“Ang tahimik mo yata,” wika ni Paris habang nagmamaneho papunta sa bahay ng parents niya. Napalingon si Diana sa kaniya at kaagad ding inalis ang tingin. “Wala lang,” tipid niyang sagot. Tumahimik na rin si Paris. Ilang minutong pagmamaneho pa at dumating na sila sa isang magarbong bahay. Kaagad na napahanga naman ang dalaga sa nakita. “Wow!” aniya at napangiti. Matapos maigarahe ng binata ang sasakyan ay bumaba na si Diana. Sabay na pumasok silang dalawa. Mabilis na isinukbit niya ang kaniyang kamay sa braso ni Paris. “What are you doing?” kunot ang noong tanong nito. Ngumisi lamang si Diana. “Para kunwari ang sweet natin. Huwag ka na ngang daming reklamo. Ayaw mo nu’n? Fresh at maganda na ang kumakapit sa ’yo? Huwag kang maarte kiss kita riyan eh gusto mo?” inis na

