Entry#5

2477 Words
After a few minutes of my internal struggle, nagdesisyon akong pumunta sa birthday party ni ate Wincelette. Feeling ko kasi, kapag hindi ako pumunta, pagsisisihan ko. I will miss something important in my life if I let it pass. Mabilis lang akong nagbihis ng panglakad. Pamasahe at cellphone ko lang ang dala ko. Bahala na. Sumugal ako na umalis kahit na gabi na at kaunti nalang ang dumaraan na tricycle dito sa amin. May mga makakasabay naman siguro ako mamaya sa pag-uwi. Kasama naman namin si Ate Kris. Sasabay nalang siguro ako sa kanya pauwi tutal magkapitbahay lang naman kami. Malakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa excitement. Para akong sira na nakangiti buong byahe. Buti na lang, wala akong kasabay sa tricycle. I internally chuckled with the thought. Naabutan kong inaayos nila Ailou at ate Vanessa ang HAPPY BIRTHDAY na mga letra sa pinto. Samantalang busy naman sina ate Kris at kuya Earl sa pag-arrange ng mga pagkain, plato at pinggan. Si ate Wincelette naman ay nagpapalobo ng mga balloons. Nag-uusap-usap silang lahat at nagtatawanan. "Surprise!" with all the energy sabay may pagtaas pa ng dalawang kamay na sabi ko pagkarating sa boarding house ni Arnaisa. Napalingon silang lahat sa akin. "Oh? Penelope!" gulat na salubong sa akin ni Kuya Earl. Malamang, hindi nila inaasahan na pupunta ako. Bilang na bilang lang sa kamay ang mga pagkakataon na sumasama ako sa mga outings ng mga classmates ko. Kasi naman, kadalasan hindi ako invited eh. Mukha lang akong walang hiya sa klase pero may hiya pa naman ako sa katawan ko 'no. Hindi ko ugali ang mang gate crash. Pero invited na ako this time, kaya pumunta ako. Kapag invited naman ako, puros naman inuman session o di naman kaya'y magastos o pupunta sila sa malayong lugar. ‘Di talaga kami magkakalevel ng wavelength ng karamihan sa classmates ko. "Himala, nakapunta ka, Pen!" ate Vanessa exclaimed. "Hi madam!" bati sa akin ni Arnaisa. Ever since we became close, tinatawag niya na akong madam. Pati rin si Ailou.   "Yudie!" "Hindi na nga sana ako pupunta kasi gabi na atsaka pamasahe lang talaga ang meron ako eh. Pero pumunta talaga ako para kay ate Wincelette," pagpapaliwanag ko. "Ayieeee!" Tinawanan ko ang panunukso nila sa’kin. Parang sira. “Thank you sa pagpunta, Pen,” “Pero wala akong dalang gift, ate Wince.” “Okay lang! Ang mahalaga, nandito ka.” At dahil napansin kong busy silang lahat, lalo na sina Arnaisa at Ailou, nag-alok na ako ng tulong. "Ano pa bang pwede ko maitulong?" Kakain lang, walang tulong, tapos uwi agad? Nakakahiya naman yun, no. Atsaka para may silbi naman ako dito. Tumulong na ako sa pagpapalobo ng mga balloons.Patuloy pa rin kami sa pagkukwentuhan at pagbibiruan nang may dumating na isang maliit na lalakeng hindi ko kilala. May bitbit siyang tatlong bote ng coke. Inilapag niya ang tatlong coke sa lamesa. Pinunasan niya ang mga tumatagaktak niyang pawis. Kumuha si ate Wincelette ng pera sa wallet niya at ibinigay kay kuya na hindi ko kilala. "Bili ka na lang rin ng lechon manok, Jigs. Tsaka eto ang resibo. Pakiclaim ng cake na inorder ko sa cakeshop." "Sige. Ano pa?" "Grabe ka naman, Wince! Boyfriend mo ba siya o utusan? Yung girlfriend ko nga, hindi ako ginaganyan eh," reklamo ni Kuya Earl. Natatawang sumang-ayon si ate Kris. "Kawawa naman si Kuya Jigs, kanina pa yan." "Slave ko yan," pabirong sagot ni ate Wincelette. At ang sagot ni Kuya Jigs ay: "Ganyan naman talaga siya. Sanay na ako sa kanya. Hindi niya kasi ako mahal." Pero tinaasan lang siya ng kilay ni ate wincelette. "Kiss!" Tumawa kaming lahat dahil sa pamumula ni Ate Wincelette. At mas lalo pa siyang namula nang bigla siyang hinalikan ni kuya Jigs sa pisngi at pagkatapos ay mabilis na nagpaalam saka tumakbo palabas ng gate. Kilig na kilig kaming lahat! Hindi namin yun ini-expect. Tili pa rin nang tili sina Ailou, Arnaisa, at Ate Kris. Napapangiti na lang ako nang malawak. Hindi lang mga couple ang pwede kiligin, no. Kahit wala kaming lovelife, posible namang kiligin para sa iba. "Eeeek!" panggaya ni Kuya Earl sa kanila. "Ganyan ba kiligin ang mga baboy?" Ang unang nagreact ay si Ate Kris. "Gago ka Earl!” Pinagpapalo niya si Kuya Earl ng plastic na kutsara. "Hala! Baboy daw oh! Hala!" panggagatong pa ni Ate Vanessa. Palibhasa parehas kaming payatot kaya hindi kami pasado sa kantyaw na iyon. "Lalaban ka sa amin? Tandaan mo Kuya Earl, isang tira ka lang, talbog ka na!" "Sorry lang. Wag na kayo magalit. Baka wala akong kainin. Masarap pa naman ang lech-” Hindi na natapos ni kuya Earl ang sasabihin dahil binatukan na naman siya ni ate Kris. Maya-maya pa'y dumating na rin si Kuya Jigs bitbit ang mga iniutos ni ate Wincelette sa kanya. Nagpicture-picture naman kami. Group photo ng mga magkakasama sa thesis- sina ate Wincelette, ate Van, Arnaisa, at Ailou. Tapos sumunod naman, kasali na kami ni Ate Kris. Si Kuya Jigs ang nagpicture sa'min. Syempre may couple picture rin silang dalawa. Ang dami nilang shots. Pero ang pinakamaraming shots ay ang selfie ni birthday girl. Nag-ala photographer pa kaming dalawa ni Ailou para maachieve ang magandang shots. "Mga madams, wag niyong sasabihin ha. Tahimik lang kayo tungkol sa amin ni Jigs. And please lang, walang pagpo-post ng pictures naming dalawa ni Jigs," pakiusap niya sa amin. Ipinaliwanag niya sa amin na highschool sweethearts pala silang dalawa na nagbreak at pagkatapos ay nagkabalikan nanaman. Ayaw niyang malaman ng parents niya na sila na ulit dahil ayaw niyang sisihin nila tita at tito ang boyfriend niya sa mga mabababa niyang grades. A piece of memory flashed. It was like I heard my mom’s voice from three years ago right at this moment. “Hihintayin mo munang mabagsak ka bago ka umayos? Alam mong hindi mo na mabubura yan. Kapag nakalagay na sa report card mo, ganyan na yan,” she glared at me. “Alam ko, ma.” Yumuko lang ako.  Ginawa ko naman lahat. I tried understanding Algebra. I even asked my classmate to teach me. But everyone’s busy. Our teacher taught three topics for one hour every day. Iba ang example sa mismong quiz at exam. Bobo ako sa math. So, ano pang magagawa ko? “Babawi ako,” I said in a low voice but with conviction. Whatever’s the case, I have to make sure that I’ll get the desirable result. Reasoning out to her doesn’t work. All she sees is the result. Not the process. Not my effort. Not my silent struggles. “May tinatago kang lalake?” “Ha? Wala, ma.” “Siguraduhin mo lang, Penelope. Siguraduhin mo lang. Dahil pag nahuli kita, wag ka na mag-aral. Ipapaasawa na lang kita. Tandaan mo yan. Hindi kita pinalaking mag-isa para lang magbulakbol ka, ha. Simula nang mamatay ang papa mo, halos hindi na ako matulog kakatrabaho, mapaaral ka lang. Wag mong sasayangin ang pera at panahon. At pasensya ko sa’yo. “   I feel for her. Whenever something bad happens, and when I fail to meet her expectations, the first suspicion is about my non-existent lovelife.     Nang matapos na kaming kumain, isunuot na ni Kuya Earl ang kanyang bagpack, at kinuha ang susi ng motor niya. "Mauuna na ako guys! Babye!" pagpaalam niya pa. Mabilis na naghugas ng kamay si ate Kris sa lababo at pagkatapos ay nagligpit ng gamit at humabol kay kuya Earl. "Huy sabay na ako sa'yo. Dyan lang ako sa may tulay malapit sa subdivision namin." "Kris! Please lang, maawa ka sa motor ko. Inutang ko pa ito sa girlfriend ko. Please lang." pabiro niyang tukso kay ate Kris. “Bwisit!" "Joke lang Kris. Sino pa ang gustong sumabay?" Naalala ni ate Wincelette na magkapitbahay lang kami ni ate Kris. Pero hindi ako sumabay. Ayoko pang umuwi. Gusto ko pang makipagkwentuhan sa kanila. Wala pa naman ang alas-nuwebe. Mamaya pa ang curfew ko. Hahaha. Susulitin ko muna ito, tutal, minsan lang naman. Marami na kaming napagkwentuhan tungkol sa buhay at sa totoo lang, mas naging close pa kami. Hanggang sa hindi namin namalayan ang oras. Eleven pm na pala! Kailangan ko na makauwi! Sigurado akong tadtad na ang cellphone ko ng missed calls at messages sa'kin si mama! Hindi ko man lang namalayan dahil low-batt na ang cellphone ko. Hindi kasi ako nakapagcharge bago umalis ng bahay. "Guys, kailangan ko na umuwi," pagpapalam ko sa kanila. Eotteoke? Mamayang alas tres ng umaga pa pala uuwi sila kuya Jigs at ate Wincelette sa boarding house nila. Hindi naman pwedeng umuwi ako sa alanganing oras, no? Mapapatay ako ng nanay ko. Praning pa naman yun. Sina ate Vanessa at Ailou, makikitulog sila dito kina Arnaisa kaya wala silang problema. Eh ako, wala akong kasabay umuwi. Uuwi akong mag-isa? O dito nalang ako matulog? Ngingiti-ngiting nagsuggest ni Ailou. "Dito ka na lang kasi matulog. Sige na!" Sumang-ayon naman si Arnaisa. "Oo nga. Babae ka madam. Gabing-gabi na oh. Hindi na safe. Wala ka pang kasabay." "Maiintindihan naman siguro ni mama mo?" tanong ni ate vanessa. Napaisip ako. Hindi ko alam kung papayag ba si mama. Napakaunpredictable kasi niya. Naalala ko yung time na pinagsleep-over niya ako sa bahay ng bestfriend ko nung bata pa ako. Pero ngayong malaki na ako, kahit dyan sa kapitbahay ayaw niya akong patulugin. Kesyo may bahay naman raw kami. So, hindi ko talaga alam. "Tawagan mo si mama mo, madam." Ang kaso... "Wala akong load eh. Atsaka lowbatt na rin ako." sagot ko sa kanya. Iniabot sa akin ni Arnaisa ang cellphone niya. "Oh, tawagan mo na si tita." Muntik na akong hindi payagan ni mama. Pero mabuti nalang, nakumbinsi ko siya dahil may point nga naman na gabing-gabi na. Nabulyawan niya pa ako dahil hindi ako umuwi nang maaga, pero ayos naman dahil puro naman babae ang mga kasama ko. “Hello, ma? Naki-birthday ako. Kay ate Wincelette. Sina Arnaisa, Ailou, ate Wince, ate Vane—” “Hello po, tita!Good evening, po!” Parang kambal, sabay na bati nina Ailou at Arnaisa. Iniabot ko ang cellphone kay Ailou. I eyed her and mouthed: “Ikaw na bahala. Please.” She then thumbs up and I smiled to thank her.   Alam kong hindi makakatanggi si mama kapag ibang tao ang nagpaalam para sa'kin.  Kaya naman, napapairit talaga kami sa tuwa. First time kong magsleep-over kasama ang classmates ko. XXX Grabe no? Iba talaga ang nagagawa ng three am thoughts. Gising na gising pa rin ang mga diwa namin habang nag-uusap tungkol sa mga hugot at problema namin sa buhay, sa mga issue tungkol sa mga kaklase namin. Pasado alas-kuwatro nang umaga napagdesisyunan nina ate Wincelette at kuya Jigs na umuwi. Grabe din. Paano ba nila nagagawa yun? Never pa akong nakauwi sa ganung oras. Eh, makalagpas alas-nuwebe nga lang ako, hinahabol na ako ng tingting ng nanay ko eh. Hahaha. Nagligpit na kami ng mga pinagkainan tapos pumasok na kami nina Ailou, at ate Vanessa sa kwarto ni Arnaisa. Maliit lang ang kwarto niya. Isang double deck na kama, isang CR sa loob, tapos may kaunting espasyo lamang na sasalubong sa'yo sa pinto. Nakaupo ang isang malaking Garfield na stuff toy sa maliit na plastic chair na mas lalong nagpasikip sa lugar. Mahal na mahal niya talaga si Garfield. Yan yung binili naming noon nung first ever bonding namin at noong nagsisimula palang kaming maging close. Marami rin siyang mga gamit na pinagkasya na lamang niya sa ilalim ng kama, ang iba sa itaas na bahagi ng double deck. "Pasensya na, makalat kwarto ko." "Okay lang. Makalat rin naman ako eh," sabi ko sa kanya. Umupo si Arnaisa sa inilatag na foam ni ate Vannessa. Samantalang tabi naman kami ni Ate Van matutulog since parehas naman kaming payat kaya kakasya kami dito sa kama.   Beautiful of only eighteen she had some trouble with herself~ She is always there ... But she always belonged to someone else~   Bigay todo sa pagkanta si Arnaisa habang nakatutok sa screen ng kanyang cellphone. Bossa nova ang paraan niya ng pagkanta pero lumiliko pa rin yung tono. Gayunpaman, feel na feel niya pa rin ang pagkanta habang papikit-pikit pa ng mata at nagse-sway ang katawan. Ano ba yang ginagawa niya? Sumilip ako sa cellphone niya. May mga lyrics na nakaflash habang may nakasunod na color dito. May mga points rin na lumalabas sa tuwing matatapos niya i-hit ang mga tono.   I don't mind spending everyday~ Out on the corner of the pouring rain~ Look for the girl with the broken smile~ Ask her if she'll stay for a while~ And she will be loved~   Nakising-along na rin kami nina ate Van habang nagbabasa ng w*****d sa cellphone. Favorite pala niya yung mga ganyang kantahan. Si Ailou naman, tahimik na nagso-scroll lang rin ng kanyang cellphone. Nilalamon na naman siya ng w*****d. Patawa-tawa pa tapos minsan sisimangot. Inilabas ni ate Vanessa ang baon niyang uniform. "Excuse me. Makikiplantsa ako." pagpapalam niya kay Arnaisa na nakapwesto malapit sa saksakan. Nagcha-charge kasi siya ng cellphone habang nagvi-videoke. Ipwinesto ni ate Vanessa ang kanyang damit at sinimulang i-atras-abante ang plantsa. Pero nagtaka siya nang hindi pa rin nawawala ang mga gusot. "Oh? Nais, sira ba'tong plantsa mo? Hala paano na'to bukas?" At nagsimula na siyang magluksa para sa gusot-gusot niyang damit. Huminto ni Arnaisa sa pagkanta at tiningnan ang kanyang plantsa."Madam Van, paano gagana eh hindi mo sinaksak?" "Ay!" ate Van bursted then into a laughter nang marealize niyang nagkaroon na naman siya ng isang lutang moment. "Ayan! Tanga talaga, oh. Hay nako. Strike two ka na ha? Kagabi ka pa." "Madam... hahahaha... Ailou! hahaha." tawag ni Arnaisa. Parang hindi na siya makahinga at makapagsalita kakatawa. "Oh?" takang tumingin si Ailou kina ate Vanessa at Arnaisa sa baba ng double-deck na kama. "Si madam van, nagplantsa, pero hindi sinaksak!” She reported but laughed hard before she continued. “Wait, chat ko si Wincelette." Ang sakit ng tiyan ko kakatawa! Grabe. Laughtrip talaga! Hindi lang iyan. Ibinulgar rin ni Arnaisa ang isa pang katangahan di-umano ni ate vanessa. Nakinig raw siya ng music sa earphones pero yung earphones hindi pala nakasaksak! Hay nako! Bangag na bangag lang talaga. That fateful night ended with us, our eyebags, reddish eyes, and a smile on our face.   Dear Pen-Pen, Masaya ako. Masayang masaya. I felt the genuine love of friends. Friends I never had in my college life. Hindi ko aakalain na ang isang simpleng desisyon na pagpunta ko rito, ay ganito kalaki ang magiging epekto sa pagkatao at nararamdaman ko. Ito ang klase ng pagod at puyat na hindi ko pagsisisihan kahit kelan. Babaunin ko ang ala-alang ito, kasama ang mga bagong espesyal na tao sa buhay ko. Salamat. Good mornight! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD