Napipilan naman si Naeia at napakurap-kurap. “Kaya ba hindi kayo mapaglayong dalawa?” tanong ng dalaga. “lagi mong sinasabi sa ’kin na mahal mo ako at kung ano pa. Pero alam mo kung ano ang pumipigil sa ’kin para paniwalaan ka? Dahil sa actions mong hindi tugma sa mga sinasabi mo. Lagi mong sinasabi na mahal mo ako pero lagi mong kasama si, Marikit. Wow! Talagang father figure ka pa talaga sa anak niya. Bakit hindi mo na lang akuin at pakasalan siya? Total diyan ka naman magaling,” ani Naeia at tinalikuran siya t’saka itinuloy ang pagbabablot ng damit niya. Natigilan naman ang binata. “Bago mo sabihing mahal mo ako patunayan mong karapat-dapat kang mahalin ko. Bago mo ako akuing muli, ayusin mo ang relasiyon mo kay, Marikit. Alam mong siya ang kinai-insecure-an ko pero palag

