Diary ng Single
Entry#20
Me gustas tu. Me gustas tu . Tsu tsu ru choaheyo. Me gustas tu. Tsu ru tsu ru~
Tamang tama lang ang ending ng Me gustas (I like you) ng Gfriend. Sumunod ang Rough na kanta rin nila pero pinause ko muna at tinanggal pansamantala ang earphone na nakasaksak sa right-side ng tainga ko at umusod paabante sa pila.
“May bonus card?” tanong ng kahera sa’kin.
“Wala po,” sagot ko sabay iling.
She punched the cyan dress and the pearl bobby pin that I have chosen. “Three hundred twenty and fifty centavos,” the cashier informed me. Mabigat sa loob kong inilabas ang eksaktong amount mula sa wallet. Pati ang mga tinatago kong bronze centavos, nakalaya na rin.
Kinuha ko na ang brown paperbag na naglalaman ng mga pinamili ko at naglakad palabas ng department store. Diretso ang exit na nilusutan ko sa Blue Box.
Prenteng nakaupo si ate Denchi sa counter ng shop niya. Kaharap niya, pero nakatalikod sa’kin ang isang lalaking naka-checkered black and white long sleeves polo. Matangkad siya.
Si kuya Enzo? Hindi.
Hindi kulot si kuya.
And the guy talking now to ate Denchi stood straight, which made his broad shoulders noticeable. Anya is also here! She’s slicing the tiebox of the pizzabox.
Pagkatapos mabuksan ng pizzabox, kumuha na sila isa-isa. Pinalo ni ate ang kamay nung lalaki at mukhang umangal ito. Tinignan lang sila ng bunsong si Anya at nagtuloy sa pagkain.
Binagalan ko ang paglalakad. It feels like the shop’s calling me to come inside.
Come inside for what? Para mag-window shopping na naman?
Ayaw ko nang ma-tempt dahil wala na’kong pera. Besides, nahahabag na’ko sa sarili ko na panay window shopping lang ang ginagawa. At halos hanggang don lang, nakatitig sa mga gusto kong bilhin. Sa mga bagay na gusto kong angkinin pero tinututulan ng bulsa ko.
I turned my gaze away at mabilis na sumakay sa escalator. Dire-diretso ang lakad ko palabas ng mall hanggang sa nakauwi ako sa bahay.
Dalawang bote ng royal. Ang isa, wala nang laman. Ang isa, nangalahati. Naroon pa rin sa lamesita ang apat na basong nadungisan ng orange softdrinks. Pero ang dalawang bisita, wala na. Yes! Salamat.
Nasa harap na naman si mama ng umuusok na kawali, hawak ang metal na sandok. Amoy ginisang bawang at sibuyas.
Nakapamewang na hinarap niya’ko. “O, natagalan ka?” usisa ni mama.
“Ah.. oo nga. Matagal natapos ang meeting.”
“Nakita ka daw ni Winston sa kainan sa labas ng school. May kasama ka raw.”
Two seconds bago ako nakasagot. “Wala, ah! Naki-table lang ‘yon. Nagmeryenda muna ako. Nagutom ako bigla, eh,” pagdadahilan ko na lang. Totoo naman. Kumain naman talaga ako ng meryenda. Hindi nga lang ako gutom pero sayang yung libre.
Hinarap niyang muli ang niluluto. She poured the bittergourd, okra, and kalabasa. “Dapat kasi kumain ka muna bago umalis.” Aniya habang hinahalong maigi ang mga sangkap. “May turon diyan sa lamesa.”
I locked my room’s door.
Paano yun nalaman ni kuya Winston? Was he really there? O baka naman nagba-bluff lang si mama. Baka sinusubukan niya na naman akong hulihin at paaminin na may tinatago akong boyfriend.
Boyfriend? It doesn’t exist. Not ever.
Boyfriend is just a delusion.
Nagbihis ako ng pambahay na damit at pinagbubuklat ang mga handouts at notebooks ko. With a determined face, I wear my eyeglasses with pride. Kaya ko’to. I have three days to prepare my brain cells from the upcoming doom.
xxx
Panaka-naka lang ang mga nananadya dito sa council para magpapirma ng clearance. Ngayong tuesday, first day ng exam, halos lahat ng mga estudyante’y tapos na sa kanilang mga clearance at ang tanging problema ay paano makakasagot nang maayos para maipasa lang ang mga subjects mapa minor man iyan o major.
Siguro, kung mayroon man akong mga pinirmahan na clearances ngayong araw, mga estudyanteng humahabol at siguro wednesday pa ang schedule ng kanilang exam. O hindi naman kaya, mga pinakamatatapang na nilalang na malakas ang loob sumugod sa laban nang abrupt, hindi nag-iisip.
Matapang nga ba sila? O sadyang mga wala lang talaga silang pake sa mga consequences ng mga actions nila kaya sila masyadong complacent? Enjoy now, cram later. People who live in the present and ignore their future.
Ding dong, ding dong. Ding dong ding dong.
Narinig kong tumunog na ang melodious sound ng bell namin, na kaparehas ng tunog sa university bell ng mga Japanese schools. Hindi ako nagpatinag. Tinapos ko ang pagbabasa ng notes na ginawa ko one week ago, para makasigurado.
Our memory is faulty. Kahit siguro na ilang beses ko itong aralin, what are the odds that I remember everything I have read? Feelings mo nga, naglalaho, ala-ala mo pa kaya, di makalimot?
Huminga ako nang malalim at niligpit ang mga gamit. Ni-lock ko na rin ang opisina. Ako lang libre ngayong magbantay. Baka mamaya pa sila sa hapon tatambay sa office.
Naabutan ko ang mga kaklase kong nagkakagulo. May ibang nagpaplano na ng kanilang cheating arrangement. Ang mga madam ay busy sa paggawa ng formula guide. May kaunting tambol sa loob ko.
“Uy, pakopya ako mamaya, ha,” bulong ni ate wincelette kay Arnaisa.
“Gaga, hindi ako nakapagstudy!” ani Arnaisa.
She continued mumbling some statistical terms from Ailou’s notebook. Nagshe-share silang dalawa since palaging late itong si Arnaisa, minsan absent pa kapag umuuwi siya sa probinsiya.
“Weh! Hindi daw nagstudy.Sabunutan kita kapag mas mataas score mo sa’kin?”.
“Oo nga.” Sang-ayon ni ate Van.
“Dito na lang tayo kay madam Pen.”
“Si madam Pen, magpapakopya? Asa. Magunaw na lang ang mundo.”
Nagtawanan kami. Yeah, they know already know me. I don’t want to depend on others. I want them to be self-reliant and confident with their answers by striving on their own. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay may tutulong. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay pwedeng tumulong. “Saang part ba kayo nahihirapan?”
Kunot-noong nagkamot ulo si ate Van. “Ano ‘tong mga histograms?”
“Ako rin, ‘di ko gets. Pati yung sa mga probability chuchu,” sabi ni ate Wincelette.
Inilabas ko ang kwaderno ko sa statistics. Masinsinang ipinaliwanag ko sa kanila ang bawat step sa formula, ang kahulugan ng mga simbolo, at paano dini-derive ang formula base sa tanong na ibabato.
“Ah~” sabay-sabay silang naliwanagan, dahilan para mapangiti ako nang malapad.
Pumasok si sir Freno dala ang mga test booklets at makapal na bundle ng test papers. Nilapag niya muna sa lamesa bago sinabi ang kanyang intro. “So, this is the last time that we will see each other.”
Napa, mababang ‘ahhh’ naman karamihan. Kung ano-anong kabullshitan na naman ang sinabi. Mamiss raw nila si sir Freno. Inusisa rin nila kung saan ito lilipat. Sinamantala naman ito ng iba para mag-aral sa kalagitnaan ng ingay.
Mag-a-abroad na daw si Sir Freno. Doon na sila titira ng kanyang pamilya, sa Canada. Siguro, nakakuha rin siya ng magandang trabaho na may mataas na pasahod. Ang swerte naman ni sir Kung gano’n. Well, good for him.
Isa siya sa mga legendary math teacher dito sa Lux Sancta. Legendary dahil lahat ng tinuturo niya’y naiintindihan ko. Madalas, may kasamang mga comparisons ang page-explain niya sa mga topics.
Hinahayaan niya rin kaming magdala ng “kodigo” ng mga formulas since hindi naman kami math major. Pero mahigpit siya pagdating sa cheating at sa grades.
“But it doesn’t mean na aalis na ako dito sa university, ay automatic pass na kayong lahat. Ibabagsak ko ang dapat ibagsak. Good luck,” huli niyang mensahe sa amin. At sumuong na nga kami sa unang pagsubok ngayong week.
xxx
Huli na.
Pagsisisi, o pag-asa? Depende ang kahulugan sa pagtanaw ng isang tao. Huli na, hindi mo na mababago. O di naman kaya’y huli na kaya magpapahinga na. Tapos na ang isang yugto kaya maghihintay na ng panibagong oportunidad.
Lahat ng mga subjects sa aking listahan ay crashed-out maliban sa isa. Hindi na ako makapaghintay na ma-crash out na rin ang panghuli.
2:30 pm. May one hour pa bago ang huling exam ko. RE o Religious Education ang susunod na exam. Hindi na ako nag-abala pang mag-focus pa dito dahil wala namang kakabisaduhin.
Kinakabahan ba ako o excited? Malapit nang matapos ang hellweek na ito. At pagkatapos? Bakasyon na! Nila.
Kaming mga third year psych majors, may OJT. Pero ang masaya, makakapunta kami sa Davao City. I haven't been to other cities bukod dito sa amin, sa Gensan, at sa city na kinalakhan ni mama.
I shrugged off my rapid heartbeat and explored the net instead. Nagpatugtog muna ako ng energetic and up beat k-pop songs.
Sobrang tahimik ng school. Some students are studying sa benches near the hallway, pero karamihan ginawang tambayan ang library dahil sa aircon. Dito ako sa table malapit sa clinic pumwesto para maki-wifi at para malapit lang sa Creegan 04.
Ang sakit ng tiyan ko kakatawa sa funny videos ng favorite girl groups ko. Grabe! Mga baliw talaga. Pilit kong hininaan ang tawa ko dahil baka makaistorbo ako pero, shet!
Nagpunas ako ng luha. Hay nako. Natatawang binuksan ko ang aking twitter. Scroll lang ako nang scroll hanggang sa napadpad ako sa tweet niya.
Marc Kenneth @marcfariolan: Pota! Miss na kita!
Aubrey Alajar @itsmeaubreyyy replied: kailangan magmura? See u. ?
O.M.G.
Siya?
All this time? The girl is...
Para naman akong nakuryente at napatalon nang may nagtanggal ng earphones ko. "Huy, okay ka lang? Anong ginagawa mo dyan?"
Si Ailou lang pala. Pinakalma ko muna ang gulat na gulat kong puso.
Okay. Siya lang pala, eh. Napanatag ang loob ko sa nalaman. At least, mabait at matalino naman yun si Aubrey. She's really humble, soft-spoken and boyish. Hindi maarte at simple lang.
Akala ko, kaya hindi niya ako nagustuhan ay dahil may mali sa akin. It turns out, hindi lang talaga ako ang type niya. Type niya pala mga morena?
At least I know that he's in good hands and contrary to what I have predicted, hindi siya makakabuntis at makakapagtapos siya ng pag-aaral. Hahaha.
"Ha? Nagulat lang ako sa'yo. Tsaka, may nalaman ako."
"Ano?" Her eyes twinkled. Lumapit siya nang bahagya sa akin para makasagap ng chismis.
"Alam ko na kung sino ang gf ni Marc." I said, smiling.
"Oh? Sino?"
I told her who, although hindi niya kilala. She also stalked the girl using my twitter account. Nakasuot ng high-waisted denim, white rubber shoes, na pinartner sa fisherman’s hat at denim jacket si Aubrey. Her bright smile never faded here in her profile picture. Isang motivating quote din ang cover photo niya.
Sinong mag-aakala na mahuhulog ang isang anghel na Aubrey sa devil na si Marc. So, he was really serious back then noong High School.
"Mas maganda ka,” she commented.
My heart smiled. "Syempre!"
I only agreed with her at pagkatapos isang kutos pa ang iginanti niya sa’kin. “Yuck, feeler!” Pero heto kami, parang mga aning na tawa nang tawa.
"Hi, Adrix!" Napalingon ako sa lalaking binati ni Ailou. Adrix smiled back.
Magkakilala pala sila? Sabagay, kahit malaki ang University, nakasalamuha mo pa rin lahat ng mga tao dito. Mas malawak pa rin ang mga state University. Doon, kailangang magcommute para makarating sa kabilang building. Dito, nilalakad lang.
He's still wearing his black hoodie jacket above his white polo uniform. Pero nakababa ang hood ng jacket niya.
"Good luck sa exam," he said with semi-shaking eyes. His eyes are like beads. They're round and small. Clear,innocent, and fragile. How cute.
"Kayo din," sagot ni Ailou.
May dinukot siya sa kanyang bulsa. Inilagay niya sa lamesa. He then averted his gaze, straight ahead and walked away from us.
“Ano ‘to? Wow, thank you!” slight na pasigaw ang pagpapasalamat ko sa kanya. Ang bilis niya kasi maglakad.
Kumuha ako ng tatlong chewy candies. Tinirhan ko ang kasama ko ng apat. She leaned forward and teased, “Bait niya, no? Bagay kayo.”
Halos mabilaukan ako. Napataas ako ng kilay. “Hindi ko siya crush. Pinagsasabi mo dyan.”
“Crush! O, ikaw nagsabi niyan, hindi ako, ah.” And she bursted again into laughter. Hindi makapaniwala ko siyang tinignan, na parang napakawaley ng joke niya. Habang siya, panay pa rin ang tingin sa’kin nang mapang-asar. May patakip-takip pa ng bibig.
“Masaya ka na niyan?” I rolled my eyes but my lower lip curved into a smile instead.
Maya-maya dumating na ang tatlo pa naming kaibigan. Nireview ko muna sina Ailou at ate Vanessa. Nakikinig lang si Arnaisa at paminsan-minsan nagtatanong. Nakatulog daw kasi siya kaya hindi niya natapos basahin yung notes.
Si ate Wincelette naman, tahimik lang sa isang tabi at nakikinig ng music. Bahagya siyang lumayo sa amin pero dinig pa rin namin ang mga sigaw niya.
"Hello? Oh?" iritable niyang sagot sa tumatawag.
"Wala pa! Ang kulit mo! Bye!" kunot-noo niyang in-end yung call at niyakap ang tiyan.
"Sino yun?" tanong ko.
"Si jigs, no?" Dinungaw ni ate Vanessa ang mukha ni ate wince.
Ate wince nodded. Hindi ko madrawing yung mukha niyang namimilipit. Panay yakap niya sa tiyan niya."Uggh. Mamamatay na'ko! Ang sakit ng puson ko."
Kawawa naman si kuya jigs. Bakit kapag may period ang mga babae, nagiging masungit, tapos pagbubuntunan ang mga lalaki?
Alam ko namang dahil yun sa hormonal changes at dagdagan pa ng pamatay na sakit. Nakakairita pero ako, never akong nagsungit. Pinipigilan ko. I don't wanna lash out on someone and regret it afterwards just because I had my period.
"Tara sa clinic," yaya ni Ailou.
Sumama ako sa kanila at iniwan muna ang notes ko kina Ate Vanessa at Arnaisa. Bumukas ang pinto pagkaupo ko sa bench.
"Hi, pen," he greeted me with his hoarse voice which was then followed by consecutive coughs.
"Hi, Marc." I greeted back. He is wearing a surgical face mask.
Umusog ako at umupo naman siya sa kaliwa ko. Napagitnaan nila ako ni Ailou.
"May sakit ka din?" he asked.
He is too close to me. Nagkakadikit na ang mga braso namin. Nararamdaman ko ang mga kaunting galaw niya. Pasimple akong umusog palayo. Kinapa ko ang sarili. Wala akong maramdaman.
"Nope.Sinamahan ko lang ang friend ko."
"Ah."
Pagkatapos non, hindi na ulit kami nagpansinan. Pabulong kaming nagkukwentuhan ni Ailou. Kesyo curious daw siya sa kanyang timbang. Porke nakakita ng weighing scale. Matapos makakuha ni ate wince ng gamot, kaagad rin kaming lumabas at pumunta na sa Creegan 04, ang classroom namin sa RE.
Magaan ang loob kong pumasok sa classroom. Ganito pala ang pakiramdam ulit na maging malaya. Malaya sa pagpapanggap. Walang sikretong pinoprotektahan tungkol sa kanya.
Wala na. Hindi na kritikal ang lagay ng puso ko. Kailan ba ang huling araw na umibig ako sa kanya? Hindi ko na matandaan. Hindi ko namalayang, ito na nga ang huli.
xxx
END.
CHAROTISM! Bwahahaha
A/N: O, relax, baka akala niyo ito na ang last chapter, ha. HAHAHAHA. Of course not. Marami pang revelations. I can’t let this end loosely.
Sino ang secret admirer ni Penelope? Sino ang lalaking kasama ni ate Denchi? Anong nangyari sa friendship nina Pen at Heidi? Si kuya Winston ba ay kaaway, o kakampi?
Hanggang kailan mapapanatili ni Penelope ang pagiging single niya?
Wahahaa. At may bagong character na parating. These and more, on the next chapters!
DNS will continue updating after I have finished editing the whole 2nd Book of Bookstore Deities Series, Blank. 8 parts na lang talaga, hoho tapos balik na ulit dito.
Paramdam naman kayo mga secret readers. Hahaha. I don’t bite.