“Guys, ano na? Ganito na lang tayo sa sabado? Dapat seniors ang manalo sa Intrams! Nakita niyo yung mga third year? Ano, papalupig tayo? From the top!” sigaw ng ‘sang babaeng naka high ponytail.
I noticed that some of them are still in their uniform. Pero mas marami ang naka-T-shirt sa taas, tapos uniform na skirt or kaki pants at tennis shoes sa baba. Panay ang tulo ng kanilang mga pawis Walang kagatol-gatol silang nagsibalikan sa original formation at sumabay sa hiphop music.
I didn’t know na distinguished na ang uniform ng Special Science Curriculum students sa mga nasa regular classes. Contrary to our time, they now wear a maroon vest with the school’s logo and embroidered: S.T.E.M.
“Oh, malapit na pala ang intrams nila? Pero bakit ang late? It’s usually February. March na, ah,” I can’t help but comment. Pero swerte, ang ganda ng timing. It’s merrier that way.
“Wow, busy silang lahat,” segunda ni Ailou saka nagbitiw ng ‘sang buntong-hininga. “Highschool Days.” A nostalgic look escaped from her face.Sabay-sabay naming pinagmasdan ang mga bata.
“Anong ganap dito pag Intrams? Ang saya-saya siguro dito,” ngingiting tanong ni Arnaisa.
“Depende…” sagot ko.
Ginulo ng hangin ang nananahimik kong buhok. Itinali ko na lang atsaka lumingon sa New building, bandang 4’o clock mula sa position ko.
Pagdating ng 4th year, doon kami nagsimulang mahiwalay sa mga kaklase namin sa special section. Nahulog kami ni Marc. Pero madalas pa rin siyang dumadalaw sa new building, doon sa mga dati naming kaklase. Ayun nga siya, oh. Nakikipagtawanan sa kina Aubrey, yung twin ni Audrey na classmate namin. Napangiti ako. Bagay sa kanya ang purple shirt.
Ako naman, tumatambay lang sa lilim ng puno, nagmumuni-muni habang nakaupo sa bench na nagkataong malapit lang sa new building. Wala na akong magawa. Bibili sana ako ng iced coffee sa booth kaso naawa na ako sa pitaka ko. Wala na rin akong pwedeng puntahan. Papagurin ko lang ang sarili ko.
Should I just go home? Patingin-tingin ako sa paligid. Hayun, ang mga dati naming kaklase sa special class, naghaharutan. Nagset-up sila ng isang malaking freedom wall na gawa sa manila paper.
“We we’re both young when I first saw you… I closed my eyes and the flashback starts I’m standing there, on the balcony in summer air…” kanta ni Arin. Live na nagi-gitara si Enzo at sinasabayan naman siya ng beatbox ni Wayne. Napapatigil ang marami at napatingin sa kanila. Sa susunod na verse ay napapasabay na ang audience.
From the opposite side, may namataan akong kaguluhan.
“Ano ba!” the girl who is being dragged by the jail officers shouted with all her might. She cannot escape anyway. Nakaposas siya kasama ng ‘sang sophomore plus bantay sarado pa sila. Sa mga ganitong oras ako tumatawa.
There’s nothing I could do here except watching people. Pero okay lang. Observing people is fun anyway. Fun in a silent way.
Namigay sila ng mga ginupit na construction papers. Ang seryoso niya. Ano kayang sinulat niya? Para bang ang tagal niyang pinagisipan. Lalakumusin niya sana kaya lang, hinablot ng boys ang papel niya.
In my memory, I cannot remember the exact words. But I remember how it made me feel.
“Yieeee!” tukso ng lahat sa kanila. The girls giggled. Their smiles seems to be erasable. May pa palo-palo pa sa balikat ng kaibigan nila.
“Woo! Marc Kenneth lang malakas!"
"Guys, alam ko na ang loveteam nila... Marcbrey!"
"Marcbrey! Marcbrey! Marcbrey!" they chanted. The song drowned. My heart sank.
The smile on my face got drained. I am being stabbed in the chest, multiple times. Again. Yet I cannot run. I cannot fight. It’s like I have no choice but to suffer in agony and be tortured. It would have been better if there were tears to signify that I am dying inside. Stupid! Even my tears are cursing me. Why aren’t they coming out? I need them. Right now.
Isa na akong bato. Walang nakakapansin sa nararamdaman ko. I am stoned and I… am being hammered till I am crushed into pieces.
Sa wakas, naikot ko na rin ang mga mata ko. Pero mali. Sana pala di ko na lang ginawa. Lahat sila masaya, tumatawa.
Ako, lang. Ako lang ang namamatay at duguan. What am I even doing here? Tanga-tanga mo, Penelope! Bakit ka pa nagstay? That’s what you get for falling for him. You’re stupid. He will never fall for you.
4:16 pm. February 14, 2012- date of death.
“Depende?” they asked me back, waiting for clarifications and further explanations. Thanks to their question, I was brought back to reality. That small aching yet silly feeling of nostalgia for a brief moment has gone like the wind.
Nakabalik na kami sa Gabaldon area. Huminto ako sa tapat ng dalawang unoccupied bench at pinunasan ang isa. Nilinisan ni Ailou ang katabi ng bench ko saka umupo. Tabi sila ni Arnaisa.
“The usual. May sports competition tapos merong wedding booth at jail booth. Hmm. Ano… meron ding band contest, atsaka food stalls,” I answered.
“Naalala ko tuloy noon.
“Oo nga, nakakamiss. Parang gusto ko bumalik sa high school.”
“Heh.Boring. Movie Marathon lang yata ang na-enjoy ko sa lahat. Mura lang kasi. Kaso mahaba ang pila. Naghihintay pa kami nang matagal at per batch pa. Sa field, halos puro confessions at pagpapapansin ang naririnig ko. Tapos mga m******s pa yung nasa horror booth na napasukan ko,” kwento ko na medyo napapailing.
Biruin mo, apat na taon akong tameme tuwing intrams sa school noon?
Arnaisa then replied. Her eyes were slightly sparkling. “Ako, gusto ko sana ma-try ma-jailbooth. Kaso walang may crush sa’kin,” then she chuckled and lightly slapped my shoulder.
“Same, madam!” Nag-apir silang dalawa habang tawang-tawa. Ako rin. Gusto ko ring tawanan ang sarili ko. Para bang ang pangit-pangit ko noon. O sadyang di ko lang talaga kilala ang suklay at pulbos noon.
“Sinong magkukulong sa’kin? Sarili ko?” Kalokohan.
Gulat ang dalawa. “Bakit hindi? Eh sa itsura mong ‘yan? Wala?”
“Wala.”
Nagkatinginan ang dalawa at tinignan ako na parang ‘sang sinungaling. What else could I be hiding from them? Hindi naman ‘yon top secret.
”Kung makatingin naman kayo parang kayo si mama, ah? Wala nga.” ani ko, nang may paghawak pa sa dibdib. “Mas maraming magaganda. Kung nakita niyo lang sana mga ka-batch ko. Ah, sa yearbook namin. I’ll show you. Speaking of, di ko pa pala nakuha ang yearbook ko.”
“Pwede na kunin?” Ailou asked to which I nodded. It was announced by the batch president last year pa. I just totally forgot about it sa sobrang pagka-busy. Kabado kong kinapa sa wallet ang resibo na apparently, hindi na nage-exist.
“Buti pa sa inyo. Sa’min, baka forever nang di makuha,” Arn pouted.
Sumagot siya ni Ailou. “Wag mo sabihin yan. Walang forever, di’ba?”
“Ah, edi mabuti.”
Humalakhak si Ailou habang pinagpapalo si Arnaisa sa braso.
“Guys, nawala ko pala ang resibo ko," I informed them. "Next time ko na lang siguro kukunin. So, ano. Ikot pa tayo?"
Umiling si Arnaisa. "Pagod na'ko, madam."
We second-handed the motion.
"Let's go."
And as we depart, I silently uttered a wish inside my head.
I hope that he’s happy with the one he loves. I pray that he cherishes her too, more than I cherish him before, that they share more smiles than tears and heartbreaks. How I wish… sincerely. Whoever is she.
I wonder who’s that girl.