Entry#11

2688 Words
Sabi ng kanta, masaya raw ang highschool life. Sa sobrang saya, mapapaluha ka kapag graduation na. Nagoyo yata ako sa part na ‘yon. “Good Afternoon po, sir. Andyan po basi ma’am Estrabon?”tanong ko sa lalaking guro. Namumukhaan ko siya. Isa siya sa mga nakakasalubong kong guro dito noon sa school pero hindi ko alam ang pangalan niya dahil hindi ko siya naging teacher sa kahit ni-isang subject. “Ah, nag-ikot pa sila sa mga classrooms,” sagot niya. “Pakihintay nalang siya.” “Sige po. Thank you.” Kaagad niya akong tinalikuran at nagtungo na palabas ng Guidance Office. I made myself comfortable with the wooden bench at the Guidance’s receiving area. Sumunod naman ang dalawa at naupo na rin. Dinampot ko ang mga lumang magazine sa wooden table at pinagbubuklat iyon habang naka-dekwatro. “Wow. Kumportableng-kumportable, ah. Madalas ka dito noon, no?” sabi ni Ailou nang may kakaibang ngiti. “Di, ah. Pumupuntalang kami dito kapag enrollment. Tapos kapag signing of clearance. Atsaka kapag may announcements sa entrance exams.” Walang matinong estudyante ang gugustuhing maipatawag sa guidance. Akala kasi may kasalanan sila o nakikipagbasag-ulo.  Partly correct. But it’s a wrong generalization. Malikot ang mga mata nilang dalawa. Kung pwede lang sigurong i-tour sila sa loob ng opisina ay ginawa ko na. “Ang bait naman ng mga estudyante dito. Ay, except palasa’yo!” pang-aasar ni Arnaisa. Mapang-asar rin akong ngumiti sa kanya. “Sinabi ko bang mabait ako? Kayo lang naman ang makakapagsabi kung mabait ako o hindi. Dahil kaibigan ko kayo.” For a while, we went quiet, minding our own business. Arnaisa’s with her Iphone again. Ailou’s staring at the picture frames of the principals. Ako, lumipat sa pagbabasa ng mga school newspapers. Buti pa ‘to, latest. I nodded satisfyingly. Si ma’am Mailanapala ang adviser ng The Recorder. Bago rin ang adviser ng Ang Tagatala. In fairness, ang gagaling ng mga student writers nila. “1915? Grabe.” Napa-angat ako ng tingin kay Ailou. Her mouth is slightly ajar. “1915?” I reiterated. I squinted my eyes and tried reading the thing where her eyes were fixed pero di ko makita. “1915 namuno ang first principal niyo. Ang tagal na pala nitong school niyo.” I smiled. Amazing, isn’t it? Libo-libong mga bata na ang nakapagtapos sa paaralang ito. Ibig sabihin, mayroong higit libong mga ala-ala at kwento ng masayang high school life ang nasaksihan ng eskwelahang ‘to. Kasama na ako doon. “Yes. Ganun nakatanda ang school. Kaya maraming kwentong kababalaghan dito.” I leaned forward towards them and raised my brow. “Gusto niyo, dun salugar kung saan maraming namatay? Namatay na puso.” Pinalo ako ni Ailou habang di maawat ang kanyang tawa. “Bwisit ka talaga! Huwag na!” “Yes, dear? Anong sadya nila?” Our laughs turned into small smiles. We quickly straightened our backs and greeted the one that I have been waiting for. “Good afternoon, ma’am!” Petite na babae siya in her fifties. Hanggang panga lang ang buhok na namumuti na. Her eyebrow raised along with an amused smile. “Oh. Ms. Barluado, napadalaw ka?” I didn’t expect na makikilala niya pa ako. Hindi naman ako suki ng guidance. I didn’t even graduate with flying colors at our batch’s special curriculum. “Ah, opo ma’am. Magsu-survey lang po sana kami para po sa Thesis namin. And hihingi po sana ako ng listahanng mga Grade 9 and Grade 10 students for this school year.” “Saan ka nag-aaral ngayon?” Napangiti ako nang wala sa oras. She has many questions. Where am I studying? What’s my course? Who are my companions? At ang ganda ko raw. Meron ba daw akong boyfriend? I wanna escape now and just get straight to the point but I can’t. Ako ang may kailangan dito. “Halika, pasok,” anyaya ni ma’am sa akin. Hampas ng nakakapanindig balahibong hangin ang sumalubong sa akin. Kulay green ang pintura ng dingding at sa kanan kung nasaan ang bintanang jealousy, doon nakadikit ang wooden table na may dalawang wooden chair sa harap. Umupo ako sa kanan habang iniikot ng mga mata ko ang opisina. Maraming libro at folders na magkapatong sa lamesa. May dalawang malaking babasagin na flower vase sa corners, at may nakakabit na vision mission ng paaralan. “Maganda ‘tong research niyo. Alam mo, maraming mga bata ang nade-depress ngayon. Maganda itong intervention na gusto niyong i-research,” komento niya matapos kong ipaliwanag ang detalye ng research namin.  “Oo nga po, eh. May mgaganito po ba dito?” “Iyon na nga ang mahirap. Masyadong marami ang estudyante. Kaunti lang ang counselors. Isa pa, hindi rin nagre-reach out ang mga estudyante. Paano naming sila matutulungan?” I nodded. “Oo nga po, eh.” How can you help if you don’t know exactly who to help? I can’t stop myself from shaking my leg. Pasimple akong tumingin sa aking cellphone. It’s already 2:30 pm. Thirty minutes na, pero nagkukwento pa rin si ma’am. Wala akong magawa kung’di ang ngumiti at maghintay na matapos siya sa pagsasalita. Sa isip ko, kanina pa ako nagpapaalam pero nanatiling frozen ang mga salita sa bibig ko. Buhay pa kaya sinaAilou? “Eh saan ka pagkagraduate mo?” “Ah…”Kinapa ko sasarili ang gusto ko. “Di ko pa po alam. Since this summer pa kami mago-OJT. But Clinical Psyc is interesting.” “Apply ka dito. Kailangan namin ng guidance counselor.” I licked my lips. “Totoo po? Susubukan ko. Pero siguro pagkatapos na ng masteral at board exam sa guidance.” This is it. I felt that this is the right time to say goodbye and to remind her about the list that I need. “Sige po, ma’am. Salamat po. Ay, yung list po pala?” And then she handed me the list containing the sections, advisers, and corresponding room number. XXX Bahagya akong napatakip ng tenga sa ingay ng mga estudyante. May mga nakaupo at naghahagikhikan. Meron ding mga lalaking naglalaro ng kick. I smirked. Mabuti na lang wala pang teacher na sumisita sa kanila. Sa panahon namin, bawal maglaro ng kick kapag wala ka sa field. Delikado kasi ang bakal na part no’n kapag naglanding sa tao. Just like that time …. Naramdaman ko ang pagdikit ni Arnaisa sa’kin habang nilalakad namin ang pahabang semento na siyang napapagitnaan ng dalawang Gabaldon building na gawa sa kahoy. “Hmm?” Sa ilalim ng lilim ng mga higanteng puno ng narra. Dinama ko ang marahang hanging humampas sa aking pisngi. Sumayaw ang mga sanga at dahan-dahang nagsipaghulugan ang mga dilaw na dahon. “Madam, ang daming students...” Humalakhak ako sa kanyang reaksyon. Indeed, my alma mater is a huge high school. Nakakalula ang dami ng mga mag-aaral taon-taon. Ang minimum na number ng estudyante sa isang classroom ay fifty. Kadalasan, sumusobra pa. Hindi naman pwedeng i-limit ang enrolees dahil gobyerno ang nagpapatakbo nito. Mahirap o mayaman, welcome dapat lahat. Just like that time it was also a sunny day. But the wind blew upon our faces under the shade of the tree, witness to the falling yellow and brown leaves. And once upon a time, we were those noisy and naïve highschoolers. ~~~ “Aray! A…a…” daing ko nang may matigas at malamig na bagay ang tumama sa tuktok ng ulo ko. Napaupo ako habang sinasapo ang kaliwang bahagi at hinilot-hilot ito. “Sorry, Pen! Okay ka lang?” ani Harold, dati kong kaklase. Nilipat kasi ako ng section. Nakangiwi pa rin ako sa sakit pero pinakalma ko ang sarili. “O-oo.” Nakarinig ako ng malutong na halakhak. Sinamaan ko ng tingin ang walang hiyang Marc Kenneth! Aba, wala man lang pake? Mas lumakas pa ang tawa niya nang magtama ang mata namin. Tinuro-turo pa’ko at ginaya ang reaksyon ko kanina. Sino ba siya para tawanan ako? Wala namang nakakatawa! Baliw! Kabwisit. Tinalikuran ko sila at pumunta sa designated bench na pipinturahan ng grupo namin. Since tapos na akong maglagay ng grids para sa dama board, tapos na ang parte ko. Hindi ako maalam mag-paint kaya pinanood na lang namin sina Leslie at Myne. Black and red ang kulay ng tiles. Tama lang yon dahil mickey mouse ang napili naming design sa gilid. “Hoy, boys! Tutulong kayo sa project, o hindi?” sigaw ng taga-kabilang section. Girls ang nagbubuhat ng sako sa kanila. Pati ako, ay napapailing. Project ng buong section nila yong pa-infinity bench na gawa sa sesementuhin na plastic bottles.  Lumapit naman ang mga boys at tumulong sa paghahakot. Nakakasawa tumitig sa mga nagpipinta. Wala na rin akong maitulong dito. Tumayo na lang ako at naglakad na paalis. “Oy, Penelope,” tawag niya sa’kin pero di ko siya pinansin. My face remained stoic. The image of him laughing at my own demise, and his laughter are still fresh. “Oy. Sa’n ka?” I gritted my teeth. Binilisan ko ang paglalakad. Wish ko, makarating na ako ngayon din.  “Penelope, Penelope. Sa canteen ka?” Bakit parang lumalayo ang classroom? Hindi naman ‘yon gumagalaw, ah. “Pen!” I caught my breath. May kumakabog na sa loob pero determinado akong makalayo. Ang kulit! “Ningning! Agnas!” “Ano?!” sigaw ko sa kanya. Lumingon ako pero full force glare at kunot noo ang binigay ko sa kanya. I am not supposed to entertain him but I am so irritated by his smirk, and his mischievousness. Minsan kasi, wala sa lugar. Nakaka-insulto at nakakasakit. At balewala lang sa kanya. Kinabig niyang bigla ang ulo ko papunta sa kanya. Napayuko ako nang patagilid. A manly scent rushed and it’s undoubtedly from him. Gusto kong magreklamo pero hindi ko magawa. Tongue-tied.  What is this jerk doing? “’Di naman pala bumukol,” komento niya. Ang tahimik. Sa sobrang tahimik puro lagabog na nanggaling sa loob lang ang naririnig ko. I pulled my head away and rolled my eyes. “Sira ulo ka ba? Paano kung nagkablood-clotting pala sa loob?” tapos mamatay ako bigla? The thought horrified me. He just smirked at me and walked away. “Praningning,” bulong niya pero narinig ko pa rin. Arggh! Bwisit ka talaga Marc Kenneth! Sarap niya batuhin ng sapatos. ~~ “Mas marami pa yan. May klase lang yung iba. Meron pa dun sa likod. Marami pang buildings.” “Ha? Grabe!” “Yes. Ganun talaga. Comprehensive High School, eh. One of the top schools dito sa city and with no doubt, the number one public high school ng city. Alam niyo ba na hakot award sa mga competition ang school namin? Pambato rin kami sa mga national and international na events,” pagmamayabang ko. “Wait, di’ba public school din kayo?”  Ailou nodded. “Sa SNHS ako grumaduate.” Nanlaki ang mga mata ko. “Talaga? Di’ba kayo yung nanalo sa Mass Dance Competition last year?”  SNHS wasn’t well known here. Maybe in their local municipality, but not in the whole province. Lately lang nagsimulang maging matunog ang pangalan ng school na ‘yon dahil sa ilang pagkapanalo. “Hmm! Ang galing, no? Nakakaproud lang talaga. Isa din sana ako sa mga nanalo ng cash prize. Kung bakit ba naman kasi ngayon lang nanalo, nung graduate na ako?” “May banat ka kasi sa pwet,” biglang pang-o-okray naman ni Arnaisa atsaka natawa. Pinalo siya ni Ailou sa braso. “Hoy, wala, ah! Gagu!”   “Chessboard yan? Ang cute, mickey mouse,” tanong ni Ailou. Napatingin ako sa mga batang magkaharap na nakaupo sa bawat pa-landscape na bench kung saan may painted board with black & red tiles. Iginalaw nung isa ang kanyang red chip na pamato pa-abante. Umiling ako. “That’s Dama board, Lou.” I proudly smiled. “Kami nagpinta niyan. Project namin noong 4th year. Pati yang mga plastic bottle na sinimento.”  “Nice, no? Galing ng nakaisip.” “Madam, gutom na’ko,” sabi ni Arnaisa. “May limang canteen dito. Pero mas malapit yung main canteen. Tara,” yaya ko sa kanila. Lumusot kami sa mini eskinita sa gitna ng hagdan ng Gabaldon Building #2 at ng Chemistry-Biology Laboratory saka lumiko sa kaliwa. Kung saan, dalawang matayog na puno ang nakatindig ngunit wala nang lilim. Pinutol na pala nila. Sayang. Pagkatapos naming bumili ng meryenda, naglakad kami palabas ng malaking canteen. Lumitaw ulit ang haring araw para tustahin ang mga walang payong- kami ‘yon.  “Ang init!” angal ko. Tinakpan ko ang sarili gamit ang folder na hawak. “Bakit kasi nila pinutol ang mga puno? Tumatambay pa kami dito dati, sumisilong habang nakaupo sa bench.” Tinuro ko sa kanila ang classroom sa first floor, bandang gitna ng Gabaldon Building#2. “Room namin yan n’ong fourth year.” I spotted him again, roaming around our classroom. Ano ba siya, kandidato?  Nakabibingi ang pinaghalong mga ingay ng mga kaklase ko pero malinaw ang mga halakhak niya mula sa isang distansya. Sumimsim muna ako ng apple juice saka papasok na sana pero napatigil ako at nakinig. “Kailangan pa ‘yon?” “Oo. Hindi raw pipirmahan ang clearance.” Para bang nag-dilate ang kaliwang tenga ko sa usapan pagkarinig ko ng salitang ‘clearance’.  “Ang haba kaya ng mission! Sana yung vision na lang. Bakit kasi dalawa pa talaga?” At ngayon, mata ko naman ang nanlaki. Shet! Napatakbo ako sa upuan ko. Mabilis kong binuksan ang zipper ng bag ko. Natabig ko pa ang pencil case ko at nagkandahulog na lahat ng laman-pati mga dumi. I don’t have time to write it down! Lumapit ako sa harap at tiningala ang magkatabing Vision-Mission sa taas ng blackboard. Pinaulit-ulit kong sinubukan. Pero hindi ko pa rin mamemorya nang perpekto. Hindi ‘to pwede. “...to provide quality education for… for….” Ano nga uli ang sunod? Damn, alam ko yun, eh! I was about to look but my vision suddenly went dark. I then realized that a pair of warm and soft hands covered my eyes. And that faint scent of mint…. “Ano ba? Nagmeme-memorize ako!” Tinatanggal ko yung kamay pero malakas ang pwersa ng resistance. Bakit ayaw matanggal? “Sino ‘to?” I asked. Kinapa ko ang kamay. My heart throbbed. “Sino nga, ‘to?” “Hulaan mo, Penelope,” boses ni Leslie ang nagsalita. Wala akong oras makipaghulaan. The other kids started shouting names of their bets. Pero wala doon ang sumakto sa palagay ko. Noong hinawakan ko…. yung kamay malaki at mahaba. Maikli ang kuko. At ang hininga niya, may bigat at lalim. “Pwede pakitanggal? May ginagawa pa’ko,” pakiusap ko. Aba, ten seconds na, hindi pa rin tinatanggal. Kung hindi niya tatanggalin, ako ang magtatanggal! Ramdam ko ang apoy na umaakyat sa ulo ko. My heart still throbbed, but it is calmer. But not so. Ang mga binti ko, tinatakasan na ng lakas. Parang himala, binigyan ako ng mahika para makawala. I break away. Napaatras siya. “Ikaw?” gulat ako. “Anong problema mo?” tanong ko sa kanya, nakataas ang kilay. I can’t believe that I used all my strength just for another crap. Why do I always end up as his victim? Wala na bang iba? Ngumisi siya. “Wala lang.” At tinalikuran ako. Nilapitan niya ang grupo nina Audrey. He’s back at it again. Nakita ko kung paano niya inakbayan si Audrey, dinikitan si Lea, at nakipagtawanan sa iba pa naming mga kaklase. Yeah, I saw that. All of it.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD