7:54 am na ayon sa orasan ng cellphone ko. Partida, late pa’to nang five minutes. Nakalimutan kong i-adjust kahapon. Tinanggal ko muna ang sagabal na salamin ko sa mata at isinabit sa collar ng white blouse ko.
Nakasalubong ko si Marc Kenneth na papalabas sa South gate habang ako naman, kumakaripas na tumatakbo papasok. He freshly smiled at me but I never slowed down.
“Oy, ningning! Penelope!” he shouted for my name but I ignored him. I ran as fast as I can, focusing in shortening the distance between me and our classroom.
My hands were still shaking and my brain cells were not fully functioning yet when I reached my destination: The St. Louis Building Room 126. Nagsisimula pa lang akong makarecover mula sa pagtakbo. My heart beat is still racing pero pabagal naman na. Gamit ang kanang palad, pinunasan ko muna ang tagaktak sa pawis kong noo.
Pasimple lang akong pumasok sa klase. Okay. Nagsusulat pa si ma’am Joy sa blackboard. Yumuko ako habang mabilis na naglakad papunta sa upuan ko. Akala ko, walang makakahalata na na-late ako, pero mali.
"Good morning Penelope!" pasigaw na bati sa'kin ni Heidi. Nakalimutan kong may mga kontrabida pala akong mga kaklase.
Kailangan ba talagang ipaglandakan na late ako? May mata naman yung teacher namin at may beadle naman kami na nagche-check ng attendance. Papansin lang?
"Bakit ka late?" kungyari concerned na tanong ni Diana. Tignan mo nga naman. Birds with the same feather flocks together talaga.
Hindi nakaligtas sa mapanuri kong tingin ang mga ngisi nina Daisy at Jane na pawang magkakatabi. Oh, ano yon? Bakit may kasamang pagbulong pa?
“He-he.” Wala kang pake, ang gusto kong isagot. But I chose to smile instead. But my eyes automatically rolled once I got to my seat.
It’s not good to show my annoyance. “Kalma ka lang. Ang puso mo, Penelope,” I internally reminded myself.
Pinagpag ni ma’am Joy ang dalawang kamay niya at hinarap kami. “Lahat ng mga na-late, magsasample kayo mamaya, ha. Walang exempted,” she reminded us.
“Yes ma’am.”
Minarkahan naman ako ng late ni Mary, yung beadle namin sa subject na ito. Halos palagi naman talaga akong late. Hindi na kataka-taka iyon. Basta 7:30 am o mas maaga pa ang pasok, kahinaan ko talaga yan. Di ko yata kaya. Sumasakit kasi ang ulo ko kapag bitin sa tulog.
Mayamaya pa, dumating na rin ang seatmate kong si Arnaisa, kasabay si Gladys. Parehas lang kaming late pero mas madalas lang siyang uma-absent dahil umuuwi siya sa probinsya nila.
"Kanina pa nag-start?" tanong niya pagkalapag niya ng maliit niyang sling bag. Halatang nagmamadali siya. Ni hindi na siya nakapagsuot ng t'n dong at basa pa ang mahaba niyang buhok.
"Medyo. Late rin nga ako eh. Kopya ka na dyan." Shinare ko sa kanya ang notebook ko dahil di hamak na mas mabilis ako kesa sa kanyang magsulat.
Mabilis maglipat ng slides si maam eh. As much as possible kumokopya ako ng notes kasi minsan, late na ina-upload ng mga bruha kong classmates ang handouts. Mga tipong bukas yung quiz tapos iu-upload nila ng mga alas-dyes o mga hating gabi, ganon.
"Okay ka lang? Parang namumula yung mata mo," nag-aalalang tanong ko sa kanya.
"Ah. Wala yan. Nagpuyat ako kagabi,” sagot niya. Pero parang may mali. O ako lang ba yun?
"Kamusta Thesis niyo? Lumipat ka na ba?" tanong ko sa kanya habang mabilis na nagsusulat. Aba, multi-tasker 'to no.
"Oo. Mahirap din kasi talaga. Wala rin namang nangyayari kapag magstay pa kami doon."
My lips curved upwards. "Mabuti naman. Eh sina Kaylene at Sheena, anong sabi?"
"Nagalit sila sa amin. Basta." I didn't dig in for more information. I respect her naman. She looks tired and all tapos baka mas madagdagan lang stress kapag pinilit pag-usapan ang ayaw pag-usapan.
For a second. my heart sank to a suspicion. Where did it go? Suot ko lang yon kanina, di’ba? Did I put it somewhere and forgot? Hinalukay ko ang backpack ko, pati laptop bag. Imposibleng nasa expandable folder.
Saan kaya yon napunta? Ah, makakabalik pa yon, for sure. Hindi naman ako masyadong kinakabahan. Okay lang yan. Konting blur lang naman. Nakakakita pa naman ako.
We had an extra time before the bell rang. Ito na ang oras ng paniningil sa lahat ng mga utang naming late sa klase niya.
Pakisabi na lang na… mahal ko siya
As soon as she sang the “mahal ko siya” na part, lumukot yung mukha niya at nagsimulang tumulo ang mga luha niya. She trailed off and stopped singing the lyrics. Akala ko iiyak na lang siya habang tinatakpan ng palad ang mukha. Pero pinunasan niya ang mga luha at suminok bago nagpatuloy sa nanginginig niyang boses. Lumiliko na ang tono pero di niya alintana.
