Ashina's P.O.V
Pagkaalis namin sa magandang lugar na iyon ay bumalik na ulit sa dati ang lahat. Naging abala muli sa isang bagay si Zeeb. Pinagkakaabalahan niya ang paghahanap sa aming mga wolf hunters. Sa kaniya ibinigay ni King Klarkes ang problema nila sa amin.
Mas pinatibay ko naman ang paglagay ng barrier sa hunter house nang hindi ito makita ni Zeeb.
Pinatago ko ang mga katulad kong wolf hunter. Iba si Zeeb kumpara kay Alpha Lupe. Zeeb is a powerful wolf, while Lupe is just an alpha. He doesn't have power like Zeeb has.
Hindi magdadalawang isip na patayin ni Zeeb ang aking kasamahan ng walang pag-alinlangan.
Kasalukuyan ko rin silang pinatungo sa bayan upang magpanggap sila roon na isang ordinaryong mga nagbebenta ng mga kung ano-ano. Hindi ko muna sila pinanatili sa hunter house dahil kung sakali mang makita ito ni Zeeb ay hindi sila roon matagpuan.
Lihim na nakabantay din ako sa mga ginagawa ni Zeeb. Nanatili akong tahimik sa tabi, nagmamasid lamang. Hindi ako nagbabawas sa mga kasamahan ni Zeeb. Wala pa naman silang nahuhuli, e.
Nakaalerto lamang ako.
Masasabi kong giving Zeeb a chance and let him be my mate has an advantage. Dahil dito ay nalalaman ko ang bawat galaw at kilos niya. Maging ang mga plano niya ay nakikita ko.
I can't just let him ruin my plans.
Hindi rin ako nakatitiyak sa kaniyang gagawin oras na malaman niyang isa rin akong wolf hunter. Isang wolf hunter na pinapatay din ang kauring werewolves.
I am always ready, even if he wants me to kill.
Ngayon ay kakapasok ko lang sa border ng kaniyang pack. Bibisitahin ko lang muli ang kaniyang lugar.
Habang naglalakad ako ay naririnig ko ang mga yabag sa aking paligid.
"Put your arrow down, Wael. She is our Luna." Rinig kong wika sa tabi.
Luna?
Sinabi ba ng lalaking iyon ang tungkol sa amin? Sabi ng panatilihing lihim muna ang aming relasyon, e.
"Hala! Sorry. Naku! Patay ako nito kapag nalaman ito ni Alpha." bulong naman ng sinaway.
Marahan na silang tumalikod at umalis. Hinayaan na nila akong makapasok hanggang sa marating ko na ang pack house.
Bumungad agad sa akin ang mga pack members ni Zeeb. Tahimik kong pinagmasdan sila. Totoo ngang lumipat ang karamihang Pack members ng Hallow Pack sa Maccon Pack. Dahil dito ay hindi kapansin-pansin na nabawasan ng omega members ang Maccon.
Hindi na katulad ng dati ang aura at ambiance na nararamdaman ko ngayon. Mukhang may pagbabagong naganap mula ng ako ay umalis dito.
Ang ilan sa mga nakakilala sa akin ay mabilis na tinitigil ang kanilang mga gawa saka sila yuyukod sa akin bilang paggalang at pagbati bagay na hindi naman dapat gawin sa akin.
Sa aking pagmamasid ay narinig ko ang boses ni Zeeb. Kaagad akong bumaling sa pack house at sa direksiyon kung nasaan siya ngayon. Ginamit ko ang aking talas na paningin upang malaman kung sino ang kausap niya.
Mula ng tanggapin ko siya as my new mate ay walang araw na hindi kami nagkikita. He can easily find me because of my scent at nakakapaggamit pa siya ng teleport kaya bigla-bigla na lang siyang sumusulpot.
Subalit sa aming dalawa, he is the only one who can smell our smell. If he can smell me, I can't do that to him. He can't go through it in my mind, but I can with him.
Marahil dahil hindi pa fully complete ang mate process between us kaya maraming wala sa way ng communication namin.
Nang makita ko ang kasalukuyang kausap ni Zeeb. Hindi ko mapigilang hindi tumaas ang dulo ng aking kilay.
What is he doing here?
"Luna," Nawala ang aking tingin sa kanilang direksiyon at dumako sa tumawag sa aking Luna.
"I am not your Luna." pagtatama ko sa kaniya.
Napakamot siya sa kaniyang ulo tila hindi niya alam ang kaniyang sasabihin.
"You are?" I asked.
"Ako po si Jalen, isang omega wolf po na galing sa Hallow Pack." nahihiya niyang pakilala.
"Pasens'ya na po kung tinawag po kitang Luna. Ang sabi po kasi rito ay ikaw daw po ang mate ni Alpha Zeeb." dagdag niya,
She is around thirteen or fourteen years old.
"Kaya akala ko po ikaw ang Luna ng Maccon Pack." dagdag niya pa.
"I am just his friends." paglilinaw ko.
Lihim na tumingin ako sa pinto ng Pack House. Naghihintay ako ng lalabas at susugod sa aking babae at magsasabing siya ang Luna ng Maccon Pack.
"Where is your Alpha?" tipid kong tanong.
"Kasalukuyan niya pong kausap ang Alpha ng Fiasco Pack, si Alpha Lupe. May kailangan po ba kayo sa kaniya?" sambit niya,
"Mayr'on lamang akong gustong sabihin sa kaniya." tipid kong tugon which is a lie.
Wala akong sasabihin talaga sa kaniya. There's something inside me na gustong pumunta rito kahit pa magkikita naman kami mamaya.
Naging tagpuan naming dalawa ang secret house niya.
"You just miss him, Ashina. Why not admit it?" biglang sabat ni Lou sa aking isipan sabay tago ulit.
That wolf!
Tsk!
"Gusto ni'yo po bang ipaabot ko kay Beta Lucas na hinahanap mo si Alpha Zeeb?" suhestiyon niya.
Umiling ako, "No need, I'll wait him until he finish to talk with Alpha Lupe." I stated.
"Lun---" Marahas na nilingon ko ang tatawag pa sa akin ng Luna. Agad ko siyang binigyan ng matalim na tingin.
"Don't disturb your Alpha." pigil ko ng subukan niyang sabihin gamit ang kaniyang mind link kay Zeeb.
Tumingin ako sa kausap ko.
"Puwede ko bang hintayin ang iyong Alpha sa loob ng inyong Pack House?" tanong ko sa kaniya.
Tila nagulat naman siya sa akin pero agad siyang tumango. Mukha naman kasi siyang mabait.
"Oo naman po." masiglang saad niya.
Nauna siyang umakyat sa hagdan. Sinundan ko siya ng tingin, doon ko nakita na hindi maayos ang kaniyang paglakad. Nakita ko rin ang ilang mga pasa at sugat niya na siyang ikinakunot ng aking noo.
"Hindi kami ang may gawa ng mga pasa at sugat niya, Luna." saad ng Beta ni Zeeb.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Don't call me Luna. I am not your, Luna." ani ko,
"Eee," tanging nasambit niya sabay himas sa batok niya.
"A-Ano,,, nang makita namin siya ay marami na siyang mga pasa at sugat. Tila pinagmalupitan sila at hindi tinatrato ng tama. N-nang makita niya kami ay agad siyang nakiusap kung puwede namin siyang isama at since ang utos sa amin ay isama ang mga nais sumama sa amin. Kaya sinama namin siya." mahabang paliwanag niya pagkatapos ay mabilis siyang yumukod sa akin.
"Patawad! Patawad kung naging katulad ng ibang pack ang tingin mo sa aming pack. Kasalanan ko, ako ang may hawak at nagbabantay sa aming mga nasasakupan. Hindi ko kaagad napansin na isang malupit ang siyang naataaan kong huwamak sa aming mga omega." hingi niya ng tawad.
"Huwag kang mag-alala. Agad ng binago ni Alpha ang patakaran pagdating sa mga omega." dagdag niya.
Hindi ko akalaing totoo lahat ang sinabi sa akin ni Zeeb tungkol sa pagbago ng kaniyang patakaran. Ngayon ay walang sinuman ang puwedeng manakit sa kapwa nila kauri lalo na kapag ito ay nasa mababang antas. Ang sinumang maglabag dito ay hahatulan kaagad ng kamatayan.
"Forget it. Huwag ni'yo na lamang uulitin pa." tanging tugon ko.
"Hindi mo rin kailangang maging formal na makipag-usap sa akin." dagdag ko pa saka tumungo sa pack house.
