Ashina's P.O.V
Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang paggalaw ni Zeeb. Dinampian niya ng halik ang aking noo hanggang sa marahan siyang umalis sa kama.
Marahan kong iminulat ang aking mga mata saka napabangon. Dumako ang tingin ko sa binabaan niya. Tumingin ako sa paligid namin.
Narito na pala kami sa secret place niya. Kaya pala pamilyar ang kaniyang amoy sa akin. Marahan akong umupo sa gilid ng kama. Luminga ako sa paligid, naghahanap ng puwedeng masusuot pero wala akong nakita kaya kinuha ko ang kumot saka binalot sa aking sarili.
Tumayo ako at marahang bumaba sa hagdan. Naabutan kong nakatayo si Zeeb habang nakatingin sa labas. Madilim sa labas kaya hindi mo makikita ang mga nasa labas.
Seryosong nakaharap lamang siya sa labas. Boxer lang ang suot niya pero mukhang wala lang ito sa kaniya.
Saktong pagkatapak ko sa pinakahuling baitang ng hagdan ay lumingon siya sa gawi ko. Nakita kong nilagok niya ang wine sa hawak niyang wine glass saka marahang ibinaba sa isang maliit na mesa.
Muli siyang humarap sa akin at hinintay ang paglapit ko sa kaniya. Agad naman akong humakbang patungo sa kaniya. Sinalubong kaagad ako ng kaniyang mga bisig at ikinulong dito.
"Did I wake you up?" he gently asked.
Umiling akong bilang sagot. Niyakap ko siya ay sumiksik sa kaniya.
Alam ko kung ano ang iniisip niya. He seems bother about it.
"You saw it?" I asked.
"Yeah," tugon niya sabay yakap din sa akin.
katulad ng nakita ko ang kaniyang mga alaala ay nakatitiyak din akong nakita niya rin ang sa akin. Alam na niya ang nakaraan ko.
Mga alaalang matagal ko na ring binabaon ngunit patuloy pa rin itong bumabalik sa aking isipan. Patuloy pa rin ako nitong ginagambala hanggang dito sa ikalawang buhay ko.
Hindi natatahimik ang aking kalooban sa tuwing nakikita ko silang nasa maayos at tila walang ginawang mali sa kapwa nila lobo.
Tila nakalimutan nilang mayr'on silang tinapak-tipakan at sinirang buhay.
Kami ay hindi pangkaraniwang nilalang subalit wala kaming pinagkaiba sa ordinaryong mga tao.
Nabubuhay din kaming katulad nila. Kagaya nila ay ang tingin sa aming mga mahihina lalo na sa mga kababaihan ay isang alipin lamang. Wala at hindi kami binigyan ng karapatang marinig ang aming mga boses at hinaing.
Ang tingin ng bawat lobong lalaki, lalo ng mga nasa taas ay tanging pagiging isang alipin lamang ang kaya naming gawin at hanggang ganoon na lang ang mga she-wolf.
Masuwerte na lamang kung ang isang she-wolf ay anak ng isang Alpha dahil mataas pa rin na position ang iyong mapupuntahan, at iyon ang pagiging isang Luna ng isang pack.
Mate ka man ng isang Alpha or hindi, magiging Luna ka basta anak ka ng isang Alpha. Bukod pa roon, nakalagay din sa batas at patakaran na mayr'on ang aming lugar na ang tanging puwedeng maging Luna ng isang pack ay ang babaeng lobong may dugong Alpha.
Kapag walang Alpha Blood na nanalantay sa iyong dugo ay bawal na bawal kang maging Luna ng isang Pack.
Speaking of law,
Tumingin ako sa kaniya.
"You are violating your father's order." saad ko,
Dumako rin ang tingin niya sa akin. Napansin ko ang pagkunot ng kaniyang noo habang nakatingin sa akin.
"A she-wolf who is of non-alpha blood cannot be a Luna of the pack in accordance with our existing norms and regulations. I'm not of the Alpha Blood." dagdag ko.
"That doesn't concern me." tugon niya na ikinataas ng kilay ko.
Umalis ako sa pagkakasandal sa dibdib niya at mas tiningnan siya nang maigi.
"What? I truly don't give a damn about it." he said again.
"You are aware that it is possible for you to be expelled from the Maccon Pack as an Alpha or wolf prince." kunot-noong saad ko.
I am f*****g stupid to forget about it.
"My mate is concerned about me." biro niya.
"Zeeb!" mariing saway ko sa kaniya.
