Nakatingin lamang si Karissa kay Laddicus at naikuyom ang kamao. Nakagat niya ang kaniyang labi sa labis na pagpipigil ng galit niya. “Umalis ka na,” matigas niyang saad at akmang tatalikod na nang hilahin ng binata ang kamay niya at yakapin siya ulit. Mabilis na itinulak niya ito subalit lalo lamang hinigpitan ng binata ang yakap sa kaniya. “Alam kong hindi na kita dapat istorbohin pa, pero mamamatay ako, Karissa. Hindi ko na kaya ang limang taon pang hindi kita kasama,” malungkot na wika ni Adi. Natigilan ang dalaga at itinulak ang binata. Nagpatulak na rin ito. Nakikita niya ang pagod at luha sa mga mata nito. “Umiiyak ka?” tanong ni Karissa sa binata. Tinitigan lamang siya nito. “Bakit ka umiiyak? Nakalimutan mo bang ikaw ang pumutol sa kung ano’ng mayroon sa atin

