“Are you okay?” tanong ng binata kay Karissa. Kaagad na napakamot naman ang dalaga sa ulo niya. “I’m sorry, nabuhay iyong inis at galit ko eh. Hindi ko na napigilan ang sarili ko,” sagot ng dalaga. Ngumiti lamang si Laddicus at hinaplos ang mukha niya. Kasalukuyan silang nasa kuwarto ng binata. Nakatulog na ang kambal sa kabilang kuwarto. Nakatitig lamang kay Karissa ang malamlam niyang mga mata. Inayos niya ang buhok ng dalaga at hinaplos iyon. Napapikit naman si Karissa at dinama ang mainit na palad ng binata. “It always seemed like the first time,” wika nito. Natigilan naman si Karissa at naibuka ang mga mata. “Ang ano?” tanong niya. “Whenever I look into your eyes, alam kong ikaw lang ang kaya kong mahalin nang ganito katindi. Laging bumabalik sa isip ko iyong panah

