Naglalakad si Diana nang mapadaan sa room nila. Nagsisimula nang mag-pictorial ang mga ito. Napahinga siya nang malalim at malungkot na napangiti. “Mauna na lang kayo, susunod ako,” positibong wika niya. Hinanap ng mata niya si Betty at ayun busy kapoporma ng kilay niya. Napailing na lamang siya at huminga nang malalim ulit. Ganoon talaga, may nauuna at nahuhuli. Nakatayo siya ngayon sa harap ng faculty room ni Paris. Nagdadalawang isip siya kung gugulohin ba niya ngayon o hindi. Medyo bad trip siya eh. Nag-isip siya saglit at binuksan na ang pinto. Kaagad na napatingala si Paris nang makita siya. Kumunot naman agad ang noo nito. Nandito na naman ang sakit sa ulo niya. “Patambay ako rito, Sir. Huwag ka munang magalit dahil masakit ang puso ko. Sila nagpi-pictorial tapos ako nandito l

