Pagpasok ni Diana sa boarding house niya ay kaagad na napahiga siya sa kaniyang maliit na kuwarto. Nagpalipas muna siya sandali bago nagbihis. Nang sa tingin niya ay nawala na ang pagod niya ay bumangon na siya at nagsimulang mag-prepare ng dinner niya. Tumayo siya at pumunta sa maliit niyang kitchen. Sakto lang talaga ang lugar sa isang tao. Mayaman sila pero hindi sila binilhan ng condo unit ng ama niya o kaya apartment. Sakto lang talaga itong boarding house na two-five monthly. Hindi na rin siya nagreklamo, ano pa nga ba ang aasahan niya sa Daddy niyang simula pagkabata ay tinrain na silang mamuhay nang ganito ka-simple. Napatingin siya sa itaas ng maliit niyang lamesa nang makita ang mga groceries doon. Paniguradong pumunta na naman ang Ate Candy niya para magbigay ng groceries. Binuksan niya iyon at tiningnan. Kaagad na bumusangot siya at inis na tinawagan ang kapatid. Hindi pa nga siya nakaka-hello ang taas na ng litanya nito.
“Hi Dian, kumusta? Nakita mo na ba ang groceries mo? Wishing you a healthy body. Malaki na ang utang mo sa ’kin. Bawat sentimo na inilaan ko riyan ay katumbas ng dugo’t pawis na inalay ko sa trabaho ko kaya huwag mong sasayangin,” masayang wika nito.
Inis na napairap naman siya.
“Ano’ng healthy sa pancit canton, sardinas, beef loaf at corned beef? Naman Ate eh, wala na ba talagang ibang mabili? Purgang-purga na ako,” reklamo niya.
“Uy, goodnews may isang tray ng itlog diyan, t’saka ibang brand ‘yan kita mo?” sagot ng Ate niya. Inis na umupo siya sa upuan niya at napabusangot.
“Ayaw ko na, bahala ka na nga. Kapag ako nagka-UTI or worst magka-kidney failure kasalanan mo,” sumbat niya sa kapatid.
“No choice ka, Dian. Sabihan mo na lang si, Daddy ibili ka niya ng refrigerator na maliit,” nakangiting ani Candy.
“Ewan ko sa inyo, sana pala naglayas na lang ako. Makabibili pa ako ng matinong pagkain. Isipin niyo naman na kailangan ko ring kumain ng totoong pagkain. Akala niyo kasi dahil nag-iisa ako okay na. Kung buhay pa sana si, Mommy hindi magiging ganito ang buhay ko,” naiiyak niyang saad.
Narinig naman niya ang pagbuntong hininga ng kapatid niya.
“Oh, sige na, puntahan mo ko rito sa condo, ipagluluto kita,” wika ng Ate niya.
Kaagad na lumiwanag ang mukha niya at ngumiti.
“On my way,” excited niyang saad at ibinaba na ang cellphone.
Pinagdaanan din naman ito ng Ate niya noong nag-aaral pa. May budget sila buwan-buwan. Kailangan nilang ipagkasiya kung magkano lang ang trip ng Ama nilang ibigay. Challenge ‘yon sa kanila lalo pa kapag naka-graduate. Katulad ng Ate niya na naka-graduate ng BSBA. Niregalohan ng Ama nila ng mamahaling sasakyan, high class condo unit, at business na gusto nito. Isa na rin itong director sa company nila. Siya naman sa pagkakataong ito ay nasa floor mnager pa. Kailangan niyang magtiis. Sinadya ito ng Ama nila para madisiplina sila sa pera. Naiintindihan naman niya iyon. Minsan naman kapag tinotopak ang Ama niya binibigyan siya ng pang-shopping. Kapg minsan ay talagang minsan lang. Kapag birthday niya o Christmas. Gaano kadalas ang minsan para kay Diana?
Lumabas na siya ng boarding house at nagpaalam sa landlady. Pumara na siya ng traysikel at nagpahatid sa flower peak condominiums. Matapos makapagbayad ay pumunta na siya sa front desk at binati ang mga employees. Nag-log book muna siya at sumakay na sa lift. Pagkaabot ng tenth floor ay nakangiting lumabas siya nang hindi sinasadyang makita ang Professor niyang may dalang grocery items.
