Entry#18

1990 Words
“Si Adrix Ian Mallorca? Ayieee. Eh bakit ka curious?” Uh-oh. That malicious eyes and grin. I don’t like the way she looks at me now. It’s like she’s anticipating something to come out of my mouth. Ailou, nagkakamali ka ng iniisip! In my defense… “Wala lang. Naalala mo pa yung (f)-x ballpen na binili natin sa BlueBox tapos hinahanap ko ngayon?” She nodded. “Siya ang nakapulot,” patuloy ko. Napakuwento ako ng mga adventures ko sa paghahanap ng pinakamamahal kong ballpen. Natuyuan na ako ng laway pero tinawanan lang ako nitong si Ailou. “Close kayo?” tanong ko sa huli. “Hmm. Hindi naman. Classmates kasi kami noong elem hanggang first year high school. Lumipat siya ng school sa Gensan yata? Kaya ayun.” “Ah.” “Bait niya, no? Atsaka mayaman din. Hindi niya lang pinapahalata, pero sila ang may-ari ng Mallorca Rice Store and Agrivet Supplies. Kaya lang…” “Kaya lang ano?” “Parehas kayo.” xxxx +6312****** Hello miss   +6315****** Congratulations for winning 500,000 Pesos at the grand draw! Claim your prize here: https://bitbit.com   8080 (30) Your account balance is 0.0. Your free text is 0.0.   Mama Uwi na.   +63****** Hi!   Among the messages that I receive at my inbox, one message from another unknown number is highlighted blue. Hello. Who’s this? I replied but the messaged did not sent. Baka isa na naman ‘to sa mga annoying na nagte-text. You know, mga taong di mo kilala at naghahanap lang ng textmate at maloloko. Wala pang isang araw na kausap mo, mahal ka na daw niya. Napaka non-sense at sayang sa load. I just tend to ignore messages from unregistered numbers kaya naipon na sa inbox. Besides, hinahayaan ko na para naman magkalaman. Minsan na nga lang may nagtetext sa’kin eh. If it’s really urgent and has something to do with me, they’ll introduce themselves and their intention. They won’t wait for my reply if it’ really urgent. Besides, sino ba sila para pag-effortan kong magpaload? I selected I got a boy of Girl’s Generation on my playlist before washing the dishes. “Penelope!”sigaw ni mama. Napalingon ako. “Hindi ka pa nakapagwalis? Anong oras na? Aba’y tanghali na! Ang mga bintana at gamit di pa napupunasan. At itong sahig, gaano katagal na ba ‘tong walang mop-mop?”  Kay aga-aga naririnig ko na naman ang bulyaw ni mama. She really has something to say in everything I do. Whether I do something or none.  Eh, naghuhugas pa nga lang ako ng mga plato. Sa dami ng sinabi niya, kaunti lang talaga ang naintindihan ko. “Ha?” “Patayin mo nga iyang music! Kaya di kita makausap nang maayos, eh! Puro ka selpon. At anong klaseng music ba ‘yan, hindi ko maintindihan!” Napangiwi ako. Aishhh. Ganda ganda na ng soundtrip ko, nabasag pa. ‘Korean nga kasi k-pop’ pagdadahilan ko kanya sa isip ko. Pero pinahinaan ko na agad ang volume bago pa umabot kung saan ang sermon at binilisan ang paghuhugas. Wala nga akong scheduled na pasok kapag sabado, pero kung hindi academic or officer related, heto naman…. “Linisan mo na ang sala.” “Okay ma,” sagot ko habang kinukuskos ang mga yahong at kutsara nang maigi. Mabilisang pagbabanlaw ang ginawa ko at pagkatapos ay inihanda na ang trapo, walis, at tubig pang-mop. I removed the cobwebs. They are everywhere. At the ceiling, at the bookshelves, and even on our hanging cabinet and in between the frames. Pinunasan ko ang mga gamit kasama na itong picture frame ng papa ko sa altar. He’s a tall, dark, and maybe handsome man during his teenage years. He stood with confidence and his bright smile, and his unerasable mustache. Maitim na kulot ang kanyang buhok pero fluffy hindi tulad sa’kin na madalas nagiging frizzy kapag naihip ng hangin o kapag napabayaang nakalugay nang matagal.   