Suot ang blue dress ni Diana na hanggang tuhod ay lumabas na siya ng boarding house niya. Ngayon kasi ang gabi na magkikita sila ng family ng fiancé niya. Nagdadalawang isip siya na pumunta. Pero no choice kaya lumabas na siya at sumakay sa kotseng sundo niya. “Magandang gabi, Ms. Diana,” bati ni Fernan. Ngumiti lamang si Diana at pumasok na sa loob. Nakatingin lamang sa labas ang dalaga at hindi alintana ang kaba. Alam niya kasing sa oras na nandoon na siya wala nang atrasan. Naghintay pa siya ng ilang minuto bago sila huminto. Bumaba siya ng kotse at pumasok sa loob. Kaagad na in-attend-an naman siya ng receptionist. Inihatid siya nito sa isang restaurant na for VIP’s only. Natuod siya saglit nang makita ang pamilya niya at pamilya nu’ng lalaki na masayang nagki-kuwentuhan. Huminga

