Entry#19

1479 Words
Kaching! The cash register ringtone jolted the four of us.  I quickly fetched my vibrating phone at the pocket of my shorts. It’s one-thirty already! My heartrate dropped for a microsecond, thinking of how long he’s been waiting there. I swiped my animated lockscreen (it’s Kaguya Shinomiya of Love is war). A new message popped up at the top of the notifications bar. The message came from 8080 saying that I have a freebie load. “Kailangan ko pala bumalik sa school,” I announced. Nagsalubong ang mga kilay ni mama at tinignan ako at kinilatis. “Di’ba wala kang klase pag sabado?” I smiled awkwardly and glanced at my phone, specifically, the text from the network. “May emergency meeting pala kami. N-nakalimutan ko.” She sipped her softdrink. “Meeting para sa?” “Ewan. Di ko po alam. Siguro sa Bequethal Night.” Walang patumpik-tumpik na akong pumasok sa kwarto at nagbihis ng pantalon at brown t-shirt. I grabbed whatever sling bag I had. My wallet, my phone. Naging bruha ang buhok ko- tumatayo sa gilid at over volumized. What should I do with my hair? Hinablot ko na ang rubber band at ni-low ponytail ko na lang, kesa naman nakakalat siya at maghasik ng lagim. Pagkalabas ko sa kwarto, tumutulo na ang pawis mula sa noo ko. Ang kili-kili ko, nagsisimula na ring magtubig. “Ang init ng panahon, ano? Grabe,” reklamo ni tita Teody sabay labas ng lavender fan. “Nak, bilhan mo nga kami ng ice atsaka drinks. Yung malamig na malamig, ha,” utos niya kay kuya Winston sabay bigay ng susi ng kotse. Mama disagreed and volunteered herself again. “Ay mare, ako na! Bisita kayo. Sagot ko na ‘yan.” “Alis na po ako. Mauuna na po ako, Tita Teody,” pagpapaalam ko kahit na nagsasapatos pa lang ako.  “Tamang-tama. Sumabay ka na lang dito kay Winston para makatipid ka na rin sa pamasahe,” untag pa ni mama. “Umff!” I let out the sound of struggle. Aissh. Jajangna. Bakit ang sikip nitong sneakers ko? Pwinersa kong hilahin pataas ang dulo ng sapatos. Isang patak ng tubig mula sa noo ko ang nahulog, naglanding sa sahig. But I am more determined to get away A.S.A.P. Come on, cooperate! I have to go now. “Ah, okay lang po. Magta-tricycle na lang po ako.” Isang malakas na hila at pumasok na rin nang buo ang paa ko sa sapatos. Kuya Winston stood up. “Sa Lux Sancta University ka, di’ba?” he asked. “Oo. Babye! Mauuna na’ko.” Tumakbo ako palabas ng gate. Hinihingal ako pagkarating sa kanto. Paglingon ko, nasa labas na siya ng gate namin. Mabuti, may napadaang tricycle. “Kuya, sa Lux Sancta lang po ako.” Noong binubuksan pa lang niya ang pinto ng kotse niya, umarangkada na ang tricycle na sinasakyan ko. xxx Adrix: Hi. Bean & Brew Hub lang ako. A slow smile crept at my lips. Thank goodness! Di ko na poproblemahin ang hindi ko pagsuot ng civilian. Nice one, Adrix! “Manong, dito na lang po.” Binayaran ko na ang pamasahe saka bumaba sa tapat mismo ng Bean & Brew. Isa ‘to sa mga establishments na nasa labas lang ng South Gate ng university namin. May katabi siyang netshops at school supply shop- na nasilip ng kong puno ng mga kapwa college students na nagpapa-print o di naman kaya’y nagpapaphotocopy. Lamig ng aircon ang sumalubong sa’kin, sa pagtulak ko sa glass door. May mangilan-ngilang mga students ang kumakain ng meryenda. Meron namang iba na saka pa lang kumakain ng kani-kanilang mga lunch. Framed inspiring quotes were hanged at the brown brick painted walls underneath the yellow lights. What? Bakit may vintage bike sa ceiling? Oo nga, nakatali naman siya pero what if biglang lumuwang ang pagkakatali? We never know… Ganda pala dito. Kita ko siya sa isang sulok, nakaupo habang nagce-cellphone. Nakauniform na siya- suot ang black slacks pero balot na balot pa rin siya ng kanyang navy blue hoodie. Nasa taas ng table for four ang itim niyang backpack na hula ko, magaan lang dahil hindi naman umuulbo. Katabi nito ay baso na nangalahati na ang laman. Hinila ko ang upuan sa tapat niya at umupo. “Hello Adrix! Kanina ka pa?” He looked up at me, his clear glass eyes went wide for a second. Ibinulsa niya kaagad ang cellphone. He simply smiled. “Hindi naman. Mga fifteen minutes pa lang,” aniya habang ibinababa ang bag sa upuang katabi niya. “Sorry, natagalan ako. Something just came up at home….” “Okay lang. I honestly don’t mind. May…problema ba? Ay, sorry. That was personal.” “Ah, wala lang yon. May bisita lang kasi.” He nodded. I maintained my smile but both of us fell silent for a while. I averted my eyes towards the counter, squinting my eyes in a vain attempt to read the menu pasted at the top back of the cashier. Shoot. Hindi ko nadala ang eyeglasses ko. “A-anong gusto mong order?” tanong niya sa’kin. Patuloy pa rin ako sa pag-attempt na makabasa ng o-orderin. “’Di ko pa alam. Wait lang, ha.” I focused my eyes on the part na may picture ng desserts at beverages. I stood up and went to the counter instead. This is much better. “Ate, isang chocolate frappe. Medium.” Nilingon ko ang taong tumabi sa’kin. Si Adrix lang pala na nakatingala sa menu. “O-order ka ulit?” tanong ko sa kanya. Pero matipid na nginitian niya lang ako at tinanong pabalik. “’Ano pang masarap dito?” I shrugged. “I don’t know. Ikaw.” “Ako?” “Ikaw. Kung anong gusto mo. Ngayon pa lang ako titikim ng foods dito, eh.” He adjusted his eyeglasses. “Gusto mo ng nachos?” “Okay lang.” Bakit ako ang tinatanong niya, eh siya naman ang kakain? Bumunot na ako ng pera sa wallet ko at nakaready na akong ilahad kay ate. “Ate, isang nachos.” Nag-abot siya ng five hundred pesos kay ate cashier. “Dalawa na kami.” Mabilis akong napatitig sa kanya. Did he just paid for my order? Nilibre niya talaga ako? But why? He doesn’t have to. “Ah, Adrix—” May dinukot siya sa bulsa niya. Inilahad niya sa’kin ang ‘sang puting (f) x signing pen. “Nahirapan ka sa paghahanap sa ballpen mo, di’ba? Sorry.” “Okay lang. Hindi mo naman sinadya. Pasalamat nga ako sa’yo dahil kung iba ang nakapulot, baka hindi na binalik sa’kin. Ako nga ‘tong na-late.” The faint and familiar melody of the university’s bell stopped me. “Oh, nagbell na. Baka may klase ka pa.” “Yeah. Paano, mauna na’ko?” Isinabit niya na ang sling ng bag sa kanang balikat niya at tumayo na. “Sure. Thanks for this! Salamat ulit!” “Welcome.” We bade goodbyes with our smiles. Naiwan ako dito sa hub. Pasip-sip-sip lang ng matamis na chocolate frappe hanggang sa nasa one-fourth na lang ang laman ng baso. I finished the nachos quickly. He didn’t even get to touch the nachos that he bought. Sinawsaw ko ang nachos sa cheese. “Excuse me,” a euphonious and feminine voice spoke at my back. My head turned sideways. “Yes po?” The woman tucked her golden bronze straight hair. She is wearing slacks and coat and nude heels. Mukhang medyo bata pa siya. Around twenties, maybe. She’s a petite girl almost same height as me. May nunal siya sa taas ng lips sa right side. “May kasama ka? Pwedeng maki-upo?” “Ah, okay lang po. Paalis na rin po ako. Hehe. Sige po.” Inilapag niya ang statistics book niya sa table, sunod ang black leather shoulder bag niya. Tumayo siya at nag-order na. Why does she look familiar? Parang medyo may kamukha siya. Anyway, sinamantala ko ang pagkakataon na iyon para mabilis na ubusin ang natitirang nachos at frappe ko. Napadighay ako pagkalabas ko sa hub. Alas tres imedya pa lang ayon sa orasan ng cellphone ko. I can’t go home yet. It’s too early. Maghihinala si mama. Hmm. I pressed the notepad icon at my desktop. Which reminds me of the upcoming bequeathal night and our exams. But before those, may exams pa.  Now is the only time to look for clothes and shoes. I think, I already know how will I kill the time fast now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD