Nakatayo lamang si Paris sa labas ng condo unit ni Diana. Ilang saglit pa ay topless pa ring lumabas si Gaeb. Kaagad na nag-abot ang kilay niya. Nginitan lamang siya nito na akala mo naman natutuwa siya. Hindi hamak na mas maganda naman ang katawan niya kaysa kay Gaeb at mas guwapo siya. “Uwi na ako,” paalam ni Gaeb kay Diana na kalalabas lang. Ngumiti naman si Diana at akmang kakaway nang mabilis na hinila siya ni Paris papasok sa condo niya. He locked the door and sat on the couch. Nagtatakang nakatingin naman si Diana sa kaniya. “Ano’ng pag-uusapan natin?” bored niyang tanong kay Paris. “You’re aware of what you did last night, right?” tanong nito. Napakamot naman sa ulo si Diana at pekeng ngumiti. “Sorry na, nainis kasi ako sa ‘yo. Alam kong hindi iyon sapat na dahilan para mag

