“Ingat Mama,” ani ng anak niyang si Irishka. Napangiti naman siya at hinalikan ito sa pisngi. “Huwag matigas ang ulo kay, Lola ha. T’saka Isaac, alagaan mo si Irishka habang wala ako. Pagbalik ko bibilhan ko kayo ng toys,” nakangiting saad niya at mahinang kinurot ang mukha ng kambal. Niyakap naman siya ng mga ito. Napatingin siya nang may humintong taxi sa labas ng bahay nila. “Alis na ako, I love you mga baby ko,” madamdaming wika niya. Kumaway naman ang dalawa. Pumasok na siya sa loob ng taxi at nakatingin lang sa dalawa hanggang sa nawala na ito sa paningin niya. Nakatingin lamang siya sa nadadaanan nila. Halos wala na siyang matandaan dahil sa ang daming nagbago. Ilang oras pang biyahe at nakatayo na siya sa harap ng bahay nila. Hawak ang susi sa kamay. Napatingin siya roon

