Pagsapit ng gabi ay nakasuot lamang ng short shorts ang dalaga at lacy bra na kulay orange. Basta niya na lang itinaas ang kaniyang buhok at sumakay sa golf cart papunta sa bar ng resort. She wanted to get wasted. Gusto niyang sumayaw at pakawalan ang sarili. Pagkarating niya ay kaagad na napapaindak siya sa music. Kaharap pa rin ang dagat at open ang bar. Maraming foreigners at mga couples sa paligid. Pumunta siya sa counter at um-order ng tequila. Kaagad na nginisihan naman siya nu’ng bartender. Sa tingin niya ay half-korean ito dahil sa beauty nitong kakiba. Ang liit ng mata pero maganda ang katawan. Kinindatan lamang ito ng dalaga at ininom ang kaniyang inumin. Nakatingin lamang siya sa mga guests na nagsasayawan sa tugtog ng erotic music. It was so sensual. She felt her body heat

