Napaupo si Paris sa upuan niya at napahinga nang maluwag. Now, kailangan na niyang tapusin ang ginagawa niya. Habang nagpatuloy sa pagtipa sa laptop niya ay napapikit siya nang makarinig ng katok.
“The hell!” inis na aniya at tumayo na naman. Binuksan niya iyon at nagsalita.
“Ano ba sa umalis ka ang hindi mo maintindihan ha?” galit na singhal niya. Kaagad na napayuko si Edilberto at humingi ng paumanhin.
“Sorry, sorry po, Prof. Promise po gagawin ko po ang lahat para maka-graduate,” tarantang wika nito. Natigilan si Paris at napapatingin sa binata.
“I-it’s fine, come in,” wika niya sa mahinang boses. Ang akala niya kasi ay si Diana na naman. Napahilot na lamang siya sa sentido niya at bumalik sa pagkakaupo sa kaniyang table.
Nakangiting naglalakad si Diana palabas ng university habang hawak-hawak ang ibinigay ni Paris. Sinadya niya talagang asarin ang binata para mawala sa mood. Hindi rin naman siya magsasagot doon lalo lang siyang hindi makakapag-focus. Ibibigay na lang niya bukas ang answer niya.
“Hi Diana,” ani nu’ng guard sa kaniya. Tiningnan niya ito at tinaasan ng kilay.
“I’m taken,” sagot niya at lumabas na.
“Akala siguro ng kolokoy maiisahan niya ako,” ani niya at naglakad na papunta sa waiting shed. Maghihintay na naman siya ng traysikel. Habang naglalakad ay napatingin siya sa hindi kalayuan. Nakita niya si Gaeb kasama nag mga kaibigan nito. Napangiti siya at naglakad palapit. Tama nga naman ito, nawalan na siya ng oras sa binata. Napakunot noo siya nang makitang may nakahawak na babae sa balikat ng boyfriend niya. Kaagad na tinawag niya ito.
“Gaeb!”
Napatingin sa gawi niya ang binata at mabilis na inalis ang kamay ng babaeng nakahawak sa beywang niya. Kumunot naman agad ang noo ni Diana nang makitang inirapan pa siya ng babae. Baka ito na ang sinasabi ng mga issue sa f*******: na change oil. Dahil pangit naman itong kasama ng nobyo niya change pusod. Naka-crop top kasi tapos halata namang kulang sa linis ang pusod. Tinaasan niya ito ng kilay at inilingkis ang kamay sa nobyo niya. Napangiti naman si Gaeb.
“Akala ko hindi ka makakasama,” ani Gaeb. Nagkibit balikat lamang siya. Sinadya niyang inisin si Paris para may rason siyang umalis. Alam niya kasi na maysa demonyo iyong propesor nila.
“Nagbago na isip ko, mukhang hindi mo rin naman ako kailangan ah,” malditang ani niya at tiningnan ang babae kanina.
Napakamot naman sa ulo niya si Gaeb.
“This is Pinky, kapatid siya ng team mate ko,” pagpakikilala ni Gaeb sa kaniya. Tumango naman si Diana. Pinky pero maitim ang pusod. Kulang sa hygiene charot. Importanteng malinis ang pusod natin. Hindi bale nang sparkling clean basta wala lang maitim na circle sa labas.
“Pinky, this is my girlfriend, Diana,” ani ulit ni Gaeb. Nagtanguan lang naman sila.
“Tayo na?” ani Russel. Ang kaibigan ni Gaeb. Nagsitanguan naman sila. Naglakad na sila papunta sa kani-kanilang sasakyan.
“Diyan ka na sumabay sa kanila ni, Gaeb, Pinky,” ani naman ni Brant. May mga chicks din ito. Mukhang nagkamabutihan na itong dalawa sa harap niya. Nanggigigil na naman siya. Makukutusan niya talaga itong nobyo niya mamaya.
Binuksan ni Gaeb ang pinto at kaagad na pumasok ang Pinky. Napataas naman ang kilay ni Diana at kinatok ang pinto ng passenger seat. Ibinaba ni Pinky ang windshield at kunot ang noong tiningnan siya.
“Bakit?” tanong nito sa kaniya. Tila nagsukatan pa sila ng tingin.
“Alis diyan, ako ang girlfriend kaya ako ang dapat nasa tabi ni, Gaeb,” malditang aniya. Kaagad na napakunot noo ito.
“Bilis,” wika niya at inirapan ito. Nagkatinginan pa ang dalawa sa loob. Napaismid naman si Diana. Iba na talaga ang kutob niya.
“Doon ka muna sa likod, Pinky,” ani Gaeb. Tumango naman ito at sinamaan ng tingin si Diana t’saka lumabas na. Napangiti naman si Diana at binelatan nang pasimple si Pinky. Lalo tuloy itong nainis sa kaniya. Umupo siya sa tabi ni Gaeb at nginitian ang nobyo.
Ilang minute lang din naman at nakarating na sila. Huminto sila sa isang kilalang club. Sa tingin niya’y bawal ang estudyante at minor kaya kinuha na niya ang damit sa bag niya at basta na lang hinubad ang uniform niya. Kaagad na nanlaki naman ang mata ni Gaeb at Pinky sa ginawa niya. Naman, as if naman naghubad siya lahat. May suot naman siyang bra. T’saka girl scout siya kaya may dala siyang damit panggala. Isinuot niya iyon at tinanggal ang palda niya. Saktong maganda ang short na naisuot niya.
“Tara na,” nakangiting saad niya at lumabas na ng kotse. Ngayon ay malagkit na nakatitig na sa kaniya si Gaeb. Tiningnan niya si Pinky. Ores ang crop top nito sa bodycon niya. Inilingkis na naman niya ang kamay sa braso ng boyfriend niya. Pumasok naman sila sa loob at sumunod sa kanila ni Russel. Pumsok sila sa isang semi-VIP room. Hindi pa kaya ang VIP room na masiyadong high class. Rinig na rinig ang tunog ng tugtog na mapapaindak ka naman talaga sa ganda ng beat. Pagkapasok nila ay kaagad na nag-order ang mga ito ng maiinom. Hindi na rin nag-ano pa si Diana dahil sanay siya sa alak. Mataas din ang alcohol tolerance niya. Kung gaano kaganda ang mukha niya, siya namang ikinasalbahe ng dalaga. Ganoon na talaga siya. Kahit Daddy niya walang nagawa.
Ilang sandali pa ay nagsidatingan naman ang mga kaibigan ni Gaeb. Nakahawak lang ito sa beywang niya. Akala siguro ng gago ay hindi niya napapansin ang mga kamay nitong bumababa. Pasimple pa ang binata. Nagsimula na rin silang mag-inuman. Nakatatlong shot pa naman siya. At ang bwesit na Pinky sa gilid niya ay naglasing-lasingan para makasandal sa nobyo niya. Inis na nilagok niya ang isang pilsner glass ng beer nang makaramdam ng tawag ng kalikasan.
“I’ll just go to the bathroom,” paalam niya kay Gaeb. Tumango naman ito. Tumayo siya at naglakad na papunta sa bathroom. Napadaan siya sa mga VIP rooms at napailing. Akala niya kasi hotel eh. Ayaw niya sa CR sa baba. Mas Mabuti na rito sa taas at magkunwaring galing sa VIP room. Habang naglalakad ay nanlaki ang mata niya at mabilis na napatago sa gilid. Nakita niya si Paris at tila may kausap na puro naka-suit. Kumunot ang noo niya.
“Teka,” aniya at tiningnan ang oras sa cellphone niya.
“Oh s**t! Alas-onse na ng gabi. Napahawak siya sa noo niya at mabilis na pumasok sa banyo at umihi. Nang matapos ay hindi na siya nag-retouch. Ano pa ba ang ire-retouch niya eh hindi siya nagme-make-up?
Lumabas na siya at patakbong bumalik sa room nila. Pagpasok niya ay wala si Gaeb at Pinky.
“Nasaan si, Gaeb?” tanong niya.
“Sinamahan lang si, Pinky sa baba,” sagot ng lalaki sa gilid na tahimik lang. Tumango naman si Diana at naglakad na palabas. Kinakabahan siya. Para bang may mangyayaring hindi maganda. Hinanap niya ang dalawa subalit hindi niya makita. Naglakad siya palabas at wala pa rin.
“Bahal ka na sa buhay mo, Gaeb. Malaki ka na, huwag ka lang talagang pahuhuli sa ’kin na may kalampungang iba,” inis niyang saad.
Ite-text na lang niya ito na nauna na siya at may sasagutan pa siyang reviewer. Pumunta siya sa parking lot at kinuha ang spare key ng kotse ng binata. Inayos niya ang sarili at natigilan sa nakita. Naikuyom niya ang kaniyang kamao at patakbong pumunta sa kotse. Nakita niya si Gaeb na kumakain sa pudayday ni Pinky na hindi naman pinkish.
“Mga hayop!” sigaw niya at hinila ang buhok ni Gaeb palabas.
“Aw! Aray!” siagw nito. Nakatihaya ito paglabas ng kotse habang hawak pa rin ni Diana ang buhok niya. Nakalabas pa ang ari nitong hindi naayos sa loob ng underwear dahil tigas na tigas na.
“Putang ina ka! Ang sabi ko huwag kang magpapahuli sa akin, bwesit ka!” singhal niya at binitiwan ito dahilan upang mapaaray ito sa sakit. Nilingon niya si Pinky na parang wala lang. Nakangiting lumabas naman ito ng kotse. Hinintay talaga ni Diana na makalabas ito. Ang laki pa ng ngisi ng hitad.
“D-Diana,” ani Gaeb. Halatang takot at gulat na gulat ito. Tiningnan niya si Gaeb na may pandidiri.
“Buti na lang hindi ko ibinigay ang lahat sa ‘yo. Sana sinabi mo na lang sa akin na ayaw mo na. Na hindi mo na kayang magpigil kaya kailangan mo nang tumikim. Grabe ka, sa dinami-dami pa ng puwede mong ipalit sa ’kin ito pa talaga?” ani Diana at hinarap si Pinky. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa.
“Bakit? Sino ka ba sa tingin mo? Ako ang pipiliin ni, Gaeb dahil kaya kong ibigay ang pangangailangan niya,” pagmamalaki nito. Natawa naman si Dian.
“Lalo mo lang pinagdudutdutan sa mukha ko na pangkuskos ka lang. Pangkuskos sa kati,” malditang wika niya. Walang ibang nakakakita sa kanila dahil lahat ng tao nasa loob naman.
“Sa susunod Gaeb, maghanap ka naman ng babeng marunong maglinis ng katawan. Pakboy ka nga’ng bwesit ka! Magsama kayong dalawang mga makakati at salot sa lipunan. Mga cheater na cheap. Alam mo, Pinky? Para kang aso na kahit saan puwedeng kantutin. At siyempre dahil in born ka namang hitad kaya kahit saan basta pasok,” galit niyang saad.
“Diana, tama na,” saway ni Gaeb sa kaniya.
“Isa ka pang bwesit ka. May bayag ka nga laylay naman,” singhal niya sa binata.
“Bakit? Nakakinsulto ba ang bibig ko? Nasaktan ka ba sa pinagsasabi ko? Pasensiya ka na lang dahil ganito ako magsalita, kung sinasabi mong sumusobra na nagkakamali ka. Kulang pa ‘yan, simula ngayon tinatapos ko na kung ano man ang mayroon sa atin, Gaeb. Huwag na huwag ka nang magpapakita sa ‘kin kahit kailan,” galit niyang saad.
“Tabi!” sigaw niya kay Pinky na nakaharang sa kotse at kinuha ang bag at reviewer niya.
“Diana, sandali. Teka lang, mag-usap muna tayo,” tawag ni Gaeb sa kaniya.
“Ipagpatuloy niyo ang kantutan niyong dalawa. Nga pala Pinky, sa ‘yong- sa ‘yo na ‘yang ex kong pakboy. Bagay kayo, itong ginawa niyo sa ’kin? Babalik ‘to sa inyo. Alam ko rin namang yugyog lang ang kailangan sa ‘kin ng bwesit na ‘yan eh. Para sabihin ko sa ‘yo Gaeb, hinding-hindi mangyayari iyon. Pakasaya ka sa buhay mo gago,” inis niyang saad at tumalikod na. Mabilis na pumara siya ng taxi at nagpahatid sa aboarding house niya. Naiwan namn si Gaeb na nakayuko.
“Gaeb, are you okay?” tanong ni Pinky.
“Shut up!” singhal niya sa dalaga at hinila ang pantalon niya pataas. Hindi niya napansing hindi pa pala niya iyon nahila pataas.
TBC
zerenette