Entry#3

1414 Words
Chapter 2 and 3 of thesis. Finish writing RE reflection. Experimental psyc: ikot sa mga rooms, tally, solve, write results,ppt. Assignment in statistics, ecology, re, and major subjects. memorize the developmental tables! Quizzes, projects, reports.   Dyusko. Napatulala na lang ako sa mahabang listahan sa aking schedule organizer. Nanghina ako bigla. Ayoko na. Sa haba ng listahan ng mga gagawin ko this week, hindi ko kayang tapusin in just one swipe lang. Mahirap maging third year student. Daming majors na demanding tapos may mga minors din na akala mopamajor. Kung makademand rin eh, no? Dumagdag pa mga duties ko as a student leader. Oo nga pala, gagawa na ako ng mga liquidation report. Kailangang masimulan nang maaga kasi ayoko mag-cram sa march kung kelan signing of clearance na. Knowing the board members of our council, maraming late nagpapasa. Kung hindi pa kasi sasabog sang bomba hindi pa tatakbo. Dapat, habang malayo pa ang bomba, takbo ka na para more chances of survival. Ganoon din as a student. Pakiramdam ko hinahabol ako ng bomba na nagngangalang deadline. Hmm. Paano ko ba ito uumpisahan? Pinagmasdan ko muna ng ilang segundo ang scheduler ko bago nagdesisyon na thesis ang uunahin ko. Di pwedeng mabagsak dahil ayoko na umulit. Ayoko nang nakukulangan sa tulog kakasulat at kakaisip. Sawa na ako maghabol sa mga professor na kahit anong pagtatama sa mga mali mo, palagi pa ring may mali. May kulang, may sobra. Paulit-ulit. Never will I chase something or someone, especially if it’s not meant to be. Things will fall into their places, I believe. No need to be so desperate. I just have to do what I have to do. Kung di lang talaga kailangan, hinding-hindi ako maghahabol. The nerve of this thesis. I will make sure that once I finish this, hindi na ako uulit. I opened our group chat para ipaalam ang masamang balita.   Kath: Pen, anong balita? Penelope: Need daw i-revise yung Chapter two. Maraming corrections at kailangang idagdag. Kath:Saan ka ngayon? Penelope: Clinic area. Kath:Sige, susunod na lang ako. 6 pm pa kasi matatapos ang duty ko. Penelope: Sige, ate. Okay lang. seen by Baron, and Yna   Kath: @Baron @Yna, kayo nalang muna tatlo. Baron: May practice pa kami. Kath: Practice sa? Baron: Sa simbahan. Banda kami. Kath:ikaw @Yna?   Pumwesto ako sa isang vacant na picnic table malapit sa clinic area namin. Pinaandar ko yung laptop at nagsimula nang magbrainstorm mag-isa muna. Bakit kamo? Dahil si ate Kath ay isang Grant In Aid (GIA) student. Bale may duty siya ngayon at mamayang gabi pa niya ako masasamahan. Si Yna, ang legendary seener namin. She won’t explain herself unless kausapin siya sa personal. Hirap macontact dahil hindi raw siya pala-open ng messenger. Pero kitang-kita ko na nag share siya ng memes kanina. Tawang-tawa pa nga ako habang naghihintay sa adviser namin. Si Baron, lagi raw kunong busy sa church nila. Simbahan na lang pala ngayon ang internet shop. Maybe he sings praise and worship to his DOTA character. Hinilot ko ang pumipitik ko na namang sintido. Sumasakit na nga ang ulo ko iisipin ko pa sila? Bahala sila dyan. Gagawin ko na ito para may matapos na ako kahit papano. Kaya ko naman mag-isa. Natiis ko ang gutom hanggang sa natapos ko ang buong chapter one at ngayon, feeling ko lumulutang na yung ulo ko sa kakaisip kanina ng isusulat. Brainstorm nga. Literal na nagkastorm sautak ko. Ang masasabi ko lang, rest in peace, brain cells. May all of you resurrect well. Pinagmasdan kong muli ang document ng thesis namin. Kahit magkasabay na tumutunog ang tiyan ko, at pag-ikot ng ulo kong nilipad na yata ng hangin sa kawalan, nagawa ko pang ngumiti. Ako lahat ang nagsulat niyan. Ako. Tumunog ang bell nasinundan ng Angelus. Alas dose imedya na pala. It’s time to feed the jinjuriki inside my stomach. Um-order ako ng dalawang kanin, fried chicken na palagi kong ino-order, at turon panghimagas. Kailangan ko ng maraming energy ngayon. Di pwedeng madrain. I was savoring the meaty taste of chicken, kahit na hindi na crispy, I still munched it pretty quickly. Soon, naubos ko na ang lunch ko. Panghimagas na lang ang natira when someone approached me.   "Hi Penelope!" She waved at me.   "Hi ate J! Kain tayo,"sagot ko rin sa kanya tapos isunubo ang turon.   "Ikaw lang mag-isa?" tanong niya habang umuupo sa harap ko.   "Opo."   "Na naman?"She had that surprised look in her face. I giggled. I don’t understand bakit pa siya nagulat eh palagi nila akong nadadaanan sa ganitong set-up. Solong nakatambay sa isang sulok at may sariling business. "Wala naman po akong barkada rito."   "Ay, bakit naman?"   Ngumiti ako bago sumagot. "Wala lang."It's a very long story to tell and I think she is not the right person to talk to. We've only met because seatmates kami sa dalawang subjects tapos nagpapaturo siya sa akin lagi just like the others.   Whenever people need help, they call me, or chat me, or text me to seek advises, explanations, and other infos that they need. May iba nga, kilala nila ako pero di ko sila kilala. Siguro dahil active ako sa recitations atsaka sa council kaya ganon.   "Di ka ba nalulungkot na wala kang friends?"   "Hindi naman. Sanay na ako.”   Being alone does not mean that I am lonely. It's just that... basta. Hindi ko pa nakikita yung taong dapat kong maging kaibigan talaga rito. Pero maayos naman ang relationship ko sa mga classmates ko. I have colleagues and I am an active leader. Di naman boring since busy nga ako. Naka-survive ako sa three years ko dito sa college nang walang barkada talaga so, it's fine with me. That's the thing when you're an independent person. I can stand alone. Meeting friends would be nice, only if they are true and were compatible. But in this world full of plastics, it’s better to be alone than to have a bad companion. Bakit ko naman guguluhin ang tahimik na buhay ko? Joke. Hindi palatahimik ang buhay ko. Pero at least, hindi ako magdadagdag ng sakit sa ulo at ikasasama ng loob ko. Dinaldal niya lang ako habang tinuturuan ko naman siya. Umalis na rin si ate J pagkatapos dahil may klase na rin siya. Gabi na ako nakauwi sa bahay dahil may mga tinapos pa ako sa school. Wala kaming wi-fi sa bahay eh kaya dun ako sa free wifi ng university namin. At isa pa, ang laki-laki ng tuition namin eh.  Might as well avail it. 'Di ba?   "Oh. Ginabi ka na naman ng uwi?" taas kilay natanong sa akin ni mama. Kung makataas ng kilay, akala mo naman may nagawa akong kasalanan. "Hmm."My back muscles are strained, my eyes sting already and I am aware of my oily face and slightly disheveled hair. Sabik na ako sa malambot kong kama. Wala na akong energy magsalita pa. Shiz, maglalaba pa pala ako ng mga uniform ko. "Bakit ka ginabi ng uwi? Nagdate pa kayo ng boyfriend mo, no? Magsabi ka ng totoo!" Hala, boyfriend daw! Halos nauubos na nga ng pag-aaral yung oras ko, boyfriend pa? Saan niya yun nakukuha? Dyusko. Pinilit kong sumagot nang kalmado. "Nag-thesis kami, ma." "Wag monaitago!Pag nalamankongnagbo-boyfriend ka, ipapatigilkitasapag-aaral!"I wasn’t able to stop my eyebrows from furrowing. Something heavy inside my snapped unexpectedly. My chest became heavy from all the stress, exhaustion, and this unnecessary accusation is definitely the last ingredient to make me explode. Kumunot ang noo ko. "Wala nga, mama!"I shouted before I stormed inside my room and locked the door. Pagod na nga akotapos gaganunin pa’ko. I threw myself, face down at my bed. My sight was filled with emptiness, an avenue where I can throw all my raging thoughts.   Pen-pen, Hindi ko naalam kung anong gagawin ko kay mama. Nagpapakahirap ako sapag-aaral, halos hindi na akokumain at matulog para lang matapos yang lecheng thesis at mga requirements, tapos sasabihin boyfriend? Duh. Boyfriend daw, ano? Nanay ko praning.   Ilang beses ko bang sasabihin na WALA AKONG BOYFRIEND!   Date? Date with thesis, date with responsibilities lang ang meron. Sana naisip niya ang mgahirap ko sa pag-aaral, ano? Ito ba yung sinasabi nilang kapag only child, pampered? Alam mo naman yun di’ba?At kahit na may magustuhan man ako, o may mga nanliligaw naman sa akin,malabo pa ring magkaboyfriend ako. Kasi kung may pag-asa ako, edi sana, hindi ko naranasan yun.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD