"ANO? BAKIT KA pumayag, Riley na ganunin ka ni Aidan? Kabago-bago pa lang ninyo!" ani Dash habang masama ang tinging pinukol nito sa kaniya. Sumenyas siya na huwag maingay dahjil baka may makarinig sa pinag-uusapan nila. "Huwag ka naman maingay! Baka marinig ka ng iba nating kaibgan or worst, si AIdan pa. Baka magalit iyon!" "Wala akong pakialam sa galit niya!" Hinampas niya ito sa braso. "Nakikinig ka bang mabuti sa kwento ko? Sabi ko, ako ang nag-initiate ng halik at ako yung dismayado dahil tumigil siya!" "So gusto mo na sa iyo ako magalit at mainis, ganoon?" Mataray na tanong nito saka hinila ang buhok niya. "Riley, huwag ka mag-alala dahil naiirita din ako sa kapusukan mo. Saan mo natututunan ang mga ganoong bagay?" Naitakip niya ang mga palad sa mukha. Hiyang-hiya na nga siya d