Di… di bale nang may mahal siyang iba
Pakisabing wag siyang mag-alala
Di ako umaasa~
Hinigit niya ang hininga, wari’y nabibigatan sa sariling pasan sa dibdib. Ilang ulit niyang Pinabalik ang mga tutulo sanang sipon. Pero tumutulo pa rin kaya hindi na namin alam kung tama pa bang kino-comfort namin siya habang tumatawa.
“Wag ka nang umiyak, Gladys! Okay lang yan,” one of our boy classmates cheered for her. Napangisi si Gladys pero balik ulit sa paghagulgol.
Alam kong ito’y malabo
Di ko na mababago
Ganon pa man pakisabi na lang~
“Gladys, nagbreak ba kayo?” Ma’am Joy asked the same question we had inside our minds. Why else would she bawl over a sad love song?
“Ma’am…” her voice cracked. “Kasi… ang sakit-sakit.” Everytime na pinupunasan niya ang pisngi niya, she shed tears some more. “Okay lang ako, guys,” she said after she finally managed to halt her tears. Pulang-pula na ang water line ng mata niya, atsaka pati nose and cheeks niya. At dahil natuwa si ma’am sa madamdamin niyang performance, siya ang nanalo. Binigyan siya ni ma’am ng pera pambili ng ticket for two. Makipagdate daw siya sa iba.
As if, replacing a person is that easy. As if, replacing a person’s significance in your heart is that easy one take medicine that will heal those pain, those sleepless nights. As if it would stop your eyes from shedding tears.
Heartbreaks are for people in love. Break-ups are for people in a relationship. And me, belonging to neither of those pains, means I’m freer from the chains of pain brought by attachments.
Napailing na lang habang nakacross-arms. Kawawa naman sila. Mabuti na lang, single ako. I don’t have to cry like that. I swear, I will never have to feel that stabbing sensation. Baka ikamatay ko na.
Pagkatapos ng klase, nakasabay ko sa paglalakad palabas sina ate Kris, ate Wincelette, Ailou, kuya Earl, at Arnaisa. Birthday daw ni ate Wincelette at nagkayayaan na magcelebrate mamayang gabi, sa boarding house nila Arnaisa.
“Alam niyo naman siguro kung saan ‘yon di’ba?” she asked. Everyone agreed except for ate Kris. “Ikaw, Pen?”
“Hmm.” I nodded. “Nakapunta na’ko doon.”
Ah, I remember the days. During our second year, I used to sit at the back, together with the shifters dahil iniiwasan ko sina Heidi, Jane, Daisy, at Diana. Dun ko siya naging casual na friend. Just a friend, but not close enough to the point that we’re always together. At times, we’ll hang out. Oftenly, we go separate ways.
"Si Wincelette, birthday, tatahimik lang! Wala man lang libre!" kantyaw ni ate Kris.
Ate Wincelette chuckled before she replied. "Wala na kasi akong pera, sis!"
Tinapik naman ni Kuya Earl ang balikat ni ate Wincelette bago binitiwan ang malupit niyang joke: "Ay Wince, wag ka na gumastos! Ile-lechon natin si Kris mamaya." Pagkatapos, humagalpak siya ng tawa kaya pati tuloy kami nahawa.
"Gago ka talaga ba! Sumbong kita sa girlpren mo ha!"
"Whatever! Dun ka nga! Porket birthday mo ngayon, ha. Gaganyan ganyan ka."
"Shh. Wag kang maingay, baka marinig ka nila. Kayo lang ang invited sa birthday ko mamaya. Ayoko ng maraming bisita."
"Ay, bakit naman sis?"
"Sabi kasi ni daddy, exclusive lang daw. Magagalit si daddy digong," pagbibiro pa ni ate Wincelette.
"Kapal ng fes!"
"Ayay! Sigurado ka na si daddy digong yan? Baka daddy dugong!" sabat ni kuya Earl.
"Bwisit!"
"Du-dugong…" Halos hindi na sila makahinga pero tuloy pa rin ang banatan at tawanan nila.
Maluha-luha habang nakahawak sa tiyan na komento ni Ailou. "Dabest ka talaga magjoke kuya Earl!"
Tahimik lang akong nakikinig sa kanila. Natatawa ako sa friendship nila. Hindi kasi sila nagpa-plastikan. Alam mo yun? Ang gaan nila kasama.
Ah, good old days. I silently smiled with the thought and silently hoped for that kind of relationship.
***
Hi, Pen-Pen!
Nakakapagod! Ang daming nangyari kanina. Umagang-umaga ay nabadtrip ako kina Heidi. Papansin much. Parang gusto kong takpan ng packing tape na lang yung bibig niya. Pero buti nalang, masaya kasama sina ate Wincelette.
Nga pala, birthday niya ngayon. Parang ang sarap na lang itulog yung lahat ng pagod. Pero kasi, parang masaya. Tsaka first time akong a-attend ng birthday ng classmate ko sa college.
Pero gabi na. Mahirap makasakay dito sa subdivision namin. Tapos, bente nalang yung pera ko dito. Uggh. I feel so conflicted.
Pupunta ba ako, o hindi? Help me, Pen- Pen!