Entry#2

1456 Words
Nakakapagod maghintay. Palagi na lang. Nakakasawa rin. Parang tangang nakatunganga at naghihintay lang sa pagdating ng taong hindi mo alam kung darating pa nga ba o hindi na. Walang kasiguruhan. Pero bakit pa rin ako nagtiya-tiyaga? Nakakapagod daw antayin si the one. Pero para sa akin, mas nakakapagod hintayin yung adviser niyo sa thesis! Kanina pa akong ala-una dito naghihintay sa kanya para ipacheck 'tong chapter two at three namin pero hanggang ngayon, wala pa rin siya. Eh, anong oras na ba? Mag-aalas-tres na oh. Sige lang. Sabi nga nila, pag may tiyaga, may nilaga. Sabi ko naman, pag may tiyaga, makakapasa. Fighting! Wow. I managed to cheer myself up despite my stinging eyes. Tirik na tirik pa naman ang araw sa labas. I felt disgusted by the sticky feeling all over my skin pero di ko mapunasan dahil hindi ako nagdadala ng panyo. Baka maiwala ko na naman. Even if I am fanning myself using my handouts, the temperature is still burning high. Gusto ko na umuwi!  Gusto ko na matulog at kumain nang maraming-marami. I fiddled with my phone na ten percent na lang. Kanina ko pa’to pinaglalaruan. A message popped up. Ate Kath: anong sabi ni ma’am? I typed my reply: Wala pa. May klase pa raw sa senior high. But my heart beat dropped for a microsecond when the message was not sent. Oh. wala na pala akong load ulit. Okay. Dadaanan ko na lang siya maya sa laboratory para mainform . Among my three group mates in thesis, si ate Kath lang ang masasabi kong may pakealam. She would have been here only if she doesn’t have a duty. Unfortunately, she isn’t, that is why I am waiting here as a lone representative for our group-as always. Ibinulsa ko na lang ang cellphone kong low-batt na nga, wala pang load. Itinuon ko ang pansin sa mga dumadaan, inoobserbahan ang bawat galaw. I suddenly remembered that classmates of mine are seating beside me when she spoke with her chill voice. "Tagal naman ni sir!" naiinip na reklamo ni Ailou. Magkasama kaming nakaupo rito sa bench habang naghihintay na dumaan ang mga advisers namin. Papunta kasi sa faculty ng college namin ang lobby na ito. Lampas na ng dalawang araw ang araw ng kakornihan also known as Valentine’s day pero tanaw ko mula dito sa taas ang mga nakatayo pa ring booths. Mabibilang ko na lang sa daliri ko ang mga kapwa estudyante na dumadalaw doon. See? Isang araw na pakulo lang ‘yon. The next day, all the fuss about love is gone. The magical effect of cupid’s arrow and hearts has expired. Balik ulit sa normal ang lahat. "Oo nga. Dapat maka-defense na raw tayo sa first week ng March di’ba?" I agreed with Ailou. "Ha? Grabe naman. Bakit ang bilis?" Nanlaki lalo ang mga mata ni Arnaisa. Napapout na lang ako habang malungkot na tinatanaw mula dito sa malayo ang Bitter Brew. Gusto ko sana ilibre ang sarili ko ng iced coffee sa bitter brew. Pero naalala kong pamasahe na lang natira sa pera ko. I can’t even afford to pay for myself, much more to spend money for someone. Tipid ang mag-isa. Mabuti at sarili ko lang problema ko. "Kasi exam na natin sa third week ng march. One week before the exam bawal na magpa-activity eh. Yun ang rule ng school," pagpapaliwanag ko naman sa kanila. Lumukot ang mukha ni Arnaisa."Hala paano yan? Chapter one pa lang yung natapos namin.” "Ha?” napatanga ako. “Bakit chapter one pa lang? Ang tagal na niyan ah?" I asked in surprise kasi December pa lang pinasimula na kami with all these thesis stuffs. By January, nakahanap na ng adviser, nakapagsulat na rin kami ng proposal matrix, tapos chapter one. Ang bilis diba? Taking up B.A. Psychology is not that hard. Pero nagiging zombie apocalypse ang labas dahil sa napakademanding naming department head s***h thesis instructor na wagas makapag-set ng deadline. Payat na nga ako, mas lalo pa akong nagiging payat. Magnanakaw siya ng me-time. Napahikab ako. Nagugutom na rin daw si Ailou. Sumunod rin na napahikab si Arnaisa bago sinagot ang tanong ko. "Natagalan kasi kami sa paghahanap ng adviser." "Kung ako sa inyo, hati-hatiin niyo na yang trabaho. Ilan kayo sa grupo niyo?" ani naman ni Ailou habang may kung anong kinukuha sa bulsa ng laptop bag niya. Naglabas siya ng isang Rebisco na Honey flavored. Palihim akong napangiti. "Apat. Kagrupo ko sina Sheena, Wincelette, at Kaylene." "Asan sila?" tanong ni Ailou sa kanya habang ngumunguya na. "Gusto niyo?" pag-aalok ni Ailou sa amin ng biscuit. Umiling si Arnaisa. Pero ako? Hindi na ako nahiya pa at kumuha na ako ng isang buong crackers saka nagpasalamat na rin. Kapag binigyan ka, dapat tanggapin mo na. Parang nakaka-offend naman kasi sa part ng nagbigay na nag-offer ng kung anong meron siya wholeheartedly sa iyo tapos hindi mo tatanggapin? Nag-iba naman ng posisyon sa pagkakaupo si Arnaisa tapos niyakap niya ang maliit na sling bag niya. "Si Wincelette, nagpaprint pa. Sina Sheena at Kaylene, ewan ko. " "Hati-hatiin niyo para mas mabilis! Kailangan niyo makahabol. OJT natin ang nakasalalay dito." Oo nga. Tama si Ailou. Isa pa yan. Aasikasuhin pa namin ang OJT requirements namin kasi sa summer na ang OJT. Ang may bagsak ngayong sem, hindi papayagang mag-OJT. Walang puso pa naman yung department head namin. Bumuntong hininga si Arnaisa at tumingin sa malayo bago inilabas ang mga himutok niya. "Hindi naman kasi tumutulong yung dalawa. Hindi rin sumisipot. Daming rason. Naiinis na nga ako. Tapos nag-aaway away na kami. Sisihin ba naman kami na kami raw yung hindi gumagawa, eh nagre-reach out naman kami sa kanila. Sila yung ayaw maki-cooperate sa amin.” Isinubo niya ang huling biscuit bago nagpatuloy. “Wala nga akong tulog, matapos lang yung matrix namin tapos ganun? Di ko na talaga sila maintindihan.Pinipigilan ko lang talaga maiyak nung sinigawan nila ako. Sobrang naiinis na talaga ako sa kanila. Pinagpapasensyahan ko na lang." "Nako. Dalawang sem kayong magsasama. Kayanin mo kaya?" komento ko naman. Good luck sa kanila. Ako nga, nase-stress na eh, sila pa kaya? The more people you have in your circle, the more chances of betrayal and stress. If I could just turn back time, pipili ako ng ibang tao, o hindi naman kaya’y magi-individual na lang. Di bale nang ako lang mag-isa. I can do it. The only problem is the money. Magastos ang printing.   "Sus. Tanggalin niyo na! Nakakainis kaya yun. Unfair yan! Sa grupo nga namin eh. Tinanggal na namin yung dalawa. Puro kasi DOTA DOTA," pangungumbinsi ni Ailou. "Nagtanggal kayo? Edi tatlo na lang kayo?" gulat na tanong ni Arnaisa. "Oo. May dalawa pang vacant slots. Gusto mo, sa amin nalang kayo, Arnaisa?" pag-aalok ni Ailou. Akalain mo nga naman. Ang golden opportunity na'to para kila Arnaisa. Nag-isip si Arnaisa. Kinuha ni Ailou ang kamay ni Arnaisa at inuyog-uyog. "Sige na! Para lima na tayo. Ako, ikaw, si ate Wince, tapos si kuya Earl at ate Vanessa. Sige na. Go ka na. Lipat ka na bago mahuli ang lahat."  “Wag mo uyugin ang fats ko,” Pati ako natawa sa sagot ni Arnaisa. Bukod sa mas kasundo niya ang ugali nila Ailou kesa sa kina Kaylene at Sheena, interesting din para sa kanya ang topic nina Ailou. Ang thesis kasi nila Ailou ay tungkol sa mga sundalo at digmaan pero kailangan niya raw munang sabihin kay ate Wincelette. Nag-aalala rin kasi siya dahil baka magalit sina Sheena at Kaylene dahil naiwan sila. Pero kasalanan naman nila yun kasi. Deserve naman nilang maiwan. Kasi nga, grades na ang nakasalalay dito. Ang unfair naman di’ba na nagpapakahirap ka tapos iba yung nag-aani? Taken for granted ka lang palagi. "Andyan na si sir?" Hihingal- hingal na nakarating dito sa second floor si ate Wincelette bitbit ang isang kumpol ng mga papel. Iyon yata yung pinaprint niya sa labas. Bukod sa mataba siya, paikot na pakurba rin ang hagdan dito sa Admin building at malalaki rin ang distansya ng bawat baiting kaya di ko siya masisi sa tindi ng hingal niya ngayon. Siguro kapre yung engineer na nag-design nitong building? Just kidding. Okay, nagawa ko pang mag-joke ha. Nababagot na kasi ako. Umiling si Arnaisa bilang sagot. "Ahay.” Bumaba ang mga balikat ni ate.“Asan na ba si sir? Nalunod na ba siya sa sabaw?" Nagkatawanan at nagkakwentuhan kami hanggang sa dumating na ang adviser ko kaya nauna na ako sa kanila sa loob ng faculty. Nakakabagot maghintay mag-isa. Pero kapag may kakwentuhan ka, hindi pala. Masaya mag-antay kapag may kasama.         
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD