“A-adi,” wika ni Karissa. Halatang hindi niya inaasahang makita ang binata. Napatingin siya sa relos niya at tiningnan ito. “Mauna na ako, may trabaho pa ako,” dagdag niya pa at nagmamadaling pumasok sa loob. Ngumiti siya sa mga empleyado noong binati siya ng mga ito. Dumeritso na siya sa opisina niya at nagsimulang magtrabaho. Natigilan siya saglit nang maalala si Adi. “Bakit kaya siya nandito?” aniya at napailing. Bumalik na siya sa trabaho niya at napatingin sa pinto nang may kumatok. “Come in,” aniya habang busy katitipa sa personal computer niya. Umangat siya ng tingin at gulat nang makita si Laddicus. May dala itong boquet ng bulaklak. She pursed her lips and looked at him. Seryoso lang itong nakatitig sa kaniya. Ni isa walang nagsasalita sa kanila. Ilang sandali pa ay

