ni Quelina.
Nang makita kong nakasakay na ang lahat.
"Bring them all to our house." utos ko kay Melania gamit ang mind link.
"Right away," mabilis niyang sambit saka kaagad na umalis.
Muli akong tumingin sa kanilang lahat.
"If one of you says anything about me outside of this pack, You will burn and turn into ashes. Kung ayaw ni'yong maging abo, itikom ni'yo ang inyong bibig ay huwag magsalita tungkol sa naksihan ni'yo ngayong araw." malamig kong wika sa kanila.
Tsk!
This place really disappointed me.
Muli akong bumalik kay Alpha Zeeb.
May gagawin nga pala ako, muntik ko ng makalimutan.
"I, Ashina, reject Alpha Zeeb as my soul mate and as Luna of the Maccon Pack." walang atubiling sambit ko kay Alpha Zeeb.
Lahat ay napasinghap sa aking sinabi at nagulat naman si Zeeb.
Kailanman ay hindi na ako naniwala sa mate thing na 'yan.
I don't trust it anymore.
Minsan na akong naniwala na ang magkaroon ng isang mate ay isang napakaganda at masarap sa pakiramdam.
Dahil oras na kayo ay magkita. Kaagad ni'yong mamahalin ang isa't isa. Anumang uring nilalang ka man.
Ang magkaroon ng mate ay parang isang sumpang hindi ka na makawawala pa.
Tinalikuran ko na sila at nagsimulang humakbang paalis.
"I don't accept it." Nahinto ako sa aking paglalakad.
"I know I failed you, and it's my fault as an Alpha. I didn't pay attention to my pack members. I promise it won't happen again." Rinig kong wika niya mula sa aking isipan.
"And as your mate, I'll do everything for you to accept me." Nagpatuloy ako sa aking paglalakad.
"At kung iniisip mo kung bakit hindi ko tinanggap ang iyong rejection ay dahil sa aking mga nasaksihan ngayong araw. Nagkakamali ka, I've been waiting for my mate, Ashina, and I just won't let it passed just because you rejected me." he added.
"We'll talk again." huli niyang sinabi sa aking isipan.
Hindi ko pinansin ang kaniyang mga sinabi. I doubt those words from him.
Bullshit! Naipakita ko tuloy ang aking mga kayang gawin ng wala sa oras.
Dapat pala binura ko na lang ang mga memorya nila tungkol sa mga nangyari para mas mabilis at talagang hindi nila maipakalat ang tungkol sa kanilang mga nakita.
Napabuntong hininga na lamang ako pagkalabas ko sa kanilang border.
Nevermind!
Magiging abo naman sila kapag nagbanggit sila kahit isang salita lamang tungkol sa nangyari.
Maririnig at maririnig ko kung sino ang maglabag sa aking banta.
TheKnightQueen