Ngumiti lamang nang tipid si Karissa. Nakaupo sila ngayon sa kama ng kambal kasama si Diana. Halata sa mata nito ang saya. “Kung alam ko lang sana na binuntis ka ni Adi, sana hindi mo naranasang maghirap noon,” wika nito. Hinawakan naman ni Karissa ang kamay nito. “Tapos na po ‘yon, Tita. Huwag po kayong mag-aalala, hindi po pumasok sa isip ko na ipagkait ang mga anak ko kay Adi. Kahit bali-baliktarin ang mundo si, Laddicus pa rin ang ama nila. Hindi man sinasabi ng kambal pero ramdam kong nangungulila sila sa ama nila,” sambit niya. Napangiti naman si Diana. “Ang sama ko ba Karissa, kung nag-iisip ako ngayong putulan ng kaligayahan ang anak ko?” seryosong wika nito. Nanlaki naman ang mata ng dalaga. “P-po?” Ngumiti si Diana sa kaniya. “Charot lang! Matagal na