Moving on to the other frames and stuffs that needs to be cleaned, I found a photo album and our family picture. “Sayang. Ito lang ang picture natin.”The first and our last. Because my mom is not fond of taking pictures. Inalibukan na pala ang mga medals ko. Ewan kung anong award ito. Hindi ko na maalala. Pero parang kasali ako sa mga honor students sa Top 10. On the next frame, there’s a small and naïve girl, wearing a white toga all over and a pair of purple sunglasses while holding a book. This was way back kindergarten. I snickered at the silly me who told everyone that I want to be a principal para maging mayaman at makatulong sa aking kapwa. Look at me now. Hindi naman ako nag-principal. At ano bang sumagi sa isip ko para isiping mayaman ang mga principal? Tangek tangek ko talaga noon. Naamoy ko na ang sarili kong baho. Malagkit ang buo kong katawan at ang una kong kinamot ay ang leeg ko. Nakakuha rin ako ng mga libag sa mukha. Kumuha ako ng towalya at pumasok na sa banyo matapos kong iligpit ang trapo, mop, at walis tambo. “Catch me if you can…” sinabayan ko ang lyrics at choreo sa bandang chorus. Cross-arms, put hands at both sides, tapos buong pwersang pagyuko sabay flip-hair pag-angat ng ulo. Nagsasalita ang boses ni mama sa background na parang may kausap. I dried my hair with a towel and went inside my room. Umupo ako sa kama at nilapag ang mga pinaghubaran kong damit pwera sa cellphone ko. A new message notification popped up earlier which I didn’t noticed because I put my message alert tone into silent mode. It was from the same unknown number earlier.   +63****** Hi Good morning Ms. Penelope. This is Adrix Ian Mallorca. Pasensya sa istorbo. Ibabalik ko na ang ballpen mo. Kita na lang tayo sa SMC Hall kung okay lang? 1:30pm pa kasi matatapos klase ko.   Ah. Wait, how did he get my number? My brain lagged for a few seconds. Fortunately, it came back to normal right away. Yeah, right.  He asked for my number so that he could contact me about the pen. I beamed. My priced pen will now go back home! Hindi ko maipaliwanag kung bakit sa ganito kababaw na dahilan ay lumulukso-lukso pati puso ko. Iyon nga lang, may isa pa akong problema. Sumagi sa isip ko ang bagong laba kong uniporme. Naka-hanger pa ito sa labas, at may tumutulong tubig pa noong iniwan ko doon kanina. Patay. Paano ako papasok niyan? Limang sunod-sunod na katok ang nakapagpatigil pansamantala sa’kin. “Penelope!” sigaw ni mama. “Anong ginagawa mo riyan? Bumangon ka na. Wag ka nang matulog ulit! Andito sina  ninang Teody mo.” “Nagbibihis pa!” sigaw ko pabalik. Bahagya niyang hininaan ang boses pero hinaluan niya ito ng pagbabanta. “Bilisan mo dyan. Lumabas ka sa lungga mo at huwag mo’kong ipahiya sa mga bisita. Mamaya, magkulong ka na naman dyan.” Kunot-noo na akong nagbihis ng pambahay. Mabagal akong kumilos na para bang may mabigat na taling bakal na naka-attach sa wrist ko. Padarag ang galaw ng aking paa, na parang may hinihilang bolang metal. “Ay! Upo kayo, Teody, Winston,” mama offered the visitors with a warm and welcoming tone. “Anong gusto niyong merienda?” “Ay, naku wag na! Nakakahiya naman. Kahit ano lang dyan. Kaw na bahala.” Their distant yet familiar voices were chitchatting. I hear them faintly from our sala. Dalawang katok. This time, it’s not invasive and alerting. “Bilhan mo kami ng royal, nak. Dalawang litro.” Eotteoke? A.   Magkukulong sa kwarto at hintaying maakaalis ang bisita hanggang sa maging kalansay sa gutom. B.    Magkasakit kunohay C.    Patagong pumuslit ng pagkain like a ninja sa kusina at magkulong. D.   Tumambay sa tindahan at magtagal doon. Ang tamang sagot ay none of the above. Gustuhin ko mang piliin ang letter A, na madalas kong ginagawa, pero hindi pwede. Basang basa na ng nanay ko ang next move at hindi na niya ako mapapalagpas kapag tinakasan ko this time ang mga bisita. Therefore, all my choices are ruined. I’m doomed. Kumbaga sa action movie, dead end at na-corner na ako ng mga pulis kaya susuko na ako. Bumalik ako dala ang dalawang litro ng softdrinks sabay lapag sa lamesa ng change ni mama. Nakalatag na rin sa table ng sala ang inihandang loaf bread at mga garapon ng palaman. Pinaglalabas ni mama ang mga baso at utensils na espesyal. Espesyal kasi you know, those kitchenwares na pinaghihirapan kong hugasan at pagkatapos ipapatatago lang buong taon sa cabinet. I poured softdrinks on three glasses and prepared some sandwiches. I took a bite on the first sandwhich I made.:P “Ito na ba ang unica hija mo, Mariana? Aba, ang laki-laki mo na, Pen-pen!” the elder woman exclaimed. “Ahe-he. Opo” Okay. Anong sasabihin ko? Inilapit ko ang plato ng sandwhiches at inalok sila. Kumuha naman si tita at binigyan niya rin ang binatang katabi niya bago nag-resume sap ag-interrogate sa’kin. “Anong year mo na, iha?” “Third year college po,” kiming sagot ko. 1:15 na sabi ng bilog na wallclock namin. Baka kanina pa siya naghihintay. I licked my lower lip. Nangangati na akong magpaalam at umalis. Kaso nakakahiya namang ma-interrupt ang pagkukuwento ni tita. Bisita pa naman siya. “Ah! Ang bilis ng panahon! Parang kailan lang, no? Dati, ang liit-liit mo pa. Hanggang tuhod pa lang kita. Ngayon, tignan mo mas matangkad ka pa sa’min ng mama mo. Manang-mana ang height kay Boyet, oh! Mas matangkad lang sa’yo si Winston ko.” Tumawa ang nanay ko. “Oo nga, Teody. Winston! Ang tangkad na bata!” my mom complimented the guy sitting beside her friend. Kuya Winston is older than me by three years, if I remember it right. Well, I surely remember it right. How could I forget? “Ganda-ganda naman. May jowa ka na, anak?” Tita Teody held my hand. Her eyes twinkled in adorement as she surveyed my face. Umiling ako. “W-wala po.” Ang daldal talaga nitong si tita. She even asked my mom if I am allowed to have a boyfriend. “Ay, wala namang kaso ‘yon basta tapos na siya sa kanyang pag-aaral. Bakit hindi? Darating din tayo diyan, Teody,” sagot ni mama. “Ay, single din ang Winston ko, di’ba?” she declared and looked meaningfully to his son, who is now looking at me and smiling. “Opo,” he replied. Patuloy na nagkukuwento si Tita Teody. “Naaalala ko pa noon… Sinasama ka ng papa mo sa bahay. Tapos grabe yung iyak mo nung sinabi naming ipapakasal namin kayo ni Winston. Nagtatago ka pa nga sa likod ng papa mo.” Kung buhay pa si papa hanggang ngayon, ganon pa rin ang gagawin ko, duh. Minus the iyak. Bakit pa kasi ako nadadamay dito? Pwede bang iba na lang pag-usapan nila? “Anong masasabi mo kay Winston? Type mo ba siya? Open pa naman ang kasunduan namin ng papa mo.” Wala. Hindi. No, thanks Pero natorete ako at nanigas. Matinding pagpipigil ang ginagawa ko sa sarili, walang lakas ng loob na tumanggi. Kaya sa isip na lang ako nakaangal habang pasikretong tinatawag si mama. I managed to force a smile. Mama….ngayon ko kailangan ang mga pagbabawal mo. “Hmm.” She sipped on her drink. “Pwede!”sabat ni mama. Napalingon ako kay mama, with the eyes of the betrayed. What the hell! Mama, bakit mo ako binenta! Bakit mo’ko ipinagkalulo! Eww. Hindi ako magpapakasal! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD