Nakatayo lamang sa labas ng faculty ni Paris si Diana. Nagdadalawang-isip pa siya kasi nahihiya siya sa sinagutan niya kagabi. Hindi niya alam kung tama, basta sinagot niya lang nang walang keme. Huminga siya nang malalim at deritsong binuksan ang pinto. Kaagad na napatingin naman si Paris sa kaniya. Mukhang hindi pa inaasahan ng binata na magpapakita siya. Kaagad na kumunot naman ang noo nito. Ngumiti si Diana at nilapitan siya.
“Good afternoon, Sir,” bati niya at inilagay sa harap nito ang ibinigay ni Paris kahapon.
“Sinagutan ko po ‘yan lahat,” proud na sambit niya. Kaagad na tiningnan lamang siya ni Paris at kinuha iyon. Umupo naman si Diana sa assigned seat niya sa gilid. Hinihintay na rin niya si Edilberto.
“You answered this?” tanong nito sa kaniya. Nakangiting tumango naman si Diana.
“Alam ko nakakahanga kasi sa dami ba naman niyan nakaya kong sagutan lahat,” pagmamalaki niya.
Nakatitig lamang si Paris sa kaniya at napailing. Inis na basta na lang nitong inilapag sa gilid ang papel.
“Paano mo nakuha ang answer?” tanong ni Paris. Naiwan sa ere ang ngiti ni Diana at napakurap-kurap.
“Gamit ang malaman kong utak?” patanong niyang sagot.
“Looks like you are not sure,” seryosong wika ni Paris.
Napakamot sa ulo niya si Diana at sumeryoso.
“Oo na, nag-research ako. Pumunta ako sa brainly at naghanap ng possible answers. Tama ba lahat?” tanong niya. Kinuha naman ni Paris ang red ballpen niya at nilagyan ng markang failed.
“Did you even read the answers? Lahat mali,” ani Paris. Kumunot ang noo ni Diana at nilapitan ang Propesor. Kinuha niya iyon at napapailing.
“Hindi ko alam na mali,” ani niya na ikinailing ni Paris.
“Tanggapin mo na lang na babagak ka sa subject ko, Diana,” wika ni Paris.
Natigilan naman si Diana nang bigkasin ng binata ang pangalan niya. Para bang may something sa pangalan niya na kay sarap pakinggan.
“Gusto ko pong pumasa, Sir. Hindi para makaalis sa sumpa sa akin ng Ama ko. Kung hindi gusto kong i-challenge ang sarili ko na kaya ko,” seryosong saad niya. Kinunutan lamang siya ng noo ni Paris at napahinga ito nang malalim.
“Hinatayin natin si, Edilberto ang we’ll start,” saad nito. Tumango naman si Diana at tahimik na umupo sa gilid.
“What happened to your eyes?” tanong ni Paris habang tinitingnan ang sinagutan niya kagabi.
“H-huh?” sagot niya. Tiningnan siya ni Paris at tinaasan ng kilay.
“Your eyes were puffy. Para kang kinagat ng bubuyog,” ani Paris. Mabilis na kinuha ni Diana ang cellphone niya at tinitigan ang mukha.
“Oh my!” aniya at tiningnan si Paris.
“Iyong boyfriend ko kasi nahuli kong may kakantutan sa kotse kagabi habang nasa club kami,” sagot niya. Kaagad na kumunot ang noo ni Paris.
“Kaya ba ginalit mo ako kahapon para makapag-clubbing kayo?” istriktong tanong nito. Napakamot naman sa ulo niya si Diana.
“Parang ganoon na nga,” mahinang sgaot ng dalaga. Nahilot ng binata ang mata niya at napailing.
“You simply deserve it,” ani Paris.
“Grabe ka naman, Hindi madali ang pinagdaanan ko ha,” sagot niya.
“Who cares?” sagot nito. Napataas naman ang kilay ni Diana.
“Galit ka, Sir?” tanong niya.
Napatingin si Diana sa Propesor niya nang hindi na ito nagsalita--magkadikit ang dalawang kilay kaya’t itinaas ng dalaga ang dalawang kamay.
“Sorry Sir, pero hindi ko po iyon pinagsisihan dahil at least nalaman kong niloloko lang pala ako ng jowa kong walang bayag,” inis na saad niya.
“T’saka nakita kita roon, akala mo ha. Huwag ka nang magkaila Sir, dahil nakita kita sa isa sa mga VIP room,” ani Diana at nginisihan siya.
“So what?” ani Paris.
“Hindi ba bawal ‘yon?” ani Diana at sumimangot.
“As if I was there to drink myself to death. I have other businesses to settle,” ani Paris at ibinalik ang tingin sa ginagawa nito.
“Talaga? Nga pala Sir, bakit ang sungit-sungit mo? Alam mo? Gwapo ka sana eh ang kaso lang istrikto,” komento ni Diana.
“If it doesn’t concern my principles then I don’t care,” sagot nito. Kaagad na napaismid naman si Diana. Useless makipag-usap sa isang taong mataas ang tingin sa sarili.
“Sir? Sa tingin mo ba kaya kong ipasa itong subject mo?” nakangiting tanong ni Diana. Natigil na naman ulit ang binata at tiningnan siya.
“Ang totoo?”
“Opo, sige na. Ano sa tingin niyo, Sir?” saad ng dalaga.
“Hindi, by the looks of you and knowing your brain capacity hidi mo kayang maipasa ang subject ko. Unless maging genius ka in an instant,” sagot ni Paris.
Kaagad na napasimangot si Diana.
“Grabe naman ‘to, may laman naman ang utak ko ah. Kaya kong kantahin ang Japanese opening song ng Naruto, Doraemon at Yokai,” saad niya. Napailing na lamang si Paris. He doesn’t want to argue with her. Alam naman niyang walang patutunguhan ang lahat.
Ilang saglit pa ay dumating na si Edilberto. Tila natatakot pa ito.
“Hi, Edi boy. Nasagutan mo lahat kagabi?” tanong ni Diana at nginitian ito. Parang natuod naman ito habang nakatitig sa kaniya.
“Give me that,” ani Paris sa binata. Mabilis na ibinigay naman iyon ng binata at napatingin kay Diana.
“Halika, upo ka rito sa tabi ko,” nakangiting saad niya. Tumango naman ito at halata sa mukha na nahihiya.
“Bakit parang nahihiya ka yata?” tanong ni Diana at nginitian ito nang matamis.
“H-hindi, o-okay lang a-ako,” sagot nito. Inakbayan naman ni Diana ang binata na ikinanuot noo ni Paris.
“Alam mo, Edi boy gawin natin lahat para makapasa. Nang sa ganoon ay hindi na tayo maliitin ng demonyo,” bulong niya sa binata.
“I heard it,” ani Paris. Kaagad na napalingon si Diana kay Paris at ngumiti.
“Charot lang, Sir,” aniya at napakunot noo. Nanlalamig kasi si Edilberto at pulang-pula na ang mukha.
“Hoy, okay ka lang ba? Kumusta naman ang pakiramdam mo? Bakit ang lamig mo?” nag-aalalang tanong ni Diana. Mabilis na tumayo naman si Edilberto at tumalikod.
“B-bibili lang po ako ng snacks natin,” wika nito at mabilis ang kilos na umalis. Naiwan naman si Diana na nagtataka. Para bang napaso pa ito sa hawak niya.
“Ano kaya ang nangyari sa kaniya?” aniya.
“He likes you,” komento ni Paris.
“Grabe ka naman, Sir. Hindi naman siguro, kita mo ‘yong pag-iwas niya sa ’kin na para akong germs sa katawan niya?” aniya at napapailing.
“You’re dumb remember?” ani Paris. Nabuhay na naman ang inis ng dalaga.
“Oo na,” saad niya. Ilang saglit pa ay tumayo si Paris at lumabas. Nang maisara ang pinto ay mabilis na napasandal si Diana sa upuan. Pakiramdam niya ay sasabog na yata ang puso niya sa sobrang kaba. Hindi niya lang pinapahalata pero pakiramdam niya ay nakikipag-marathon siya. Hindi niya kayang harapin ito sila lang dalawa ng binata. Bumabalik sa isip niya ang nangyari sa kanila noon. Nagtataka rin siya minsan kung hindi ba siya naaalala nito. Which is mas okay naman sa kaniya kasi ibig sabihin nu’n hindi na niya kailangang mag-alala. Kapag kaharap niya kasi ito parang hinihigop ang kaluluwa niya. Titig pa lang ni Paris nanlalambot na ang tuhod niya. She needs to appear tough.
TBC
zerenette