Sa lahat ba naman ng makalilimutan ko ay ang bagay pa na iyon. Marami ng lumabag sa ganoong patakaran at ang nagiging parusa nito ay patatalsikin bilang isang Alpha or papaslangin nito ang babaeng mate ng Alpha.
Umalis ako sa pagkakayakap sa kaniya at dumistansiya sa kaniya.
"It's too late to think about it, and I am ready to accept the punishment that the king will give me." tugon niya sabay pinunan ang distansiyang mayr'on sa aming dalawa.
Pumasok ang kaniyang mga kamay sa loob ng kumot at walang hirap niya itong pinulupot sa aking baywang saka kabig sa aking palapit sa kaniya.
"Kung ang kapalit ng parusang ibibigay sa akin ay ang makasama ka. Handa akong tanggapin iyon anuman ang parusang ilalapat sa akin." he stated.
Hindi ko alam kung tataasan ko siya ng kilay or what? Hindi ko rin alam kung anong ekspresiyon ang ibibigay ko sa kaniya.
He chuckled when he noticed my speechlessness.
"Meeting you was not a mistake. I'm not sorry I marked and claimed you as mine." he added.
"Yes, Maccon Pack belongs to me, but right now, you matter first, and nothing can make that stop. I'll fight for you even if it means going up against my father." he seriously stated in front of me.
I know I am completely connected to him, which is why I am sure that the words that came from him are sincere and pure. Walang halong kasinungalingan ang mga ito.
I am now mated to him. I should trust him now. Sa bawat magkasama kami alam kong totoo siya sa akin.
Kailangan ko ba talagang muling magbigay ng tiwala sa iba? Ang tanging pinagkakatiwalaan ko lamang ay ang sarili ko.
Natatakot akong magbigay ng tiwala muli sa iba. Ayokong maulit muli ang buhay na naranasan ko noon.
Naramdaman kong napunta sa pisngi ko ang isang kamay niya.
"Ashina," marahang bigkas niya sa aking pangalan.
"I saw everything you've been through. I don't blame you for not trusting me, and I can feel your doubt about me." he gently said.
I can no longer hide my feelings or my emotions from him. Nararamdaman niya kung ano ang nararamdaman ko, at ganoon din ako sa kaniya.
Ang right now, may nararamdaman akong takot sa loob niya.
"What are you afraid of?" hindi ko mapigilang magtanong sa kaniya.
Muling bumalik ang kamay niya sa aking baywang.
"I'm afraid you might regret giving yourself to me. I'm afraid you will regret letting me complete the mating process. I'm afraid you might leave me." agad niyang tugon sa aking.
What?
"Hindi ako natatakot sa kung anong parusang ibibigay sa akin. Mas natatakot akong mawala ka sa akin." he continued.
I can't believe it!
Hindi ko akalaing ang nababasa ko lang noon ay nangyayari sa akin ngayon. Nasa tamang mate ba ako?
Humugot ako nang malalim na hininga at kinalma ko ang aking sarili. Ilang beses ko na bang ibinigay ang sarili ko sa kaniya? Ilang beses ko ng hinayaang hawakan niya ang bawat parte ng katawan ko.
I know that deep within me, I am trusting him. I just keep denying it and refusing to accept it. I think it's time for me to let go of those doubts I have about him.
Binitiwan ko ang kumot na hawak ko. Naramdaman ko ang marahang pagbagsak nito sa sahig. Inilingkis ko ang aking mga kamay sa kaniyang leeg. Tumingkayad ako saka marahang inilapat ko ang aking labi sa kaniyang labi pagkatapos ay nakangiting tumingin ako sa kaniya.
"Hindi ko pinagsisihang ibinigay at hinayaan kong makompleto ang mating process between us." I gently stated.
"Having you as my mate is the best gift for me. Forgive me if I doubted you. I am sorry if hindi kita agad pinagkakatiwalaan. I am just afraid that I might experience again what you saw in my previous life." I added.
"Now, I believe that everything you say is sincere, and I truly see that you didn't regret having me as your mate." I continued.
I should not involve him in my past. Labas siya roon at hindi ko dapat sa kaniya ilabas kung ano man ang nararamdaman ko sa mga taong babalikan ko.
"I am glad that you came to me. I am glad that you became my mate, and I am thankful that you accepted me as your mate despite knowing who I am." I sincerely stated.
I should not just let go of this kind of man. A guy like him who truly loves his mate is rarely to be found.
>>TheKnightQueen ❤️