Entry#13

1504 Words
"Hi, Lou!" bati ni Dexter sa kasama ko. He is wearing a white clinical uniform, with black socks and black rubber shoes. May face mask din siya na bahagyang nakasabit sa kaliwang tenga niya. He is skinny and tall. His hair is scruffy as always. Tuwing nakakasalubong ko siya, ganyan itsura niya. "Ay, ikaw pala, Dex! Pasan ka?" Ailou smiled in return. I looked down. Her shoes is pointing towards Dexter. And just now, I saw her eyes twinkled. Then in just a split second, her eyes changed. Wow, ayos. Best actress din tong isa, ah. May hidden talent. Bravo. "Ah, sa council sana. Kailangan na kasi naming matapos 'tong clearance para makapag-exam." With the word clearance, my system got stimulated. I fetch for my phone's calendar. It's already first week of march? Pati pagtingin sa kalendaryo nakakalimutan ko na. "Ay, oo pala. Mauuna kayo sa'min," sagot ko. I just stood there. Watching them both. Psychologizing them, char. Basta, yung binabasa ko yung galaw nila? This is the part where I'm gonna use my course. It's pretty useful. Like when you want to find out who likes who, sinong in denial, at sino ang mga manloloko. "Ah, Penelope, kelan ba kayo magsisimulang pumirma ng council? Tsaka, anong requirements?" He finally turned to me. Finally, I exist. "Ah, hindi ko pa alam eh. Itatanong ko nalang kay ate Gov. I-notify ko nalang kayo about sa details, ha. " "Salamat, Pen! The best board member ka talaga," he said. I just laughed in return. I often hear that feedback from everyone. "Okay. Sige lou, mauna na'ko. Kailangan ko pa magpapirma sa OSAD." pagpaalam niya. Mukhang nagmamadali rin eh. Haist. Medtech pips must be in a chaos now. Balita ko, sobrang hectic ng schedule nila. I rarely see them here in the campus, hanging out. Nasa laboratory, classroom, o library lang yata ang tambayan nila. "Sige, regards mo na lang ako kay Kaye, ha?" Yun yung huling sabi ni Ailou bago tuluyang umalis si Dexter kasama ng kaklase niyang maganda na kapwa naka-white uniform. "Hoy," tawag ko sa kanya nang masigurong malayo na si Dexter. She then turned to me with a puzzled look on her face. "Ano?" "Crush mo ba siya? May gusto ka sa kanya, no?" "Huh? Gagu." Her confusion was evident in her laugh and questioning eyes. "Paano mo nalaman?" "Kasi Psychology major ako. Nabasa ko isip mo. Di'ba, basta psychology, nangsa-psycho?" pagbibiro ko sa kanya. Charot lang. We, Psychology majors don't read minds. We observe behavior and interpret them using the knowledge from our studies. We only deduce. But since humans are complex beings (that is, maraming factors at dahilan kung bakit siya ganon umasta), hindi lahat ng nababasa namin sa galaw ng isang tao ay tama. Maaari rin kaming maging mali. So ang ginagawa ko ngayon kay Ailou, I am trying to confirm my hypothesis. "Gagu ka talaga! Ano ka, si madam Auring?" "Nope. Who is madam Auring? Call me, madam Penelope. " Pinaghahampas niya na naman ako habang tawang-tawa."Gagu ka talaga!" Lagi nalang akong tinatawag na gagu neto. At ang sakit-sakit ng hampas niya. Napahaplos ako sa balikat ko. Galing ah, dinadivert niya yung topic. Kala mo makakawala ka sa'kin? "So, ano? Crush mo talaga siya, no? Yieee! Mukhang close din kayo nun ah?" Hindi sa chismosa ako, ah. Pero parang ganun na nga. Pero kasi, kaibigan ko naman siya, so okay lang naman yun di'ba? Hindi ko naman siya pinipilit o ano. "Hindi. Hindi pwede." Di ko pa rin siya tinantanan. Sinundan ko ng mapang-asar na ngiti ang direksyon ng mukha niya. "Hindi mo crush. Love lang?" "Hmm. Pfft." She nodded while laughing. Nung nakamove-on na siya sa pandidiri niya, sa wakas, nagkwento na rin si lola Ailou. "Classmates kami simula kinder. Madalas tambay siya sa bahay, kami ng barkada namin. Magkasama kami sa writing organization ng school. Ewan. Nangyari lang. Di ko alam kung bakit ko siya nagustuhan. Alam ko namang budoy yun. Pero..." Now, it's my turn to tease her. "I see. So, kaya wala kang lovelife ay dahil friendzoned ka?" "Gagu." She giggled. "Ikaw nga diyan eh." The bell rang, signifying that it's time for Ailou's next class. Classmate sila dun ni Arnaisa since shifters sila, may mga subjects kami noon na hindi nila nakuha noon. Ngunit hindi ako matatahimik hanggat hindi nakakabanat pabalik sa kanya. I cleared my throat. "Anong ako? Ikaw, nakamove-on ka na ba?" sabi ko sabay belat sa kanya. Tumunog ang second bell. Hindi na siya nakaganti. Tumakbo na siya paakyat