“Simula ngayon sa condo ko na ikaw titira,” wika ni Candy. Kaagad na nanlaki ang mata ni Diana. “Talaga? Bakit?” takang tanong niya. Ngumiti si Candy at ipinakita ang isang land title. “Binilhan ako ni, Daddy ng bahay at lupa, Sis,” naiiyak na wika nito. Kaagad na umasim ang mukha niya. “Ang daya, bakit ako wala?” untag niya. “Ay! Ayaw mo sa condo ko na malapit lang sa condo ng mapapangasawa mo?” ani Candy. Kaagad na napangiti nang mala-demonyo si Diana. “Bakit ko nga ba, nakalimutan? Kailan ba ako puwedeng lumipat?” tanong niya sa Ate niya. “Umuwi ka na lang doon, Sis. Pinaasikaso ko na sa connections ko. Nandoon na ang mga gamit mo sa condo ko,” sagot ng Ate niya. “Connections, eh sa pagkakaalam ko ang mayordoma ni, Daddy ang puwede mong pakiu