Pagpasok ko dumeritso kaagad ako sa living room kung saan nakita kong mayr'ong nakahandang pagkain para sa akin.
"Sabihin ni'yo lamang po kung hindi ni'yo gusto o kung mayr'on po kayong gustong kainin." salubong sa akin ng isang she-wolf.
Habang paupo ako sa sofa ay hindi ko mapigilang hindi lihim na kumunot ang aking noo. Bakit parang ang babait naman nila sa akin?
Mayr'on bang sinabi si Zeeb sa kanila?
"Sapat na ang inyong inihanda, salamat." ani ko,
Ngumiti siya saka marahang umalis at tumungo sa kusina.
Kumuha ako ng babasahin na nasa ibabaw ng mesa. Dito ko na lamang hihintayin si Zeeb.
"Jalen," tawag ko ng hindi lumilingon sa kaniya.
Nahinto siya sa kaniyang paglakad palabas. Mukhang na-assign siya rito sa loob ng pack house.
"Bakit po?" takang tanong niya.
Lumingon ako sa kaniya. Nakita kong mayr'on siyang dalang basket na naglalaman ng mga pagkain. Dumako ang tingin ko sa paa niya maging sa mga sugat niya.
"Ilapag mo na muna iyang dala mo." utos ko.
Isinara ko ang binabasa ko at muling binalik sa ibabaw ng mesa. Muli akong tumingin sa kaniya. Nagtataka man siya sa aking iniuutos pero sumunod pa rin siya sa sinabi ko.
Lumapit siya sa akin nang marahan at ginawa niya ang kaniyang makakaya para hindi mapansin ang problema niya sa kaniyang paa.
Pagkalapit niya pa lang ay agad kong tinaas ang laylayan ng suot niyang parang jogging pants. Bumungad sa akin ang malaking sugat niya na tila sinadyang sunugin. Bali rin ang buto niya sa binti buti na lang ay nagagawa niya pang makalakad.
Agad kong tiningnan ang buo niyang katawan. Napakunot ang noo ko dahil halos buong katawan niya tadtad ng mga pasa at pagaling na mga sugat.
"A-ayos lang po ako. H-huwag po kayong mag-alala." saad niya saka binigyan niya ako ng isang ngiti.
Nakatitiyak akong isa siyang masiglahin at masayahing lobo. At sa mga ngiti niya lamang tinatago ang sakit na nararamdaman niya.
Napabuntong hininga ako.
"Saan mo dadalhin iyang mga basket?" tanging tanong ko sa kaniya.
Lihim kong hinawakan ang kaniyang sugat sa paa at palihim na ginamot ito.
"Ako po ang naataasang maghatid ng mga pagkain sa mga nag-e-ensayong mga knight. Gawain ko rin po ito kahit pa po ako ay nasa Hallow Pack na." magalang niyang sagot.
Binitiwan ko ang kaniyang paa.
"Sige na, ihatid mo na ang mga iyan sa kanila." ani ko,
"Ah-eh, sige po." tugon niya.
Maayos na lumakad siya pabalik sa kinaroroonan ng kaniyang dadalhin pero bigla siyang natigilan at dumako ang tingin sa kaniyang paa.
Naramdaman ko ang paglingon niya sa akin. Tiningnan niya kaniyang paa maging ang kaniyang katawan.
"O? Magaling na ang paa ko? Nawala rin ang mga pasa at sugat ko." nagtataka niyang bulong sa sarili.
Nilingon ko siya at nakita kong maluha-luha siyang nakatingin sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Nagulat ako ng mabilis siyang lumapit muli sa akin at mas kinagulat ang pagyakap niya sa akin.
"Hindi man po ako nakasisiguro pero alam kong ikaw po ang nagpagaling sa akin." umiiyak niyang wika.
"Salamat po," dagdag niya.
Napangiti na lamang ako saka marahang hinimas ang kaniyang buhok.
"Puwede bang ilihim mo ang tungkol dito?" ani ko,
Mabilis siyang bumitiw sa akin at maayos na tumayo sa harapan ko.
"Pangako! Wala pong makakaalam po nito." saad niya,
"Ashina?" sabay kaming napalingon ni Jalen sa boses ni Zeeb.
"Maghahatid na po ako ng pagkain." magalang na paalam ni Jalen.
Nagbigay galang muna si Jalen sa kaniyang Alpha bago siya umalis.
TheKnightQueen