Tinungga ni Naeia ang laman ng baso niya at kinuha ang mikropono. “Kabilin-bilinan ng Lola, huwag uminom ng serbesa,” kanta niya. “Whoo!” sigaw naman ng kaibigan niyang si Tria. “Galingan mo pa girl,” anito. Lalo lamang nag head-bang ang dalaga habang patuloy sa pagkanta. Nang matapos ay kaagad siyang napaupo sa upuan at uminom na naman ng beer. “Ano’ng oras na?” tanong niya kay Tria. “Seven pm na girl, uwi na ba tayo?” tanong nito. Tumango naman si Naeia. “Uwi na tayo, baka mapagalitan na ako ni, Lola. Pahiram ako ng make-up kit mo. Para kunwari blush on itong pula sa mukha ko. May mouthwash din ako rito,” ani Naeia. Tumango naman si Tria. Pagkatapos nila ay lumabas na ng videoke bar na tila walang nangyari. “Okay ka lang girl?” tanong ng kaibigan sa kaniya. Huminga nang mal

