“May sasabihin ako,” kinakabahang wika ni Diana. Kaagad na natigil sa kadadaldal ang dalawa. Halata kasi ang kaseryosohan sa mukha niya. Kasalukuyan silang kumakain sa bahay nila Gabbi. Wala ang parents nito, may trabaho. “Ano ‘yon? Ang seryoso mo girl, kinakabahan tuloy ako,” saad ni Betty. “May taning na ba ang buhay mo, Diana? So sad, dapat maging mabait ka na,” sabat naman ni Gabbi. “True, ang sama kasi ng ugali eh. Palaging minus points sa langit,” dagdag pa ni Bettty. Inis na tinampal niya ang dalawa. “Buhay pa ako mga gaga,” inis niyang wika. Natawa naman ang dalawa. “Ikakasal na ako bukas,” aniya at sumubo ng popcorn. “Gagi, seryoso? Kawawa naman iyong lalaki,” ani Gabbi. “Kanino girl?” tanong naman ni Bettty. Napakamot naman siya sa ulo niya at a