“Hi Sir!” nakangiting bati niya at nilapitan ito. Kaagad na kumunot ang noo ni Paris nang makita ang dalaga.
“What the hell are you doing here?” tanong ng binata.
Kaagad na napabusangot si Diana at napatingin sa hawak nitong plastic bag.
“Makikikain sana kung pakakain ka,” nakangiting saad niya.
Kaagad na nag-abot ang kilay ni Paris at namumula ang taenga niya. T’saka lang na-realize ni Diana ang sinabi niya.
“Charot Sir, kung ipagluluto mo ako I mean,” bawi niya at ngumisi nang malapad. Umiling lamang ito at tinalikuran siya. Sinundan niya ito at saktong three doors apart lang sa unit ng Ate niya.
Pumasok si Paris sa loob at sumunod naman siya. Himala naman at hindi ito nagreklamo.
“Dito ka pala nakatira,” ani Diana.
“Obvious naman ‘di ba?” sagot ni Paris at tinaasan siya ng kilay. Ngumii naman si Diana.
“Sarry, iyong Ate ko iisang floor unit lang kayo. Puntahan ko sana siya makikiakain ako. Hindi na ako nakakain nang maayos eh, beke nemen Sir,” nakangiting saad niya.
“Baka magtaka anag Ate mo kung bakit ka nandito?” seryosong wika ni Paris.
“Sus! Hindi ‘yon, pagkatapos dito makikikain pa rin naman ako sa kaniya no,” aniya. Ngakibit balikat lamang si Paris at nagsimula nang maghanda ng lulutuin. He didn’t bother arguing with her lalo pa at alam niyang hindi siya mananalo sa mga taklesang kagaya ni Diana. Nakatitig lamang si Diana sa kaniya na nagluluto.
“Sir,” tawag pansin niya rito. Naggigisa kasi si Paris. Tumigil lang ito at hindi siya sumagot.
“Ang ganda ng puwet niyo, Sir ah. Maumbok, ano kaya kinain mo no at ganiyang kalaki? Sana all Sir,” aniya na ikinanuot ng noo ni Paris.
Nilingon siya nito at sinamaan ng tingin.
“I will be very pleased kung lalabas ka ngayon din,” inis na saaad ng binata.
Kaagad na tinakpan ni Diana ang bibig niya at hindi na nagsalita pa. Nakatingin lamang siya sa ginagawa ni Paris. Napailing na lamang ang binata. Diana was another level. Prangkang magsalita wala pang filter.
“Sir, may girlfriend ka?” tanong niya rito. Nilagyan muna ng sabaw ni Paris ang pot. Nang matapos ay umupo ito sa harap niya.
“Wala,” tipid niyang sagot.
“Hindi na rin ako magtataka, Sir. Sino ba naman ang magkakagusto sa ‘yo ‘di ba? Gwapo ka at matalino, matangkad pa. Pero ang sama ng ugali, istrikto at..” Natigil sa pagsasalita si Diana nang makita ang seryosong mukha ni Paris na nakatingin lang sa kaniya.
“Charot-charot ka rin, Sir eh. Huwag mo nga akong titigan nang ganiyan. Baka namalayan mo na lang umiibig ka na sa ’kin. Taken na po ako, Sir,’ nakangiting saad niya.
Inirapan lamang siya ng binata.
“Asa,” sagot nito at binalikan ang nilulutong kumukulo na.
“Ay iba! Grabe ang bango naman niyan, Sir,” nkangiting puri niya. Tahimik lamang ito at nagsalin ng kanin para sa kaniya.
“Mas masarap kumain nang hindi na masiyadong mainit na kanin at mainit na sabaw,” wika ni Paris. Tumango naman si Diana at gutom na rin siya.
Ilang sandali pa ay pinaghain na siya ng binata. Kaagad na humigop siya at napaiyak sa sarap.
“H-hey, napaso ka ba?” tarantang tanong ni Paris.
Npailing naman si Diana at napatingin sa tinolang manok nito.
“Hindi, okay lang ako, Sir. Na-overwhelmed lang ako sa sabaw. Nasa kamay mo ang tunay na magic. Ang sarap eh, lasang-lasa ko ang knorr at magic sarap,” aniya na ikinapula na naman ulit ng taenga ni Paris. Tinikman nito ang sabaw at tiningnan si Diana.
“Hindi ba? Siyempre charot lang. Kain na ako, Sir ha,” ani Diana at nilantakan na iyon. Napailing na lamang si Paris. Halos magkandaubo pa ito. Tahimik na kumakian naman siya sa harap nito.
“Sir, pakiabot naman ng tubig oh,” ani nito. Tiningann niya lamang ito.
“You have hands,” sagot niya na ikinanlaki ng mga mata ni Diana. Bumalik naman sa kinakain niya ang binata. Padabog na tumayo si Diana at nagsalin ng tubig. Bumalik siya sa pagkaian at nang matapos ay napangiti siya.
“Ang sarap grabe, Sir. Hindi ako nabusog in fairness. Huwag kang mag-aalala kakain pa naman ako sa place ng Ate ko,” aniya na ikinasamid ni Paris. Halos inubos nito ang pagkain sa rice cooker ni Paris tapos sasabihing hindi siya nabusog. Napapailing na lamang ang binata.
“Sir, sa uulitin ha. Alis na ako, babush. Baka ma-miss mo agad ako, nasa Kabilang pinto lang ako,” nakangiting saad niya at lumabas na.
Kaagad na napahinga nang malalim si Paris. Sa wakas ay maluwag na ang pakiramdam niya. Ngayon lang siya nakakilala ng ganoong klase ng babae. Basta-basta na lang pumapasok kahit hindi mo naman pinayagan. Nakikain pa.
“Ibang klase,” aniya at nagpatuloy na sa pagkain niya.
Nakangiting lumbas is Diana sa unit ni Paris at pumunta sa unit ng Ate niya. Binuksan niya iyon at nakita ang Ate niya na nakaupo sa upuan at halatang hinihintay siya.
“Ang tagal Diana, kasing lamig na ng nguso ng pusa ang sabaw na niluto ko,” reklamo nito sa kaniya. Ngumisi lamang siya at umupo sa harap nito.
“Thank you, Ate,” aniya at nagsimula na naman ulit kumain. Nakatingin lamang ang Ate niya sa kaniya.
“May problema ba?” tanong ni Candy. Natigil naman si Diana at kinunutan ng noo ang kapatid.
“Bakit? Wala naman,” sagot niya.
“Hindi kasi ako sanay na ganiyan ka kahinhin kumain. Patay- gutom ka kasing kumain eh kaya nakapagtataka kung bakit ngayon ang hinhin mo?” ani Candy.
“Ah, grabe makapatay-gutom ‘to nakikain ako kay, Sir Paris. Nakita ko kasing same floor lang kayo,” sagot ni Diana.
Kaagad na napahawak sa noo niya ang Ate niya.
“Diyos ko naman, Diana. Hindi ka na nahiya, may pagkain dito at talagang nakikain ka sa iba?” nahihiyang wika ng Ate niya.
“Lasang vi-tsin kasi itong luto mo,” reklamo niya. Kaagad na nanlaki ang mata ng Ate niya.
“Ano’ng lasang vi-tsin?” inis na anito. Ngumisi si Diana at nag-peace sign.
“Totoo naman ‘te, huwag kang magalit kung totoo. Ayan tuloy lalo kang gumanda,” bawi niya. Kaagad na napangiti ang Ate niya.
“Pahingi one hundred ‘te, pang-load lang,” dagdag niya. Kaagad na napabusangot ang Ate niya.
“Kahit kailan ka talaga, Diana wala kang hiya,” reklamo nito.
“Sige na, bigyan mo na ako. Sige ka, maghihiwalay kayo ng jowa mong porenjer kung hindi mo k—”
“Oo na, letse kang babe ka. Bibigyan kita mamaya, kain ka muna. Mamumulubi ako sa ’yo,” reklamo ng Ate niya. Maliban kasi sa ito ang nago-grocery sa kaniya. Ito pa ang nagpapa-laundry ng damit niya at nagbabayad ng monthly niya sa boarding house. Kaya ang ibinigay ng daddy niya ay allowance niya na lang.
“Balita ko 10k ang ibinigay ni, Daddy sa ’yo. Saan na? Ako nga noon pinakamalaki na ang 5K eh,” ani Candy.
“Wala na, ubos sa project,” aniya at humigop ng sabaw. Natigil naman siya nang kinaltok ng Ate niya ang kaniyang ulo.
TBC
zerenette