sa 4th floor. Xxx Red leaves of the tree, under the blue sky and white clouds. They're smiling towards the yellow sunshine. And even the green grass gets tamed as it turns into a field of chocolate. "Jakku nuni gane, hayan geu olgure....jilljido ana neon wae?" I sang as accomplish the attendance for the signing of clearance of our college council. Almost everything is done. In my mind, there is a voice singing Peach by IU and I can't help but let it out. I forgot the next lyrics but still continued the chorus. "O, etteon danoro neol, solmyonghal su isseulkka? Ama I sesang mallon mojarra..." I didn't get to finish the chorus. My voice faded. I looked sideways, but there is no one suspicious. This feeling, again. Wala namang nakatingin, pero pakiramdam ko ay meron. Nagsimula na akong kabahan pero minabuti kong huwag nang mag-isip pa ng kung ano-ano. Ang takot ay nasa isip lang ng tao. I continued humming again while checking the attendances. I need to patch this up para matapos na. At pagkatapos, clearance ko, defense, at exam na lang ang iisipin. "Hoy, madam Penelope!" sabay nilang sigaw sa'kin. Itinigil ko ang pagbabasa at nakangiting tiningala sila. Time na pala. Ni hindi ko man lang napansin ang pagring ng bell kanina. "Ano ginagawa mo?" sinilip ni Ailou ang handout na binabasa ko. "Tama na yan, baka maperfect mo na ang exam." "Oo nga. Matalino ka na!" Umiling ako. "Malapit na ang exam. Kayo rin, kailangan niyo nang mag-study." "Next next week pa nga ang exam, eh. Excited ka talaga," ani Arnaisa at nagscroll sa kanyang cellphone. "Patambay muna kami, ha," paalam ni Ailou bago naupo sa bakanteng sofa na nakaharap sa pinto, kagaya ng lamesa ko. Hinubad ni Arnaisa ang backpack at tumabi kay Ailou. Ako lang ba? Somehow parang nagiging magkahawig silang dalawa. They look like fraternal twins to me. Napapailing na pinunasan ko ang aking eyeglass. May sinusundan na naman ng tingin ang mala-kwagong mata ni Arnaisa. Naghuhugis puso ang kanyang mata. "Madam! Si Fritz! Kaso kasama niya ang girlfriend niya. So sad." "Wala kang pag-asa," I told her straight. "Alam ko. Crush lang naman. Sinabi ko bang mahal ko? Atsaka kalma lang. Marami pa akong reserve dito, no." Maya-maya pa'y may pumasok na grupo ng mga Political Science Students para magpasign ng clearance sa akin. At nang makaalis sila, agad na lumapit sa akin si Arnaisa at sumilip sa masterlist. "Madam! Anong pangalan nung lalake na singkit? Hehe." "Ah. Si kuya Neil? Ka M-U na yan ni ate Justine." "Che! Pangalan lang tinanong ko." Tinignan niya pang muli ang listahan at kinuha ang cellphone niya. She typed something. Sumilip si Ailou sa ginagawa ni Arnaisa. "Arnaisa, Stalker ka! Yikes!" Arnaisa denied Ailou's accusation. "Hoy hindi ah! Ikaw ang stalker!" "Nge! Anong ako? Projection ka na naman dyan." Their bickering was interrupted when we heard a knock on the open door. Napalingon kami sa kumatok sa bukas na pintuan. "Excuse me, praningning. Pinapabigay ng OSAD. Call for a meeting." Even though my forehead is frowning, my hands accepted the paper. "Hindi ako si praningning!" sigaw ko sa kanya. I unfolded the paper and read the order. A meeting for Bequethal Night. For the Officers. His eyes crinkled from chuckling. At anong nakakatawa? "Praningning!" At inulit pa talaga. I rolled my eyes. Parang mapupunit na yung labi niya kakangiti. My eyes rolled on its own again. "So, masaya ka na niyan?" He beamed. "Sige na, bye," biglang paalam niya. Walang-lingon siyang naglakad paalis. I was left with the feeling of being picked up, only to be left hanging at the top of a tree. With no ladder to go down. Bwisit na'to. What's with him, today? My eyes hurt the more I secretly glare at his back. Ako lang rin ang nasaktan para sa wala. Madaya. Inilabas ko na lang ang laptop ko. I just previewed the first episode of While you were sleeping- yong kinopya ko galling kay ate Dench, but since nakita na nga ni Ailou, ayan na nga, nagkopyahan na naman kami. "Meron ka nung Pinnochio?" she asked. Tutok lang ang mata ko sa screen. Tatapusin ko 'tong episode one. "Wala. Tanong ko muna kay ate." "Sinong ate? Ate Wince?" "Hindi. Si ate Dench." Her eyes replied to me with confusion, but I just smiled. It's better to just show it instead of telling. "Tara," Arnaisa suddenly sat straight, and with her knitted eyebrows, she spoke. "Saan? Wala na pala akong data. Lipat tayo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD