"READY NA BA kayong lahat? Please, ibigay natin ang best natin, okay?" ani Dash sa mga models niya na halatang kinakabahan din ang iba. Mga professional na ang mga ito ngunit alam niyang hindi pa rin maaalis sa mga ito ang pagkakaba. "Maycee, ikaw na ang bahala kay Riley sa stage, ah!" aniya saka hinawakan ang kamay nito. Tila nagulat naman ito sa ginawa pero ang malapad na ngiti sa mga labi ay nandoon at hindi nawala. "Oo naman, D-Dash. Kami na ang bahala sa kaniya." Matamis siyang ngumit rito. "Salamat. O, sige. Iwanan ko na muna kayo ha at babalikan ko na si Riley sa kabilang kwarto." "Sige." Tumalikod na siya. Pabalik na sana siya silid kung nasaan si Riley ngunit napansin niya si Aidan na kasama si Gian. Pinagtitinginan ito ng mga fans dahil katabi rin nito sina Stella, Dein pati

