Entry#10

1541 Words
Tapos na silang mag-order ng lunch pero ako, tulala pa ring nakaupo dito sa canteen. Iniwan nila ako dito dahil nagdala ako ng baon. Nakita ko sa peripheral view ko na inilapag na nila ang kanilang mga inorder na pagkain. Magkatabing umupo sa harapan ko sina ate Van at ate Wince. So, malamang yung umupo sa magkabilang gilid ko ay sina Ailou at Arnaisa. Biglang may dumukot ng isang buong steak sa plato ni Arnaisa. Sobrang puti at chubby-ng lalaki. Makapal ang kilay niya. I must admit that everytime nakakasalubong ko siya dito sa Campus, napapatingin ako. Yun nga lang mas pula pa ang labi niya sa’kin. Nakablush-on pa. “Madam Benny! Ang Beef steak ko,” naghihinagpis na baling ni Arnaisa. Para siyang bata na inagawan ng candy. “Gutom na’ko.” Full force na kunot ang kanyang noo at nakatikom ang kanyang labi. Hindi ako nakagalaw sa kinauupuan ko. I can sense a dark aura coming from her. Benny did not seem to mind her. Nginuya niya nang mabuti ang buong beef steak.  “May isa pa naman dyan, no. Tsaka FYI, hindi ka gutom. Patay gutom ka, dai.” He licked his left thumb and satisfyingly said, “Sarap. Thanks, sa libreng steak!” tapos humalakhak siya.   Inilipat ni ate Van ang steak niya sa plato ni Arnaisa. “Madam, Nais, sa’yo na lang. Ayoko na.” And just like that, Arnaisa’s frown and dark aura subsided. She started eating with gusto again. “Maliligo daw tayo sa birthday ni Noy, sa linggo,” he informed her. They discussed their plans while we just continued munching our lunch. I don’t understand a thing when he spoke something using their maguindanaon language. Uuwi rin naman daw si Arnaisa sa Friday sa city nila. Hindi siya papasok sa Friday. “Babuuu!” Rumampa na si Benny palabas ng canteen and waved his hand at us. Bumuntong hininga ako. Malalim. "O, okay ka lang?" nag-aalalang tanong sa'kin ni Ailou. "Hmm," mahinang sagot ko naman. Kailangan ng jowa. Fifty points. Assignment. I feel so… helpless and alone. "Nastress siguro yan kakaisip ng assignment sa Social Psyc. No? Di'ba no?" komento ni ate Van habang finaflat yung kanin niya at nilalagyan ng sabaw ng bulalo. "Grabe naman yun si ma'am. Ano ba trip niya? Tinotopak na naman siguro siya," komento ko saka sumubo ng kanin. Buti na lang, masarap magluto si mama. Kahit papano, naiibsan ang pag-aalala at pagkainis ko sa ngayon. "Pen, may crush ka ba?" Hindi ko sinagot ang tanong ni ate Wincelette. Tinitigan ko lang siya. Oh eh, anong konek ng crush ko dito, kung meron man? "Crush. Wala," I answered her before munching my fried chicken. "Aysus! Bakit? Pen hindi naman masama magkacrush. Try mo rin minsan no? Teka, tao ka pa ba?" Bigla akong kinontra ni Arnaisa. "MERON YAN WINCE! MERON! Wag kang sinungaling dyan, Penelope Marie." "Huh? Totoo naman ah. Walang gwapo dito sa campus na type ko eh, bakit ba. Yung iba kuya, yung iba taken..." And whatsoever reasons. I could enumerate all the reasons that I have pero nah, I'm too stressed right now to discuss that. It's not that important.   "Hmp! Wag ako! Anong tawag mo kay MARC—" Bago pa man maisigaw ni Arnaisa ang buong pangalan ni Marc, natakpan ko na ang bibig niya. Naalala pa pala niya yung kwento ko sa kanya noon? Minsan ko na ring naikwento sa kanya ang masalimuot kong one sided love story. Buti pa yung lovestory ko natatandaan niya. Samantalang yung iba naming nirereview kinakalimutan lang niya! Naku talaga. "Nais, hindi ko siya crush.” It’s deeper than that. "Sino yan?" "Anong nangyari? Sige na, sige na. Kwento mo na!" "Kilala niyo ba si Marc Kenneth Fariolan?" Sinawsaw ni ate Van ang bola-bola niya sa ketchup. "Marc Fariolan. Di'ba officer yan sa College of Education?" "Yep. Correct ate Van. Siya ang Vice Governor ng CED ngayon." "Yung maputi at maliit na lalake pero gwapo? Hala! Siya?" hindi makapaniwalang saad ni Ailou. Gusto ko sanang umangal dun sa gwapo na part. Pero I'm not gonna deny na gwapo naman talaga siya. Kaya siguro ang angas minsan at akala mo kung sinong makapantrip sa'kin. I particularly noticed his long, curved eyelashes, milky white skin, pinkish lips, matangos na ilong, at malinis niyang pag-aayos. Neat and clean ang bwisit kaya wala akong masabing masama about sa physical appearance niya. Ako yung dugyot nung high school, at haggard naman minsan kahit na ngayong college. All this time, ang hinahanap ng buong klase na love interest ko ay nandito lang pala sa paligid nila. Hindi lang nila alam, kasi di naman nila kailangang malaman. Kung nalaman ng mga chismosa kong classmates yon, edi hindi ako nakamove-on kay Marc! Hobby nila mang-asar eh. Di makaintindi ng salitang: MOVE ON. Gaya ng ginagawa nila kina Rose at Keith. Break na yung dalawang yun. Pero inaasar pa rin sa isa't-isa hoping na magkabalikan sila. Ang hilig nilang balikan ang nakaraan. Yung nakaraan na wala namang patutunguhan. May future naman at present, so I think hindi tayo dapat nagde-dwell sa past. "Yep. Truth to be told, there is nothing great about our story. Wait, wala nga palang kami. Basta yun. Nahulog ako sa kanya. Akala ko, ganun din siya. Pero hindi. Kasi nahulog pala siya sa iba." "Ayy, ang sad naman. We're here for you madam." Tinapik ako ni ate Wince sa balikat. "Okay lang yun. Nakamove-on na'ko, no. Tsaka hayaan mo na siya. May girlfriend na yun,” sabi ko naman sa kanila. "Oh? Sino?" Kibit-balikat lang ang naisagot ko sa mapagtanong na mga mata nilang lahat. "Hay, sayang! Alam mo, bagay pa naman kayo. Nung nakasalubong natin siya sa office, kinilig ako sa inyo. So, paano yan? Ano na ang gagawin natin?" Kinilig. Yeah. Some people also shipped us. But wala namang nangyari. Flirt lang talaga yun kaya dapat hindi magpadala sa mga pagpapakilig niya. "Sana makalimutan ni ma'am." Sininghalan ni Arnaisa si ate Van. "Asa ka pa. Kahit matandang dalaga yun, mas matalas pa ang memorya nun sa'tin! Nakamemo plus gold yata." Bumalik na ako sa pagkain pero habang sumusubo ay nag-iisip pa rin ako ng paraan. There has to be a way. There has to be a loophole behind everything. Then an idea strucked me. "Alam ko na! Umabsent nalang tayo sa Wednesday. Sabihin natin may sakit tayo para maexcuse tayo." I laughed at my own idea. Natawa rin sina Arnaisa, ate Wince, at ate Van. WALEY YUNG SUGGESTION KO. "Gagu! Hindi pwede! May points yung attendance!" Ailou exclaimed. Oo nga pala. Hay, paano naming mga single lulusutan tong lecheng assignment na ito? Yoko na. "May mga kaibigan kayong lalake?" tanong ni ate Wince. "Gawin niyo nalang silang jowa sa Wednesday. Isang araw lang naman. Kungyari lang, ganon. Pampipti points lang. Go na kayo." "What? Ano yun, w*****d lang ang peg? Hindi tayo character sa w*****d, no. Nasa real world tayo. Sinong hibang ang papayag dyan? Tsaka eww, friend ko, gagawin kong jowa? Can't imagine that. Kadiri," sabi ko sa kanya. No way I'm gonna do that. Napakacorny. Arnaisa second-handed my opinion. "Ako rin. Hindi ko kaya. Atsaka sinong jojowain ko, si Benny? Eh mas maganda pa yung baklang yun sa'kin! Hayaan nalang natin yun. Kung i-zero niya tayo, edi zero. Bawi nalang tayo sa next quiz o di kaya sa exam. " "Nire-require tayo ni ma'am na magdala ng boyfriend. Pero siya may boyfriend ba? Kaya doncha worry mga madam." The realization dawned on me. So, I worried for nothing? I wasted my energy. Dapat ang iniisip ko ay ang pag-comply ngayon sa iba pang mga requirements. Niligpit ko na ang baunan ko pati kutsara at dali-daling hinablot ang scheduler ko sa bag. Ailou licked her lips. She then lifted her head from reading her something phone.  “Uy,opening daw ngayon ng Gryk’s Foodhouse! Game?” “Di ako makakasama. Kayo lang. May pupuntahan pa kasi ako.” “Saan?” “Dun sa dati kong school. Magsu—survey lang ako para sa participants ng research namin.” “Saan yan? Maganda dun? Sama na lang kami sa’yo.!” Humalakhak ako sa sagot ni Arnaisa. Basta talaga galaan, ang bilis. Fine, she must be curious since she’s not a locale here. “Oo! Tour mo kami dun, ha.” “Sige.” bumaling ako kina ate Van at ate Wincelette. “Kayo?” Kumunot ang noo ni ate Wincelette habang umiiling. “Masakit ang puson ko. Papasundo na lang ako kay Jigs pauwi.” “Uuwi na’ko. Kawawa kasi si Snow ko. May sakit,” ani ate Van. “Aww. Parang gusto ko na lang maging pusa ni Vanessa. Tapos papatulugin niya ako sa kama with merienda always.” Tawa nang tawa si Arnaisa pati na rin kami.  Pagkatapos magligpit, kaagad na tumayo si ate Vanessa at nagpaalam. Talagang nagmamadali. Sabagay, malayo sa city proper ang bahay nila. Natanaw kong papasok sina ate Lyca at Marc na nakangisi as usual kasama ang buong squad nila sa CED council. “Tara na,” yaya ko kina Ailou at Arnaisa. “Bye, ate Wince.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD