Nakatunganga lamang si Diana habang nakatingin kay Gaeb. Kasalukuyan silang nasa isang restaurant. Basta na lang siya nitong hinila kanina. “Ano ba ang sasabihin mo?” inis niyang wika at tiningnan ang oras sa wristwatch niya. Ilang minuto na lang at magsisimula na ang exam nila. “Bilisan mo, Gaeb. May exam pa tayo. Kung kailan exam t’saka mo pa naisipang kausapin ako, langya ka. Kapag ako nabagsak hinding-hindi kita mapapatawad,” saad niya at napatingin ulit sa wristwatch niya. “Diana, I am sorry for being unfaithful. Hindi ko sinasadya ‘yon. Nadala lang ako dahil sa alak,” seryosong ani Gaeb. Tiningnan lamang ito ng dalaga at inismiran. “Gumamit ka ng ibang rason. Kung sana sinabi mo sa akin na ‘Diana patawarin mo ako kung hindi ko na napigilan ang libog ko. Init na

