“Aalis ka na ba talaga?” umiiyak na tanong ni Tria sa kaniya. Ngumiti nang tipid ang dalaga at niyakap ang kaibigan. “Kailangan eh,” sagot niya. “Ang daya mo eh, buhay pa ko pero iiwanan mo naman agad. Alam mo namang ikaw lang ang kaibigan ko,” saad nito. Napatingin naman sa taas si Naeia. Ayaw niyang umiyak pero pinapaiyak talaga siya ng kaibigan niya. Tria was her only bestfriend. “Magkikita pa rin naman tayo ah,” ani niya. Bumusangot naman ito. “Kailan pa? Hindi ko alam kung ano ang mga plano mo sa buhay. Update mo ako lagi ha,” wika ng dalaga. Kaagad na napatango naman si Naeia nginitian ang kaibigan. “Pakatatag ka ha,” wika ni Tria sa kaniya. “T’saka mag-aral ka nang mabuti,” dagdag pa nito. Tumango naman si Naeia. “Oo nga sige na bye na. Aalis na ak

