Bumangon si Diana sa kinahihigaan niya at dumeritso sa canteen. Minsan talaga mas mabuting ikain na lang ang sama ng loob kaysa mag-emote. Naiinis lang talaga siya sa lalaking iyon. Napakaarogante at maldito. Nakaupo lamang siya sa table at umiinom ng chuckie.
Napatingin siya sa cellphone niya nang mag-ring iyon.
“Hello?” sagot niya.
“Diana, kumusta ang pag-aaral mo?” ani ng babae sa kabilang linya. Nanlaki ang mata niya at napalunok. Muntikan pa siyang mabulunan.
“A-ate Candy,”
“Oh? Bakit parang kinakabahan ka riyan? Nagulat ka ba sa ‘kin? Hello girl? Ako lang ‘to,” wika ni Candy.
Napairap naman si Diana at inayos ang sarili.
“Sa susunod na araw pa ang finals namin. Ga-graduate ako promise,” saad niya na ikinatawa ni Candy sa kabila.
“Dapat lang girl, alalahanin mong diyan nakasalalay ang future mo. Dahil kung babagsak ka, babagsak ka rin sa arranged marriage na pakana ng guwapo nating, Daddy. Ayusin mo girl at kapag nagalit sa ’yo si, Daddy doon ka ipakasal sa matanda niyang kaibigan na single,” pananakot ni Candy.
Kaagad na kumunot ang noo niya at maiiyak na sa sobrang pandidiri.
“Ga-grdauate ako,” ani pa niya ulit.
“Siguradohin mo, sige na bye na,” anito at pinatay na ang tawag.
Napatingin si Diana sa cellphone niya at napakamot sa kaniyang ulo.
“Paano na ‘to?” aniya at napasandal sa upuan. Ilang saglit pa ay may na-receive siyang text mula kay Betty. Inis na binasa niya iyon.
From: Bettywap
Girl, pinapapunta ka ng kajerer mo sa opisina niya. Yiiiee, baka gusto ng round two. Puntahan mo kaagad umiigting ang panga eh, kanina pa. Go girl, itaas ng bandera ni Diana Shelbia ang Diyosa ng kagagahan.
Kaagad na napailing si Diana at napangiti sa kalokohan ng kaibigan. Kahit na dinadala siya sa kapahamakan lagi hindi naman siya pinapabayaan ng kaibigan niya lalo na kapag exams. Ginagawa nito ang lahat huwag lang siyang bumagsak.
“Asa siyang pupuntahan ko ang hinayupak na ‘yon,” ani niya at naglakad na papasok sa next subject niya.
At sa kamalas-malasan nakatagpo pa niya sa pathway ang binata. Tiningnan niya lang ito at hindi pinansin.
“Ms. Shelbia,” tawag nito sa kaniya. Hindi niya ito pinansin.
“I just want to tell you that, even if you’ll get a passing score in your exam, you still fail my subject. You won’t graduate either. I’ve already told you to enter my class but you didn’t,” wika ni Paris.
Naikuyom ng dalaga ang kamao niya at mabilis na tinalikuran ito. Nawalan na siya ng ganang pumasok sa next subject niya. Nabwesit na siya sa Professor niyang pinanganak yatang demonyo sa buhay niya. Napaupo siya sa gilid at napatingin sa itaas. Naiiyak na siya sa labis na frustrasiyon. Ano nga ba ang kailangan niyang gawin?
Napangiti siya at kinuha ang bag t’saka pumunta sa opisina ni Paris. Kailangan niya itong makausap. Kailangan niyang humingi ng sorry at magpapatulong siya paano pumasa sa subject nito. Nakatayo lamang siya sa pinto at halos hindi niya maitaas ang kamay sa lakas ng kabog ng dibdib niya.
“Lintek naman!” inis niyang saad at napairap.
“Alalahanin mong ipapakasal ka sa matanda Diana kapag hindi ka nakapasa,” kausap niya sa kaniyang sarili. Napalunok siya at kinatok na iyon.
Napatingin si Paris sa pinto niya dahil sa sobrang lakas nang pagkatok . Kumunot ang noo niya at binuksan iyon.
“What are you doing here?” tanong niya sa dalaga na nakayuko. Tiningnan siya nito at nginisihan. Kaagad na nag-abot ang kilay ng binata.
“G-gusto ko pong pumasa,” mahinang wika nito.
“I mean Sir, nakakahiya naman siguro na sa ‘yo lang ako bagsak. Tulungan mo akong pumasa oh. Kahit ano gagawin ko,” ani nito at tila ba desperada na. Nakapamulsang tiningnan lamang siya ni Paris at bumalik sa pagkakaupo sa upuan niya. Sumunod naman kaagad ang dalaga.
“Pero Sir, iyong sinabi kong gagawin ko ang lahat may limitation ha. Hindi naman puwedeng against my will na,” panganglaro niya.
Natigilan si Paris at kinunutan siya ng noo. Tingin ni Diana ay nagalit na ito. Binuksan nito ang laptop niya at ipinakita kay Diana ang records nito sa subject niya.
“Tingnan mo ang records mong puro zero. Kahit yata inatin ko pa ‘yan nang todo hindi kakayanin. Palagi kong sinasabi na pumasok ka sa class ko. But what did you do? Simula nu’ng magturo ako rito, tatlong beses ka lang pumasok. I’m not sorry, Ms. Shelbia dahil kagagawan mo ‘yan,” malditong wika ni Paris.
Laglag ang balikat na napatingin siya sa grades niya. Tama nga naman itong Professor nila.
“But if you can get at least 95 perccent of the score baka magawan pa ng paraan. If not, hindi ka ga-graduate. Kailangan mong mag-summer sa subject ko,” seryosong wika nito.
Napabuga ng hangin si Diana at napakamot sa ulo niya.
“Wala na bang ibang paraan, Sir?” tanong niya pa. Kinunotan siya ng noo ni Paris at napailing.
“95, or no grades?” sagot ng binata. Natigilan naman si Diana at napangisi.
“Baka puwede pang hilahin pataas, Sir. Tumatanggap ka ba ng floor wax?” nakangising tanong niya.
Paris looked at her unbelievably.
“You know what? Tanggapin mo na lang na hindi ka ga-graduate ng college, okay? Hindi mo ako masusuhulan ng floorwax mo. I need your grade, sa dami ng zero mo rito sumasakit ang ulo ko kung paano i-compute,” iritadong wika ni Paris.
“Kiss na lang kaya kita,” wika ni Diana. Napakurap si Paris at nawawalan ng pasensiyang napahawak sa ulo niya.
“Ano, Sir? Ayaw mo?” nakangiting saad ni Diana. Kaagad na natahimik si Diana sa pang-aasar niya sa guro niya nang makitang nanlisik ang mga mata nito at umiigting ang panga. Sa tingin niya’y isang pagkakamali pa at tigok na siya.
Umayos siya sa pagkakatayo niya at napangisi.
“Joke lang, Sir. Ito naman masiyadong serious. Inaano ka lang, huwag masiyadong hot napaghahalataan ka tuloy,” pasaring pa niya. Kaagad na napatayo ang binata.
“Charot lang! Sige, mag-aaral ako. Ipapakita ko sa ’yong kaya kong ipasa ang subject mo. Akala mo naman, humanda ka Sir, at ipamumukha ko sa ‘yong nagkamali ka nang binangga,” seryosong wika niya.
Tinitigan lamang siya ni Paris at halata ang pagka-bored sa mukha.
“Bakit?” tanong ni Diana.
Itinuro naman kaagad ni Paris ang pinto indikasiyon na pinapalabas na siya nito. Napairap naman si Diana.
“Oo na, wala kang puso, atay, bituka, matris,” yamot niyang saad at tumalikod na. Nasa pinto na siya nang nakangising hinarap niya ang binata. Inis na tinaasan ulit siya ng kilay ni Paris. Halatang napuno na ito dahil ang sama na ng tingin nito sa kaniya.
“Huling tawad, ayaw mo ba talaga ng kiss ko?” tanong niya at ngumisi.
