Chapter 9

1246 Words
“Uwi ka na, Sir?” tanong ni Diana kay Paris habang nag-aayos ng gamit nito. Tumango lamang ito. Ngumiti naman siya.   “Puwedeng sumabay?” Pangungulit niya pa. Hindi kumibo ang binata at basta na lang tumalikod. Kaagad na ngumisi si Diana at sumunod na rito. Kanina pa umalis si Edilberto. Sa awa ng Diyos ay pakiramdam ni Diana ay effective ang make-up class nila. It’s been four days na simula nang maging seryoso ang pag-aaral nila. She’s thankful of course. Minsan iniinis niya si Paris. Natutuwa kasi siyang nakikitang pikon na pikon na ito.   “Hintayin mo naman ako, Sir,” aniya at patakbong nilapitan ang binata.   “Sir?” tawag pansin niya rito. Mabuti na lamang at hindi naririndi si Paris katatawag ng dalaga sa kaniya ng Sir.   “Wala kang girlfriend ‘di ba?”  aniya.   “Puwede bang ako na lang?” mahinang saad niya. Natigil naman ang bianta sa paglalakad at hinarap siya.   “Joke lang! Hahaha!” ani Diana at tumakbo na pauna. Naiwan naman si Paris at napailing.   “Tanga na nga baliw pa,” seryosong wika niya at nagpatuloy na sa paglalakd. Sumakay siya sa kotse niya at nagmaneho na. Paglabas niya ng gate ay nakita niya si Diana na may kausap na lalaki. Sa tingin niya’y iyon ang nobyo nito. Nakita na rin niya ito sa isang subject niya.     “Diana, I’m so sorry,” ani Gaeb. Kumunot ang noo ni Diana at hindi ito pinansin.   “Diana please, mag-usap naman tayo oh,” pakiusap nito. Dinaanan niya lamang ito at dumeritso na sa daan patungong paradahan ng traysikel nang hawakan nito ang kamay niya. Kumunot ang noo niya at mabilis na iwinaksi ang kamay nito. Bigla ay nabuhay ang galit sa puso niya.   “For what, Gaeb? Sa pag-ipot sa ulo ko?” kunot-noong wika niya. Kaagad na lumambot naman ang ekspresiyon ni Gaeb.   “Pinagsisihan ko na ‘yon, Diana. Please, I love you,” sagot nito. Natawa naman nang pagak ang dalaga.   “Ah, pinagsisihan mo?” inis na saad niya. Nilapitan niya ito at nginitian.   “Okay na ba tayo?” masayang tanong ni Gaeb. Kaagad na natawa ang dalaga at malakas na tinuhod ito.   “Ugh!” ungol nito sa sakit.   “Lintek ka! Sa tingin mo isang sorry lang okay na ako? Ha? Bwesit ka! Huwag na huwag ka nang magpapakita sa ’kin!”   “Ang kapal ng mukha mo. Matapos mo akong gawing tanga magso-sorry ka na akala mo hindi ka lang naka-reply sa text ko? Gago ka pala eh, ano ha? Masakit ba ang bayag mo? Sana mabaog ka ng gago ka!” inis na singhal niya rito at tumalikod na. Ni hindi niya namalayang tumutulo na pala ang luha niya. Pinara niya ang traysikel na papunta sa kaniya. Huminto naman ito. Sumakay siya at umiyak sa loob.   “Mga p********a kayong mga lalaki! Hindi lang kayo makaipot sa amin para na kayong mga asong ulol na tumatawag ng buto. Mga bwesit!” umiiyak niyang saad.   “Huwag mo naman lahatin, Miss,” sabat nu’ng lalaki. Napasinghot si Diana at tiningnan ang driver.   “Sus, akala mo naman. Ang linis ah? Bakit? Nakakita lang kayo ng mga dibdib na malaki para na kayong mga isdang walang kain,” inis na aniya.   “Kanina asong ulol ngayon naman isadang walang kain. Mayroon pa riyan, Miss? Todo mo na,” ani ng drayber.   “Kayong mga lalaki mga pakboy, mga buraot, mga bwesit sa buhay namin. Kayong mga lalaki ang tumor sa aming katawan. Puro kayo pasarap, mga animal sa buhay naming mga kababaehan. Kayong mga lalaki ang cancer sa aming mga babae. Kayo ang ingrown, tutuli, tae at tinga sa buhay namin,” ani pa niya.   “Talaga?” kunot ang noong ani ng drayber. Tinaasan naman niya ito ng kilay.     “Oo!” sagot niya. Kaagad na sumimangot ang lalaki at itinabi ang traysikel.   “Bahala ka nang umuwi, Miss. Matanda ka na, alam mo na kung paano umuwi. Hindi ko kailangan ng pasaherang akala mo mo naman perpek kung makayurak sa aming mga kalalakihan. Hindi namin kasalanan kung kayo ang lumalapit sa amin para magpatuka,” inis na wika ng drayber at iniwan siya sa tabi ng kalsada.   Hindi makapaniwalang nakatingin lamang si Diana sa traysikel.   “Hindi mo lang matanggap na walang kuwenta kayong mga lalaki!”  sigaw niya at napaupo sa gilid ng daan.   “Letse!”   Inis na tumayo siya at naglakad na. Mabuti na lamang at malapit na ang boarding house niya. Habang naglalakad ay huminto ang isang kotse sa gilid niya. Napatingin naman siya roon at ibinaba ang windshield. Natigilan siya nang makita si Paris.   “Sir Paris,” wika niya. Tiningnan lamang siya nito.   “Pasakay naman Sir oh,” aniya. Kaagad na kumunot ang noo ni Paris.   “Why would I?” malditong tanong nito. Kumunot ang noo ni Diana at binuksan ang pinto. Buti na lang at hindi naka-lock.   “Deritso ka lang Sir, tapos may kulay gray na two story house. Doon ang boarding house ko salamat,” aniya. Tiningnan lamang siya ni Paris.   “You realized how thick face you are right?” wika ni Paris. Kaagad na napangiti si Diana.   “Matagal na po, Sir. Makapal po talaga ang mukha ko. Sana all naman po sa kanipisan ng mukha niyo. Sana all, ano po skin care?” inis niyang saad. Huminga lamang nang malalim si Paris at kinunotan siya ng noo.   “Ms. Shelbia, sometimes it’s not bad to think about your actions. Alam mo bang minsan sumusobra ka na?” seryosong saad ni Paris.   “Alam ko,” sagot niya.     “Then why are you being so hard headed?” tanong ni Paris.   “Basta ang alam ko, wala akong natapakang tao. T’saka iyong boyfriend kong binayagan ko dapat lang ‘yon sa kaniya no. T’saka kahit maldita ako at pasmado ang bibig wala naman akong kaaway. Kahit walang laman ang utak ko mabait naman akong anak. Ayaw ko namang mag-anghel-anghelan kung ganito ako ka walang hiya,” sagot niya.     “Isa pa Sir, kagandahan ko lang ang sumobra sa ’kin. Itong pagkataklesa ko, gift ‘to. Ano ka ba?” dagdag pa niya.   “Hindi ka ba natatakot na baka ayawan ka ng mga tao dahil sa ugali mo?” kunot noong tanong ni Paris.   Natawa naman si Diana.   “I’ve lost a lot in my life, Sir. And I am happy that they’re not in my life anymore dahil puro pasakit lang din naman ang dulot sa akin. Mas Mabuti nang mag-isa lang ako at least alam kong hindi ako pinipeke ng mga taong nasa paligid ko. T’saka hello? Kung masama akong tao matagal na akong pinalayas ni Daddy at hindi pa rin kami magakaibigan ni, Betty ngayon,” sagot niya.   “You and Betty are the same, so I won’t doubt why you two are best friends,” mahinang saad ni Paris.   “Ano’ng sinasabi mo, Sir?” kunot noong tanong niya.   “I said we’re here, now get out,” aniya. Napatingin naman si Diana sa labas at nakarating na pala sila. Tinanggal niya ang seatbelt at nginitian si Paris.   “Ayaw kong mag-thank you baka hindi na maulit eh. Nakatipid din ako ng pamasahe, bye Sir. Huwag ka nang sumimangot, ang guwapo mo eh, kiss kita next time para ma-miss mo ako, charot!” aniya at lumabas na. Kumaway pa ito sa kaniya. Napailing na lamang ang binata.     TBC zerenette
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD