TANGHALI NA nang magising sina Riley at mga kaibigan niya. Tila nagkagulatan pa sila nang makitang sabay-sabay silang lumabas ng mga silid. "Good morning," bati niya sa mga ito. "Morning." Tumango lang ang iba niyang mga kaibigan saka sila nagtungo sa kusina. Nakapikit pa ang mga mata nina Dash at Dein habang si Stella ay bagong ligo. Siya ay nakapaghilamos na rin naman pero nakapantulog pa rin. Si Neo may towel na kasampay sa balikat nito habang si Aidan ay tulala kung saan. Kumuha siya ng bowl saka ang salin ng cereals. Ganoon din ang ginawa ni Stella na may tinitingnan sa cellphone. Nang magawa niya ang almusal niya ay naupo siya sa tabi ni Dash na nakadukdok na sa mesa. Siniko niya ito nang mahina. Umungol lang ito bilang tugon. "Nasa table ka, bawal iyan," aniya. Mabilis naman

