MAAGANG NAGISING ang magkakaibigan. Tila naging Deja Vu lang ang mga nangyayari dahil kagaya noong nauna, nagpunta rin sila sa Salon at Spa upang makapag-relax sila at para masigurong maganda si Riley. Ang kaibahan lang ay kasama nila ngayon si Aidan at si Sean na tila mga bodyguards nila. Iyon nga lang, limitado ang mga kilos nila dahil nasa public place sila. Hindi sila pwedeng magdikit dahil baka may makakita at makahalata sa kung anong mayroon silang dalawa. "Sigurado ka ba na ayaw mo magpalagay ng hair extension?" tanong ni Dash sa kaniya. Umiling siya. "Ayaw ko. Mas okay na ako nang ganito. Walang hassle sa pag-aayos mamaya sa backstage." "Okay, sige." "Paano yung nails niya?" tanong ni Stella na tinuro pa ang mga daliri ni Riley. Inirapan ni Dash ito. "Gusto mo na namang ikaw

