HINDI NA NAGULAT pa si Riley nang magising siya kinabukasana na maraming press ang nais makausap si Aidan. Bagong gising din ito at nakaupo sa sofa habang si Gian at ang manager ng kaniyang kaibgan ay nandito sa condo nila. May kausap ang mga ito sa mga cellphone na hawak. Tulala naman si Aidan. "Grabe! Ang daming press sa baba. Ang hirap makapunta rito." Kadarating lang ni Dash kaya kumunot ang noo niya dahil ang aga nitong nanggaling sa labas. "Saan ka galing?" tanong niya sa kaibigan. "Bumili ako ng pagkain nating ngayong umaga." Ngayon lang niya napansin ang dala nitong mga paper bags. Tumango na lang siya saka ito tinulungan. Nakita niyang naghikab si Aidan at tila wala pa ito sa huwisyo. Nahiga pa itong sa sofa. Nasa kusina sila ni Dash nang marinig niya ang tinig ng manager nit

