Entry#1

1806 Words
  Uy, anong meron? Bakit maraming nagbibigay ng flowers? Bakit may mga nanghaharana? Bakit puro puso ang nakikita ko? Sabi dito sa karatula, Happy Valentine’s day daw. Talaga ba? Parang hindi naman.   Normal na araw lang ito. Bale, gumising ako, pumasok sa eskwela, kumain sa labas, gagala, maglalaba ng uniform pagkauwi, at gagawa ng mga requirements. Simple lang, right? Ito ang buhay ko bilang isang single.   Okay naman maging single. Nabuhay ako sa loob ng nineteen years na single. Edi, kaya ko rin mamatay siguro na single? Kidding in the last sentence. I'm still too young to die and I wanna live long to pursue my dreams, no. I have many plans for myself just like going to South Korea and Japan.   Kalat ang mga tao sa buong field. Sa hallway, malapit sa library, nagkukumpulan ang mga hopeless romantic kong mga schoolmates. Lumapit ako, baka sakaling may libreng pagkain o kahit ano lang na mapakikinabangan. Hindi na ako makasiksik papunta sa harap. Tumingkayad na lang ako at nasilip na may mga sticky notes at colored papers pa lang sinusulatan at dinidikit sa Freedom Wall daw. It’s not literally a wall. It’s just a movable blackboard or greenboard (kung pilosopo ka) na nilagyan ng mga pulang hearts at frills. Pakulo ng mga Library Science Students.   I adjusted my glasses to see more clearly the notes pasted there, but due to my utter disappointment, my eyebrows went diagonal.   ‘I luv u Marc Kenneth Fariolan! Crush na crush kita kahit may gf ka na. Sana ako na lang siya. L Pero I will wait for you!’   ‘Pustiso ka ba, Marc Kenneth? Kasi I can’t smile without you! Yieee!’   Eww. Ano ba naman ‘tong freedom wall na’to? Puro kakornihan at kalandian. Puro na lang Marc Kenneth. Siya lang ba gwapo dito? Walang kwenta, makaalis na nga. Sayang oras ko. Ano pa bang inasahan ko? February fourteen ay araw ng kakornihan. Puro heart lang ang shape. It’s all the same, just a tradition.                                                                                                        Bahala sila dyan. May bibilhin pa’ko sa mall. Mabilis ang mga hakbang ko papalabas sa gate ng University namin. Sa South gate ako dumaan dahil iyon ang pinakamalapit sa mall na pupuntahan ko. Walking distance lang, about one-kilometer siguro or less than that. I’m not sure because seriously, me and math are not friends. That’s why I took a course that’s far from it.  Math made me suffered during my highschool years, hahayaan ko bang pahirapan niya ako pati sa college? Na-uh.   Valentine’s Sale pala ngayon dito sa mall. Nilagpasan ko na lang ang mga pusong disenyo, mga couple shirt display, at ang cliché na pares; teddy bears at plastic flowers na siyang nakabalandra sa gitna talaga ng entrance.   Pinipigilan ko lang talaga ang sarili kong lumundag-lundag habang naglalakad. Hindi ko dapat sabayan ang puso ko, people would look at me even more. I managed to tone down my smile a bit.   I bit my lips to suppress my widening smile as I gaze at the store’s signage: Blue Box Fandom shop. This is it!   It has been Five months since this shop opened in our town. I have been here since day one, ogling at the k-pop merchandise. Napapaligiran ako ngayon ng mga standee at posters. Masarap rin sana bumili ng album, kahit hindi latest kaya lang nakakaiyak ang presyong nine hundred pesos pataas. So far, bukod sa mga ‘yan, mga photocard, pamaypay, at medyas pa lang ang meron sila. Sana meron ding lightstick. Char, akala mo naman may pambili ako.   Pinuntahan ko na kaagad ang pakay ko at hinanap ang Girl’s Generation white shirt na pinag-ipunan ko lang naman ng isang buwan. May logo ng I got a boy sa harap tapos may malaking 09 na marka sa likod- yan kasi ang number ni Taeyeon. You’re mine now, OMG!   “Kunin mo na rin yang pink,” napalingon ako sa matinis na boses. It was ate Denchi, the owner of this shop, who is leaning at the counter with her folded arms.   “Annyeong, Ate Denchi. Wow! You look different,” I praised her new look. Nakabig curls at half blonde ang kanyang buhok. Blonde sa taas, at bluegreen sa baba.   She wiggled her eyebrows and beamed at me. “Of course! Eotte?”   “Yippeuda.”  It’s true, that’s she’s pretty. She has that mala-labanos na complexion at matangos na ilong. May mga pimple marks lang siya but that didn’t outshine her beauty. Especially her deep and round eyes. She’s wearing a light make-up today, too.   Iniabot ko sa kanya ang t-shirt na hawak ko. “Ito lang bibilhin mo? Dagdagan mo pa ng isa. Maganda yung pink,” aniya.   “Ate, wala na’kong pera, eh.” Unless libre ni ate. Who am I to decline?   She giggled at my answer while punching the shirt. Kinuha ko na ang brown paperbag. Ang cute ng logo nila. Light Blue na BB with wings at doodles. Nagpaalam na ako kaagad kay ate Denchi. Marami pa akong gagawin. “Next time na lang siguro. Mag-iipon pa’ko. Reserve mo na lang, ha.”   “Okay.”   “Gomawo, eonnie.”    Sumegway muna ako sa school supplies para bumili ng notebooks, highlighters, at pens. Manipis na lang kasi ang natitirang free pages at kailangan ko ng reserba na rin. Binayaran ko na rin kaagad sa counter para makauwi na ako. Mabuti na lang, half-day lang ang pasok ko ngayon kaya makakapaglaba pa ako at marathon. Nakakamiss mag-me time. Yung walang makulit na mga term papers.   “Happy Valentines, ma’am! May free stuff toy po kayo kapag three hundred pesos and above po ang total ng mga pinamili niyo sa department store, just add fifty pesos lang po,” the saleslady engaged me, but I wasn’t even engaged, nor interested.   Bumaba ang tingin ko sa mga tiny brown teddy bear na nasa tabi lang ng screen sa counter, nakasilid sila sa isang plastic tray. May red na ribbon na nakatali sa leeg nito. Kaya lang, yung ilong tabingi. Deformed pa yung mukha.   Akala ko ba, free, bakit pa ako magbabayad ng fifty? This Valentine’s Day is just a manmade event- an opportunity and artificial necessity created by businessmen to lure people into buying different event merchandises that they offer.   “Hindi lang, ate,” I politely declined although I internally rolled my eyes. Peperahan pa’ko nitong mall.  Sus, ‘di niyo’ko maloloko.  *** Parang namanhid ang tuhod ko. Mabagal akong tumayo mula sa pagkakasquat at pinahid ang basang kamay sa short ko. Ibinalik ko na ang balde sa dating ayos pagkatapos magsampay. Nag-inat ako para maibsan ang pangangalay ng likod ko at masakit ang masakit kong mga palad. Pati T-shirt ko, puro talsik na ng tubig.   Nagpalit na rin ako ng malaking t-shirt. Wala akong pakialam kahit na sabihin ng iba na para na nga akong anemic na hanger dahil sa maliit at payat kong pangagatawan Basta gusto ko lang maging kumportable habang nagpapahinga.   Huminto ako sa harap ng salamin ng kwarto ko para ayusin sandali ang sarili ko. Inilugay ko ang hanggang-balikat kong buhok. Tama nga ang sabi nila. Mukha na akong may lahing amerikana dahil sa maputi kong kutis at chestnut brown na buhok. Mukha akong manang kanina habang naglalaba pero ngayong naayos ko na ang sarili ko, mukha na ulit akong desente. I stared at my face contentedly ko na ang maliit kong mukha, makapal kong kilay, mahabang pilik-mata, at ang maliit kong labi at ilong.   Masarap magrelax 'pag pagod kaya naman, pinaandar ko yung laptop ko at nanood ng Kaichou Wa Maid Sama.   Napaubo si Misaki. Malamya rin ang boses niya, na para bang may sakit. Bahagya ring namumula ang kanyang pisngi dahil sa init na kanyang nararamdaman. At nung, nanghina ang kanyang mga paa, sinalo siya ni Usui at sinabi ang mga katagang: “Seeing you sick makes me worried,” at dahil dyan, namula lalo ang pisngi ni Misaki.   Napatalon ako nang bahagya nang tumunog ang message alert ringtone ng phone ko. Binagalan ko ang pag-shutdown ng laptop, pati na ang pagbibihis ng uniform. Ayoko pang bumalik sa school pero kailangan dahil sa biglaang meeting sa council.   That me-time was too short.   Pagpasok ko ulit sa school, napahinto ako sa tapat ng isang bagong tayong booth na hindi ko nakita kanina. My eyes lingered at its banner.   Bitter Brew Café. Naniniwala ka bang walang forever? Come and sip the bitterness of our coffee!   Akalain mong may nakaisip pala ng ganito? Amidst all the sweetness and cringeness of everything today, meron pa palang kakaiba. Hindi na kataka-taka na dumarami paunti-unti ang mga estudyanteng nagsa-stop over para magsulat sa freedom wall ng café.’ Business project siguro ‘to ng mga BSBA students.   "Magbe-break din yan. "   "Boyfriend? Mapapakain ka ba niyan?"   "Sakit lang yan sa ulo. Gastos pa!"   "February 14? Ano yun? Sorry, February 15 lang kasi nasa kalendaryo ko."   "Date -Date. Eh kamusta naman yung thesis niyo? Assignments? Paperworks? Projects? Date. ULOL. Magtipid ka nga!"   "Ang yayabang gumasta ng pera para sa date. Tignan natin kung saan ka pupulutin pag kinuha ni mama ang baon mo."   "Walang forever!"   "Walang happy ending!"   "Nauto ka rin ba ng s**t na pag-ibig?"   "Sa una lang yan masaya. Sa huli, dudurugin ka lang niyan sa sakit."   Iyan ang laman ng freedom wall. Every bitter comment that I read, is equal to my giggles.   Madali lang magpamember sa Bitter Club. Fall in love, then umasa ka, and then get yourself a heart ache. Then be eventually heartbroken tapos sisihin mo lahat. Lahatin mo lahat ng lalake o babae. Isipin mong pare-pareho lang ang ending ng lahat ng relationships! Tapos poof! Welcome to the club!   My club membership didn’t last long. It was only temporary.  Pain is like a coffee. It’s bitter to taste at first tries, and then, later on, the bitterness subsides. What’s left is you being awakened to the harsh realities of life, instead of relying to butterflies that we found at cliché fantasies.    Lumilipas ang panahon, umiikot ang mundo, at nagbabago ang nararamdaman natin. Walang permanente. Hindi sa pagiging bitter, pero walang forever maliban sa salitang pagbabago. Habambuhay na magbabago ang mundo, ang mga tao, pati ang universe.   Tingin mo, Pen-Pen, may darating kaya?   Hay. Para akong aning. Kinakausap ko nanaman ang sarili ko, as if may imaginary mental diary ako. But what could I do? I have no one to confide to. I can't let other people know. At hindi na kasi ako umaasang may darating pa. Malabo. Parang mata ko lang. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD