Nakatulala lamang si Karissa habang nakatingin sa binata. “Sana sinabi mo sa ’kin. Sana alam ko para nandoon ako para damayan ka. Nandoon ako para hindi ka nag-iisa. Imbis na iniwan mo ako nang ganoon lang, sana sinabi mo sa ’kin ang totoo,” ani Karissa. Huminga nang malalim si Adi. “I was too devastated. Unang pumasok sa utak ko na iwan ka na lang. I am a big burden to your life if ever, Karissa. Hindi na ako nakapag-isip ng tama dahil sa sobrang overwhelming nu’ng pangyayari,” sagot ng binata. Napapikit naman si Karissa. Kahit nga siguro kung siya ang nasa kalagayan ni Adi paniguradong hindi niya kakayanin ang lahat. Paniguradong maging siya ay mababaliw. Hindi madali na arestohin ka sa kasalanang hindi mo naman ginawa. Nakulong ka pa ng ilang taon. “Matali

