Warning: SPG This chapter contains s*x scenes not appropriate for readers below eighteen. You can skip this chapter and it won’t affect the flow of the story. You have been warned! Sumisimsim ng alak niya ang dalaga habang nakatingin sa malinaw na karagatan. Hindi pa sila nag-uusap ni Keiran. Mukhang busy rin ito dahil nagtanong siya kanina sa staff ang sabi umalis ito ng resort. Huminga siya nang malalim at pinag-isipan ang mga nangyari sa kanila. Masiyado ngang naging seryoso ang buhay nila. Kaunting lapses lang ay bumigay sila kaagad. “Ang lalim ng iniisip mo,” wika ng malalim na boses sa likod niya. Napalingon siya at nakita ang binata na nakatayo sa hindi kalayuan. Suot nito ang kaniyang mamahaling suit at medyo magulo na ang neck tie. Halata sa mukha nito ang pagod. Ngum

