Nakatulala lamang si Karissa habang nakatingin sa kisame. Hindi niya maintindihan ang sarili niya. Huminga siya nang malalim at hinayaan ang luhang umagos. Sakto namang kumatok ang ina niya. Mabilis na bumangon siya at napasinghot t’saka pinunasan ang kaniyang mukha. “Pasok Ma,” aniya. Pumasok naman ang ina niya at takang-taka sa nakita. “Nag-away kayo?” tanong nito. Tumango naman si Karissa. “Bakit?” tanong nito. “May estudyante kasing nagpadala ng letters and chocolates sa ‘kin. Tinanggihan ko kaya kinausap ko na. Ang kaso akala ko parehas lang nu’ng mga lalaking madaling kausap. Kilala sa university kaya nakakuha kaagad ng atensiyon. Nakuhanan ng pictures na magkasama kaming dalawa. Hinila niya kasi ako. Hindi ko rin masisisi ang sarili ko kasi bigla na lang

