DUMATING ANG araw ng Friday at naging busy na nga silang magkakaibigan. Sa umaga sila nagpasya na magligpit ng mga gamit nila habang sa gabi naman sila maghahakot upang hindi sila makita ng mga press at paparazzi. May mga kinuha ring mga tao si dash upang makatuwang nila sa pagdala ng mga malalaki nilang mga gamit. "Hindi mo pa pala iyan nabubuksan?" tanong ni Riley kay Dash nang makita niyang nilabas nito ang package na malaki na siya pa ang nag-receive noong nakaraan. "Oo. Tinamad akong i-unbox, e. Sa bagong condo ko na alng bubuksan para naman doon na alng mai-display," sagot naman ni Dash na halatang pagos na sa dami ng ginagawa nila. "Oy mag-meryenda muna tayo." Tinaas pa ni DEin ang hawak na pizza na bagong deliver lang. Binitiwan naman nila ang mga hawak saka sabay-sabay na nag