“Failed,” matigas na wika ni Paris. Mabilis pa sa alas-kuwatrong lumabas ang dalaga at lumayo sa faculty nito. Nang makalayo ay kinuha niya ang lollipop sa bulsa ng uniform nila at umupo sa bench.
“Ano ba namang buhay ‘to? Kung paramihan lang ng inom ng tanduay siguradong mataas ang grades ko. Eh ‘tong subject ng ulopong na ‘yon?” mahinang saad niya at napasandal sa bench at napatingin sa taas.
“Hi girl,” bati ni Betty sa mukha niya. Nanlaki ang mata niya sa gulat at mabilis na napaupo. Tumabi naman ang kaibigan niya sa kaniya.
“Grabe, para ka namang nakakita ng multo. Nakakainsulto na ha,” reklamo ni Betty. Napakamot naman sa ulo niya si Diana.
“Huwag ka kasing basta-basta na lang nambubulaga,” sagot niya at napahinga nang malalim.
“So, nagkausap na kayo ni, Sir ONS?” tanong ni Betty. Napakunot noo naman si Diana.
“Ano ’ng, Sir ONS?”
“Sir one night stand mo, amnesia girl? Gusto mo round two no, beke nemen maalala?” ani Betty at nginisihan siya.
“Sira ka, na-depress ako sa grades ko. Mantakin ba namang 25 lang ang nakita kong number. Lahat zero na, sabi niya kung hindi ako makakuha ng 95 percent sa finals siguradong hindi ako makaka-graduate. Ibig sa bihin nu’n matutuloy ang arrange marriage na panakot sa ‘kin ni, Daddy. Mas worst, baka doon pa sa kaibigan niyang matanda. Lagi niya iyong nirereto sa ’kin,” naiiyak na wika ni Diana.
“Naku! May better idea ako girl,” ani Betty.
“Ano ‘yon?”
“Give up na lang, okay na rin ‘yon kahit matanda at least aalagaan ka,” ani Betty.
“Bwesit ka! Ikaw na lang,” reklamo niya at napabuga ng hangin.
“Charot lang, sabihin mo sa, Daddy mo na ayaw mo. Ganoon lang kasimple, t’saka magulang mo naman siya. Ayaw naman niya sigurong maging miserable ang buhay ng anak niya no,” saad ni Betty.
Pagod na hinarap siya ni Diana at tinampal nang mahina ang mukha niya.
“Akala mo kasi ganiyan lang kadali. Sige nga, subukan mong kausapin ang Daddy ko kung kaya mo. Wala akong say roon. Alam mo naman kung gaano siya kaistrikto,” sabta ni Diana.
Napailing naman si Betty.
“Kaya mo na ‘yan girl. Family matter na ‘yan, t’saka father knows best kaya okay na ‘yan,” bawi ni Betty. Napairap na lamang si Diana.
Bandang hapon ay palabas na si Diana ng university. Kailangan niyang mag-aral. Pumunta siya kanina sa library para manghiram ng libro. Bitbit ang dalaawang makapal na libro ay naglakad na siya palabas. Umupo siya sa waiting shed para maghintay ng traysikel papunta sa boarding house niya nang may humintong kotse sa harap niya. Napakunot noo naman siya. Ibinaba nito ang windshield at napataas ang kilay ni Diana nang makita si Paris.
“Let’s have a make up class tomorrow. Pagkatapos ng klase mo, pumunta ka sa faculty ko,” wika ni Paris. Kaagad na napangiti si Diana.
“T-talaga?” nakangiting tanong niya.
“I hate repeating myself,” malditong saad nito. Tumayo naman si Diana at nilapitan ito.
“Thank you po, Sir,” masayang wika niya.
“Pasakay naman, Sir oh,” aniya at ngumiti nang malapad. Tinaasan lamang siya ng kilay ni Paris.
“I’m offering make up class dahil nakikita kong gusto mong maka-graduate, hindi dahil sa mabait ako. I am not kind, Miss Shelbia. If you’ll excuse me,” wika nito at pinatakbo na ang kotse niya.
Kamuntik pang matumba si Diana.
“Tang-ina mo talaga, Paris!”
TBC
zerenette