Ashina P.O.V
Hindi nga ako nagkamali sa aking hinala. Ang event na ito ay isa lamang panakip sa tunay nilang pakay.
Umalis ako sa aking pagkakasandal sa pader. Malayo ako sa kuwarto kung saan nagpupulong ang mga Alpha ngayon. Ngunit, naririnig ko sila nang maayos at malinaw.
Lihim na napangisi ako.
Mga wolf hunter ang nais nilang ubusin?
Bakit hindi ang mga sarili nila ang siyang pagtuonan nila ng pansin?
Bumalik ako sa gitna ng event. Habang abala ang lahat at wala naman dito ang mga Alpha magagawa ko ang aking nais gawin.
Pasimpleng may inilagay ako sa mga inuming narito. Nang matapos ako ay nakangiting umalis ako.
"What did you do?" Nahinto ako sa aking pag-exit at nawala ang aking ngiti.
Mabilis na nilingon ko kung saan nanggaling ang boses na iyon.
Hinintay ko ang kaniyang paglabas sa kaniyang kinatataguan.
"Alpha Zeeb?" saad ko,
"You are poisoning them." pang-aakusa niya sa akin pero totoo naman.
Nilagyan ko ng lason ang mga inumin nila. Hindi isang simpleng lason ang nilagay ko. May halo itong silver powder para matuluyan sila at ng walang makapagpagaling sa kanila kahit pa ang isang pinakamahusay na healer.
Isang pagngisi ang aking isinagot sa kaniya.
"And then what?" I asked mischievously.
"Are you going to tell them? Tell them not to drink those wines because they are poisonous." I added.
"Go ahead! Sabihin mo sa kanila. Gusto mo bang samahan pa kita? You can also tell them that I was the one who did it." saad ko pa.
I am not scared even if ilantad niya ako.
I can kill those wolves without poisoning them.
Nakita ko ang kaniyang pagkunot ng noo at tiningnan niya ako ng may pagsusuri. Tiningnan ko lang siya naghihintay sa kaniyang gagawin.
Hindi nagtagal ay napailing siya at nakita ko ang isang ngiti na hindi ko inakalang makikita ko sa isang kinatatakutang Alpha sa buong Lycanian.
"Let's go. Let's get out of here." simpleng wika niya saka nilagpasan ako.
"Aren't you going back inside? Aren't you going to save them?" curious kong saad.
Lumingon siya sa akin.
"They are neither my people nor my pack. Why would I waste my energy trying to save them? I don't even care about them." sagot niya.
Lihim na napangisi ako.
He is indeed a cruel Alpha.
Tinalikuran niya akong muli. Napakibit-balikat na lamang ako at lumabas na rin.
"Get in," Napalingon ako sa kaniya. Kalalabas lang namin. Nasa parking lot na kami.
"I'll bring you home." he added na ikinataas ng aking kilay.
Home?
Pinatatawa niya ba ako?
"Thanks, but no need. I can go home with my OWN foot." malamig kong sambit.
Napalingon ako sa bagong dating na kotse. Lumapit ako rito saka sumakay. Agad na pinaandar ni Melania ang sasakyan. Naramdaman kong nakatingin pa rin siya sa aming papalayong sasakyan.
"It's a miracle!" Rinig kong komento ni Melania.
"You seem to have caught Alpha Zeeb's attention." she added.
"Nabihag mo rin ba ang kinatatakutang Alpha? Hindi ka niya papansinin kung wala lang." patuloy niya.
Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya or what?
"Come on, girls! Alpha Zeeb is a womanizer." singit bigla ni Vena na nasa backseat.
"Everyday ay mayr'on siyang kasamang babae. At alam ni'yo bang bawat kasama niyang babae ay rumor na magiging Luna niya." she added.
"Lahat ng she-wolf mapa-anak ng Alpha or anak ng royal pa 'yan ay nagkakandarapa na maging Luna niya." patuloy niyang saad.
Sumandal ako sa bintana at hinayaan si Vena sa kaniyang mga sinasabi. Hindi rin naman ako interesado sa Alpha Zeeb na iyon. Ipinikit ko ang aking mga mata. Naririnig ko ang mahihinang pagtawa ni Melania.
"What? Totoo naman ang sinasabi ko, ah!" depensa ni Vena.
"Hindi na talaga ako magtataka kung bakit ikaw ang inilagay ni Ashina sa ganiyang gawain." Rinig kong komento ni Melania sabay iling pa.
"Tsk! Siyempre! Ako pa!" proud namang tugon ni Vena.
Lihim na napangisi ako dahil kasalukuyan ng nagkakagulo ang lahat ng wolves sa event ng Starwood Pack.
May ginawa ako para hindi nila maalala na dumalo ako sa event nila. Hindi nila malalaman kung sino ang salarin. Kung sino ang siyang naglason sa kanila.
Alpha Caliv?
Tsk! Tsk! Tsk!
Isang pagkakamaling kaming mga wolf hunter ang kaniyang kalalabanin.
--- Three days Passed ---
Dumako ang tingin ko sa bandang unahan. Naririnig ko ang mga yabag at ang mga humahabol sa mga ari ng yabag. Mabibilis ang takbo ng bawat isa.
Napangisi ako at napailing. Umalis ako sa pagkakasandal at walang hirap na bumaba rito sa puno na aking pinagtatambayan.
Actually! Hinihintay ko talaga sila. Pagkalapag ko sa lupa ay marahan akong tumungo sa gitna.
Hindi nagtagal ay nakita ko ang kapwa ko mga wolf hunter.
"Ashina," wika ng unang nakarating sa aking kinaroroonan.
"Go ahead," saad ko,
Tinanguan ko ang ibang wolf hunter na hinahabol ng mga wolves.
Nagsimula na kasing mag-hunting ng wolf hunter ang mga wolves. Walang nakaalam kung sino ang naglason sa mga wolves doon sa party ni Alpha Caliv kaya ang kanilang pinagbintangan na lamang ay ang mga wolf hunter kaya mas lalo silang nagalit sa amin.
Kaagad na tumigil sa harapan ko ang sampung wolves na humahabol sa aking kasamahan.
Pangsampung grupo na yata silang kinaharap ko. Wala ako sa mood para hanapin sila ng paisa-isa kaya itong kasamahan ko ay nag-offer na sila ang magdadala ng wolves sa akin.
"Who are you? Are you one of them?" matapang na saad ng isa sa kanila.
Bagot na tiningnan ko lamang siya.
"What do you think?" I replied.
"So you are a wolf hunter too. Iniwan ka talaga nila? Sampu kami at isa ka lang." pagmamayabang na saad ng isa pa.
Lihim na dumako ang tingin ko sa kalangitan. Malapit ng mag-fullmoon at advantage iyon sa kanila.
"Just kill me so that you can kill the rest of us." bagot kong wika.
Wala naman silang pinaglagpas na oras. Nag-transform sila into a wolf form. Sumugod sila sa akin. Habang sumusugod sila sa akin. Ang isa ay nagtatawag ng kasamahan.
I simply tap my feet on the ground. Lahat sila ay nagsitilapon. Pinalutang ko silang lahat.
"Pain," malamig kong sambit.
Pagkatapos kong bigkasin ang katagang iyon. Lahat sila ay sabay-sabay na nagsihiyawan sa sakit. Narinig ko ang mga buto nilang nagsibalian.
"Die," malamig kong muling wika.
And with that, bumagsak sila sa lupa ng wala ng buhay.
Muling tumingin ako sa kalangitan. The moon is getting bigger, and my weakness is coming.
Napahugot ako ng malalim na hininga. Narito na ang mga tinawag nitong sampung ito.
"Burn," tipid kong saad.
Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. Habang palayo ako ay naririnig ko ang hiyawan mula sa aking likuran. Ang malalakas na alulong ang siyang namayani sa buong loob nitong kagubatan.
Marahan kong ginalaw ang aking kamay saka ikinuyom ang aking palad. Wala na akong narinig na ingay sa aking likuran.
Their wolf forms turned into pieces and were scattered wherever they were.
Lihim na napangisi ako.
That's what I like it.
Killing wolves is so damn satisfying.
TheKnightQueen ?