“Ang tagal mo naman,” reklamo ni Diana kay Betty. “Alangan namang magmadali ako girl na kumakain pa ako,” sagot nito. “Kakain din naman tayo ni, Gabbi mamaya ah,” ani pa Diana. “Kaya nga, appetizer lang ‘to. Tara na nga paniguradong naghihintay na ‘yong bruha,” saad ni Betty. Umiling na lamang siya at sumunod na sa kaibigan. Pumara sila ng traysikel at nagpahatid sa bahay nila Gaeb. Magkapatid kasi si Gaeb at Gabbi. Sabihin na nating fraternal twins. Kalalabas lang ng kaibigan nila from mental. Nabaliw ito sa boyfriend niyang si Tikboy na pinagpalit siya sa malapit. So sad. Ipinagpalit siya sa taong may sabit kaya ngayon si Tikboy ay kabit. Kawawa naman itong beshy wap nila dahil nawala sa sarili. Buti na lamang at ilang months lang okay na. Biglang humigpit ang turnilyo sa u

