Chapter 3

1218 Words
Nag-aayos ang dalaga ng gamit niya at lunch time na. Naghihintay na si Betty sa kaniya sa baba. Huli kasi siyang lumabas dahil may tinatapos siyang project para sa next subject niya mamaya. Malapit na rin ang finals nila. Malilintikan siya sa ama niya kapag bumagsak siya at hindi maka-graduate. Dumagdag pa itong propesor nilang pinaglihi yata sa demonyo. Isinukbit niya ang kaniyang bag sa balikat at naglakad na palabas. Habang naglalakad ay nakasalubong niya ang binata. She acted as if hindi niya ito nakita. "Ms. Shelbia," tawag ng binata. Subalit nagpatuloy lamang siya sa paglalakad at kunwari ay hindi narinig ang pagtawag nito. "You failed your subject," wika ng binata. Natigilan siya at hindi makapniwalng tiningnan ito. Nag-abot ang kilay niya at mabilis na nilapitan ito. Inilapit ang mukha sa mukha nito at pinanlakihan ng mata. Itinaas ng binata ang kamay niya at hinawakan ng point finger ang noo niya t'saka itinulak ang mukha. Dahilan para muntikan na siyang ma-out balance. "Taragis k---" Napakurap-kurap siya at kinagat ang labi t'saka napapikit. Letsugas na lalaki, muntikan na niyang makalimutang propesor niya ito sa Physics. "What?" tanong nito sa istriktong mukha at nakapamulsa pa. Naikuyom ng dalaga ang kamay niya at nginisihan ito nang peke. "A-ano nga po 'yong sinabi niyo?" tanong niya rito. Tiningnan siya ng binata nang seryoso at kaagad din namang inilihis ang tingin sa ibang direksiyon. "I am telling you, if you continue neglecting my subject you will fail it. Ngayon pa lang nahihirapan na akong mag-compute sa grade mo na ang daming itlog," sambit ng binata. "Mahilig kasi akong kumain ng itlog," sagot niya at nginisihan ito. Kumunot ang noo ng binata sa sagot niya. Maging siya ay natigilan. "I mean itlog na nilaga, adobo, poach egg," panganglaro niya. Tinaasan lamang siya ng kilay ng binata. "Pumasok ka sa subject ko and stop being stupid. And if you don't, you will surely fail this subject. You won't graduate either," wika ng binata at tinalikuran na siya. Naiwan naman siyang nakatingin sa likod nito. "Putragis! Ang sarap ng likod," sambit niya at napailing. Sumikdo ang dibdib niya saglit. Napaisip naman agad siya. Oo nga naman, hindi kasi siya pumapasok sa subject ng binata. Imbis na makinig sa leksiyon nito ay nandoon siya kay Gaeb. Ang boyfriend niya. Naglakad na siya at pumunta sa cafeteria. Nakita niya si Betty na nilalantakan ang kanin nito at adobo. Maging ang tiyan niya ay kumukulo na rin sa gutom. Mabilis na naglakad siya papunta sa table nito at umupo sa harap nito. "Kain friend," wika ni Betty habang ngumunguya. "Order lang ako," wika niya. Tumango naman ito. Tumayo siya at kumuha ng utility tray t'saka ibinigay sa tindera para malagyan. May glass kasi na nakaharang. "Fried chicken, spaghetti at chicken sandwich. Matcha flavored milktea with 20% sugar, thank you," ani niya. Naghintay siya ng ilang minuto at ngumiti nang makompleto iyon. Bumalik siya sa table at umupo kaharap ni Betty. Busy ito sa kinakaing pasta linguini niya. "Bakit parang wala ka sa mood?" tanong ni Betty sa kaniya. Pinapak niya ang fried chicken at nginuya. "Si maldito, nag-usap kami kanina. Sabi niya babagsak daw ako sa subject niya," ani niya. Kaagad na nanlaki ang mata ni Betty. "Naku! Diana umayos ka. Gusto mo yatang maikasal sa pangit na anak ng business partner ni, Tito ah. Kapag hindi ka ga-graduate ngayon paano na 'yan?" problemadong sambit ni Betty. "Hindi 'yan, ga-graduate ako. Hindi ako papayag na iyong malditong 'yon ang magpapabagsak sa 'kin no. T'saka hindi ako magpapakasal sa business partner ni Daddy na matanda na, hello?" sabat niya sa kaibigan. "Bakit ba kasi hindi ka pumapasok sa subject ni, Sir pogi?" inis na tanong ni Betty sa kaniya. "Iyon na nga eh. Nadi-distract nga kasi ako. Nahiya ako sa nangyari nu'ng mga nakaraang araw," yamot niyang aniya. "Hala ang gaga lang. Hindi nga nahiya iyong ibang classmates natin na bulgarang naghahayag ng damdamin para kay, Sir. Sige na, pasok tayo mamaya ha. May points ang laging present sa attendance," pangungumbinsi ni Betty. Napaisip naman siya. "Sige na nga," saad niya at nagpatuloy na sa pagkain. Nakatayo na silang dalawa sa labas ng room. Nagdadalawang-isip pa siya kung papasok ba o hindi. Five minutes na lang at talaga namang strict itong propesor nila. "Ano ka ba, Diana? Papasok ka o hindi ka ga-graduate? " inis na tanong ni Betty. Napakamot siya sa ulo niya at inayos ang sarili. "Alam mo? Sabi ni Ate sa 'kin noon kung nagdadalawang-isip ako huwag na akong tumuloy," nakangising saad niya. Napaikot naman ni Betty ang mata niya at hinila na siya papasok. Nagpupumiglas siya subalit tumigil na rin nang makitang nakatingin ang halos lahat ng estudyante sa kanila. Umayos siya ng tayo at pupunta na sana sa likod nang hawakan ni Betty ang kamay niya. Kunot ang noong tiningnan niya ito. "Bakit?" tanong niya. Umiling si Betty at tinuro ang front row. "Uh oh, there's no way na sa front row ako uupo, Betty," mahinang wika niya. Tinaasan siya ng kilay ni Betty. Alam kasi ni Betty na kapag nasa likod sila makikipag-video call lang siya sa boyfriend niya. "Dito tayo no, paano ka matututo sa likod?" inis na wika ni Betty. "Ms. Shelbia, Ms. Guevarra, are you going to talk all day?" istriktong tanong ni Paris. Nagtinginan silang dalawa at nahihiyang napangiti si Betty. "S-sorry Sir," sagot ni Betty at hinila na siya papunta sa pinakaunang row ng upuan. Nagsimula nang magturo ang binata. May 32 inches TV naman sa harap para mas may access sila at malinaw ang pagle-lecture lalo pa at medyo mahirap ang Physics. Nakatunganga lamang ang dalaga habang nakatingin sa binata. Napalunok siya at bumalik sa pagtitig dito. Ang guwapo talaga kahit maldito. "Ms. Shelbia," tawag ni Paris sa kaniya. She smiled dreamily and swallowed the lump on her throat. Hindi niya talaga mapigilan ang sariling huwag itong titigan. Mabilis na naplingon siya kay Betty nang sikuhin siya nito. Inis na inirapan niya ito. "Ano ba ang problema mo ha?" inis niyang ani rito. "Kanina ka pa tinatawag ni, Sir. Para kang baliw na nakangisi lang," mahinang sabi ni Betty. Nanlaki ang mata niya at nahihiyang napatingin sa binata. Maging ang ibang kaklase niya ay tinatawanan na siya. "S-sir," mahinang saad niya. Paris was frustrated. Hindi niya inakalang teaching Physics could be this frustrating. "Are you even listening?" inis na tanong ng binata. Nahihiyang napahawak naman nang mahigpit ang dalaga sa bag niya. "Ayaw mo bang grumadweyt? If you plan on failing this subject then don't waste my time," malamig na wika ng binata. Kaagad na nagsitahimik naman ang lahat. Napayuko ang dalaga at nakagat ang labi. "As much as I can to help students not to fail kung wala naman kayong balak na pumasa then get out of this room. Anyone who doesn't want to pass Physics--feel free to leave. And you, I am not a statue that you can stare for the rest of your life, Ms. Shelbia," saad ng binata at bumalik sa pagtuturo. Diana was embarassed. Kinuha niya ang bag niya at mabilis na tumakbo palabas. Pigil-pigil niya ang kaniyang luha. "Diana!" tawag ni Betty sa kaniya. Dumeritso siya sa paborito niyang puntahan at doon umiyak nang umiyak. "May araw ka rin sa 'king bwesit ka!" sigaw niya at nahiga sa bermuda grass. Tbc zerenette
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD