Naglalakad si Diana papunta sa loob ng eskwelahan nang harangan na naman siya ng guard.
“ID,” anito. Inis na tiningnan niya ito at tinuro ang ID na nakasabit sa harap niya.
“Alam mo? Sa susunod, Guard pagawa ako ID pasasabit ko sa billboard para makita mo agad. Akala mo siguro hindi ko napapansin na palagi mo akong hinahanapan ng ID? Ano’ng akala mo sa akin? Elementary? High School?” asik ni Diana at inirapan ito bago pumasok sa loob. Hindi na rin nakapagsalita pa ang guard dahil tinalikuran niya ito. Akala siguro hindi niya napapansin na crush siya kaya sinasadya iyon.
Habang naglalakad ay nakita niya si Gaeb ang kaniyang boyfriend na hindi niya alam kung sila pa ba o hindi na. Malaki ang ngisi nito na para bang masayang-masaya na nakita siya.
“Ano na naman kaya ang kailangan ng olopong na ‘to?” kunot ang noong aniya sa kaniyang sarili.
“Love,” bati nito sa kaniya at hinalikan ang pisngi niya.
“Bakit?” tanong niya. Pinagtitinginan na rin sila ng ibang estudyante. Kilala kasi itong boyfriend niya na guwapo na sporty pa. Hindi nga niya alam kung bakit sila nagtagal? Pero mahal naman niya ito.
“Sama ka sa amin mamaya, pupunta kami sa isang club ng mga kaibigan ko,” wika nito.
Kaagad na tumikwas ang kilay ng dalaga at napailing.
“Gaeb, marami pa akong problema ngayon. Nagme-make-up class ako para maka-graduate. Alam mo naman ang sitwasiyon ko kapag bumagsak ako. Isa pa makahihintya naman ‘yan ‘di ba?” sagot niya.
Nawala ang ngiti sa labi ng boyfriend niya at huminga nang malalim.
“Kinalimutan mo na ako, Diana. Hindi ka na katulad noon. You always give me time to be with you. Ngayon ay parang kinalimutan mo na ako na boyfriend mo,” pangongonsensiya nito.
“Kung hindi kita iniisip nunkang mag-aaral ako. Nag-aaral ako para huwag bumagsak nang sa ganoon ay hindi ako maipakasal ni, Daddy sa iba. Bakit ba hindi mo maintindihan ‘yon?” giit pa ni Diana.
“Fine,” inis na wika ni Gaeb at umalis na. Naiwan naman si Diana na magkadikit ang kilay. Napairap na lamang siya at nagmamadaling pymasok sa first period niya ngayon. Kahit inaantok siya ay tiniis niya dahil malapit na ang finals nila. Kailangan niyang pumasa. Gusto niya ring ipakita sa ama niya na kaya na niya ang sarili niya. Kaya niyang magtagumpay na siya lang.
“Hi friend,” bati ni Betty sa kaniya. Kumakain ito ng chocolate. Kasalukuyan silang kumakain na sa cafeteria. Nauna lang siya saglit. Classmate na sila ni Betty sa subject ni Paris. Tiningnan niya lamang ito.
“Siguro naman papasok ka na sa subject ni, Mr. ONS,” ani Betty.
Mahinang tumango siya at kumagat sa burger niya.
“Weh? Hindi nga,” saad ni Betty. Sinamaan niya ito ng tingin at pinukpok ang balikat.
“Girl, hindi kakayanin ng ganiyan kaliit na C2 ang fats ko. Better luck next time,” nakataas kilay na saad ni Betty. Napaismid lamang si Diana.
“Alam mo.Betty? Medyo mabait naman pala si Sir, no? In-offer-an niya ako ng make-up-class,” nakangiting wika niya.
Kaagad na natawa naman si Betty.
“Huwag kang feeling dahil dalawa kayo,” ani Bettty. Kaagad na nangunot ang noo ng dalaga.
“Sino ang isa? Kagaya ko rin ba?“ tanong niya sa kaibigan.
“Oo girl, kagaya mo na tamad at hindi pumapasok sa subject niya. Kilala mo si, Edilberto Mapalad? Iyong klasmeyt nating sakitin? Siya ang kasama mo,” sagot ni Betty.
Kaagad na nanlupaypay ang balikat niya.
“Bakit girl?’ tanong ni Bettty.
“Ayaw mong may kasama kayong iba no? Kasi hindi kayo magkaka-round two ni, Sir?” tukso ni Betty sa kaniya.
“Isa pang panunukso Betty at tatamaan ka na sa akin,” seryosong saad niya. Kaagad na tumahimik naman ang kaniyang kaibigan.
“Hindi ko talaga alam kung bakit naging kaibigan kita. Ang maldita mo rin eh,” ani Betty.
“Iyon at dahil sa karism at appeal ko,” sagot ni Diana. Kaagad na napahalakhak si Betty at tinapik ang balikat niya.
“Epekto siguro ‘yan ng yugyog ni, Sir ONS sa ‘yo. Ang bilis siguro no kung pumasok at lumabas? Ayun pati utak naalog,” kinikilig na ani Betty. Namula naman kaagad ang taenga ni Dian.
“Uyy, kinikilig ka o nahihiya?” natatawang tanong ni Betty. Mahinang tinampal naman ni Diana ang kaibigan.
“Tumahimik ka nga, saktong yugyog lang naman. Sakto lang na nasira ang isang paa ng kama,” sagot niya at napakagat labi.
Nanlaki naman ang mata ni Bettty sa narinig.
“T-talaga? So sinasabi mo na magaling gumiling si, Sir ONS?” tanong ni Betty. Napainom ng C2 si Diana at mahinang napatango-tango.
“Sino ang magaling gumiling?” ani ng baritnong boses sa likod nila.
Kaagad na naibuga ni Diana ang C2 niya at tarantang napatingin kay Paris na nakatayo sa likod nila. Nayelo naman si Betty sa kinaupuan niya at pasimpleng napapatingin sa gitna ni Paris.
“Why do you look so surprised?’ tanong ulit nito. Ngumisi nang peke si Diana at umiling.
“W-wala po, S-sir,” sagot niya,
“And now you’re stuttering,” saad pa ng binata.
“Sir, ang galing yumugyog,” wika ni Betty. Kaagad na nanlaki ang mata ni Diana sa sinabi ng kaibigan niya. Kumunot naman ang noo ni Paris.
“What?”
Malakas na sinipa naman ni Diana sa paa si Betty bago matauhan.
“I-I mean, iyong dancer ni Wille Revillame noon. Si, Luningning? Kilala niyo ‘yon, Sir? Iyugyog mo, iyugyog mo, iyug yug yug yug yug yugyog mo,” kanta ni Betty.
Kaagad na nag-abot ang kilay ni Paris at huminga nang malalim.
“Be present on my subject, lalo ka na, Ms. Shelbia,” wika ni Paris at tinalikuran na sila. Galit na tiningnan naman ni Diana ang kaibigan.
“Pahamak ka talaga, Betty,” inis niyang wika.
“Nakakatuliro ang mga titig ni, Sir eh. Ano’ng magagawa ko?” aniya. Napakamot na lamang si Diana sa ulo niya.
“May kuto girl?” tanong pa nito.
“Oo at kapag may nakuha ako rito ipapakain ko sa ‘yo nakakainis ka,” reklamo niya. Natawa lamang si Betty sa turan ng kaibigan.
“Kumusta na pala kayo ng jowa mo?” tanong ni Betty. Busangot na sumagot si Diana.
“Okay lang, jowa pa rin,” sagot niya.
Bandang alas singko ng hapon ay naglalakad na si Diana papunta sa faculty ni Paris. Hindi na siya kumatok dumeritso na siya. Gulat na napatingin naman ang binata sa kaniya.
“Good afternoon, Sir Paris,” bati niya. Tiningnan lamang siya nito at hindi na pinansin. Prenteng umupo naman si Diana sa bakanteng upuan at mesa. Sa tingin niya’y hinanda iyon ng binata para sa kanila. Nakapangalumbaba na nakatingin lamang siya kay Paris na may ginagawa.
“Sir,” tawag niya rito. Natigil naman ito saglit pero hindi siya pinansin.
“Ang sarap siguro sa pakiramdam na magturo no? Alam mo? Gusto ko ring maging teacher sa kahit ano’ng level. Ang kaso ayaw ng Daddy ko kaya ito ang pinakuha sa akin, business administration. Sa totoo lang hirap na hirap ako. Kinakaya ko lang dahil kapag hindi ako maka-graduate this year, ipapakasal niya ako sa kaibigan niyang matanda,” kuwento niya. Bigla na lang lumabas iyon sa bibig niya.
Sinipat lamang siya ng tingin ng binata.
“You have a choice,” matigas na wika nito.
“Akala mo lang meron, pero nakaplano na ang future namin ng Ate ko. Makakawala lang kami kapag naka-graduate ng college. Pero heto ako at mukhang hindi pa yata ga-graduate,” malungkot na sagot niya.
“You’re not making a story, right?” tanong ni Paris. Kaagad na nag-abot ang kilay ni Diana at umiling.
“Ano’ng akala mo sa ‘kin? Scriptwriter?” anas ni Diana. Umiling naman si Paris.
“Hindi, hirap ka nga sa subject ko sa scriptwriting pa kaya? Alam ko namang walang laman ang utak mo kaya heto,” ani Paris at kinuha ang medyo may kakapalan na long bond paper na naka-staple na.
“Kunin mo ‘to at pag-aralan. Sagutan mo lahat, nang makita ko kung saan ka nahihirapan,” wika nito. Nakangiting tumayo naman si Diana at kinuha iyon. Pagbukas niya ay kaagad na napahawak siya sa kaniyang ulo. Pakiramdam niya ay mahihilo na siya.
“What?” tanong ni Paris sa kaniya.
“Nahiya ka pa Sir, no? Sana ginawa mo na lang libro,” pabiro niyang sabi.
Tiningnan lamang siya ni Paris at may kinuha sa drawer nito. Nanlaki ang mata ni Diana nang makitang tatlong bundle pa iyon.
“You cannot even understand my lessons in just an hour ano pa kaya kung ibigay ko ‘to sa ‘yo lahat?” wika ni Paris.
Napahawak naman si Diana sa ulo niya at napangisi.
“Sabi ng utak ko Sir, yugyog,” aniya.
“What?”
“Charot, sabi ng utak ko simulan na baka mawala pa ang stock knowledge ko katititig sa ‘yo,” sagot niya at ngumisi nang malapad. Kumunot naman ang noo ni Paris sa pinagsasabi niya.
“Ang guwapo mo kasi, Sir. Kapag hindi pa nawala iyang kunot sa noo niyo ki-kiss kita,” tukso niya rito. Natigil si Paris sa ginagawa niya at tinaasan siya ng kilay.
“Alalahanin mong ako ang may hawak ng alas kung makaka-graduate ka. Hindi ako gumagawa ng magic sa grades mo, Ms. Shelbia. Kung ano ang ibinibigay niyo sa akin iyon lang ang ko-compute-in ko. I don’t accept biddings or what. Study and pass my exam and you will graduate,” seryosong wika ni Paris.
Natahimik naman si Diana at itinaas ang kamay at ngumiti.
“Yes master, ikaw lang ang susundin ko. Lalaban ako at ipagtatanggol ang mga naaapi, Diana!“ sigaw ng dalaga at tumalikod na t’saka umupo sa table at upuan.
Napapikit naman si Paris sa inis at napakamot sa batok niya. Gusto niyang magwala at itapon ang dalaga sa labas. Nararamdaman niyang malapit nang maabot ng dalaga ang level of patience niya.
“Yiiee, sana all master. Kilig ka Sir, no? Pa-kiss master,” tukso niya pa ulit. Mabilis na tumayo si Paris at hinawakan ang kamay niya.
“A-ano’ng ginagawa mo?” kinakabahang wika ni Diana. Nanatiling nakatitig lamang si Paris sa kaniya at matamis na nginitian siya. Napakurap-kurap naman si Diana nang mapasadahan ang napaka-guwapong mukha nito.
“Tease me again and you’ll—”
Nanlaki ang mata ng binata nang halikan siya ni Diana. Ngumiti naman si Diana.
“Tease me more and I’ll shut you up, ano?” aniya. Umigting ang panga ni Paris at hinila siya palabas ng faculty.
“Isipin mo ang ginawa mo ngayon lang, Ms. Shelbia. I am not playing games with you. Mas Mabuti pang itigil na natin ‘to. Wala ka nang respito sa akin bilang propesor mo. I don’t tolerate such ignorance, huwag kang sumobra. Ang maybe you deserve not to graduate,” malditong wika ni Paris at malakas na isinara ang pinto.
Naiwan naman si Diana na nakangiti nang mapait.
TBC
zerenette