Nakatingin lamang si Karissa sa litrato nila ng binata. It’s been two weeks simula nu’ng last call nila. Simula noon hindi na rin sila nagtatawagan pa. Hinihintay niya ang tawag ng binata pero wala talaga. Lumalaki na rin ang umbok ng tiyan niya. Tapos na rin naman ang examination nila. She thought it was the last straw. Lagi siyang nagbibilin ng chat sa binata pero ni hindi man lang nitong naisip na reply-an siya. And she understands it. Alam niyang iyon na iyon. Doon na lang. Pinunasan niya ang kaniyang mata nang may makatakas na luha. Nilakasan niya ang kaniyang loob na tawagan ang binata. Sinakto niyang linggo. Nanginginig ang kamay niya habang nakahawak sa kaniyang cellphone. Nagri-ring lang iyon. Ilang sandali pa at sinagot na iyon ng binata. Nakatingin lamang doon si Karissa. Ini

